Kabanata 40

66 6 0
                                    

Kyline

“Jayden, what the hell are you doing here?” gulat na tanong ko ng pagbukas ko ng pinto ng Office ko ay siya ang bumungad.

Ningitian lang niya ako at tsaka nilapitan sabay kindat.

“Because I want to see you.” nakangiting sabi niya at tsaka inagaw ang bag na dala ko at nilagay sa table ko.

Tantanan mo ko Jayden, wala ako sa mood ah.” inis na singhal ko sakanya.

Pero ang gagu, ningitian lang ako sabay lapit sakin.

Agang-aga mo naman mawala sa mood. Di ka nag almusal no?” he ask at tsaka umupo sa mahabang sofa na meron dito sa office ko at tsaka sumandal dun.

“Obvious ba Mr. Jayden?” inis na tanong ko sakanya.

Kaya napataas siya ng dalawang kamay sign ng pagsuko niya. Kaya tumayo siya at halos mapaigtad ako ng hilain niya ko palabas ng office ko.

“Jayden, saan tayo pupunta may trabaho pa ko.” sigaw ko pero parang wala siyang narinig at patuloy lang niya ako hinila.

Hanggang sa makarating kami sa restaurant na katapat ng office namin.  At wala na akong nagawa nung paupuin niya ako sa isang upuan at nagpaalam na mag-oorder lang siya.

Maya-maya pa ay dumating na siya dala-dala ang isang tray at nilapag ito sa table.

“Ano to?”

“Obvious ba Sienna, pagkain yan. Pati pagkain hindi mo na ba alam?” sagot niya habang patuloy na naglalapag ng pagkain na inorder niya.

Piloposo! What I mean bat ka bumili nito?” medyo inis na saad ko sakanya.

“Di ka pa nag-aalmusal right?” tanong niya sakin kaya napatango ako. “..kaya eto kumain ka. Kaysa magsimula ka magtrabaho ng walang laman iyang tiyan mo.” nakangiting sabi niya at tsaka umupo sa harap ko.

Kaya wala na kong nagawa kundi kumain dahil wala na naman akong magagawa, nakaorder na siya eh. Wala sana akong planong kumain kasi honestly wala akong gana.

Pero naisip ko ding ma-sasayang tong inorder niya kung hindi ko kakainin.

Pero I admit at ramdam ko na nag-iiba na ang tingin sakin ni Jayden. I feel it. Sadyang ayoko lang pangunahan lahat.

Pero kahit alam kong may nararamdaman na din ako ay parang may pumipigil sakin na patulan yung nararamdaman ko na yun dahil pakiramdam ko may mali.

May mali sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko maling nagkagusto ako sa iba. At lahat ng ito ay may mali

“Sienna, kumain ka na. Lumalamig na yung pagkain.” biglang sambit ni Jayden kaya bigla akong napabalik sa realidad at napatingin sakanya.

Tumango nalang ako at tsaka kumain nalang ng hindi siya kinakausap.

Ano nga bang mali sakin?

Jaryl

“Tita Yana, lilibot po muna ako dito baka sakaling makita ko sila.” paalam ko kay Tita Yana na busy kausap sina Tita Jinri.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now