Kabanata 29

122 7 2
                                    

Francine

F*ck this Jaryl kanina pa nakatitig sakin, kala niya ata hindi ko nakikita. Ganto siya lagi since nung bata pa kami, lagi lang siyang nakatingin sakin mula sa malayo but never attempted na kausapin ako. Kaya hindi ko alam trip niya at lagi nalang siya nakatitig sakin.

"Ky, inumin mo muna to." biglang sulpot ni Brylle at inabot kay Kyline yung dala niyang juice.

"Salamat Bry, talagang kinuhanan mo pa ko. Sabi ko naman sayo wag na." nahihiyang saad ni Kyline sakanya.

Bukod kay Jaryl, inis na inis din ako sa pagiging sweet neto ni Kyline at Brylle. Like hello nasa tabi niyo lang ako. Sweet sila pag ako lang katabi nila, tapos casual lang sila pag may iba kaming kasama.

Gustong-gusto talaga siguro nila akong nakakasaksi sa kasweetan nila ponyeta, sarap nila sapakin parehas.

"Ky? Ano bang trip ng pinsan mo na yan? Habangbuhay nalang ba siyang titig ng titig sakin?" inis na inis na saad ko kaya gulat sila napalingon saking dalawa. Kasi bigla ba naman akong nagsalita, nakalimutan pa ata nilang kasama nila ako.

"Manhid ka ba Francine, hindi pa ba obvious?" sagot ni Kyline sakin kaya napaisip ako.

Obvious?

"Obvious ang alin?" takang tanong ko sakanya.

"May gusto sayo ang pinsan ko, matagal na. Wala lang siya lakas ng loob umamin sayo." dere-deretsong sagot niya sakin. Dahilan para matahimik ako at napatingin kay Jaryl na kakwentuhan na si Kuya Gabriel.

May gusto sakin yang kumag na yan?

Paano?

"Paano nangyare yun at kailan pa siya nagkagusto sakin?" di makapaniwalang tanong ko kay Kyline.

"Ang kwento niya sakin noon nung close pa kami, tinamaan daw siya sayo nung tamaan mo siya ng sapak nung una kayong nagkita, kasi inakala mo daw na stalker siya eh hindi naman daw niya alam na iisang way lang pala pupuntahan niyo." kwento ni Kyline, napansin ko naman na nakikinig lang si Brylle at halatang nagulat sa nalaman niya.

"Tinamaan ng sapak? Teka!" I murmured at inisip ang nangyare nung araw na yun.

Flashback

"Ina, kailangan ko po ba talagang pumunta sa Ainabridge Castle? Ano ba kasing gagawin ko dun?" pagmamaktol ko sakanila. Hindi ko talaga gets kung bakit kailangan ko pa pumunta dun. I don't get them.

"Nakaset na tong araw na to Francine, wag kang makulit. Nakakahiya naman sa ibang mga Sandiwa at Sandiwu kung hindi ka pupunta. And also bata pa kayo nung huli kayong magkita ng mga kababata mo." saad ni Ina.

Oo alam ko, maliliit pa kami nung huli kaming magkita kasi di kami pinapalabas sa mga kaharian namin.

Dahil batas daw ito sa Normsantandia na lahat ng Sandiwa at Sandiwu ay makakalabas lang ng kaharian pag nasa edad na 16 years old na. At eto ako ngayong 16 na, kaya sinet nila tong meet up na to ng hindi man lang tinatanong kami kung gusto ba namin magkita-kita.

Like the hell I care!

"Pero hindi ko sila gustong makita." umiirap sa ere na sagot ko sakanya. Akmang papagalitan na sana ako ni Ina ng biglang sumulpot si Ama.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now