Kabanata 43

88 4 0
                                    

Kyline

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto, hindi to ang kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko at tsaka natanaw sina Mommy at Daddy na halata sa mukha ang matinding pag-aalala sakin. 

"Sienna, you're finally awake." bungad ni Mommy sakin. At tsaka lumapit sakin at umupo sa kama at pinakatitigan ako.

"Akala namin, hindi ka na namin makikita ulit." sabi naman ni Daddy na bakas pa din ang sobrang pag-aalala sakanyang mukha.

Ningitian ko lang sila, dahil muli kong naalala yung nangyari kanina. Hindi yun panaginip, may mga kakaibang bagay akong nasaksihan sa aking sarili. Pero pilit kong pinaniwala ang sarili ko na baka dala lang ng sobrang takot lang dahil kung hindi ako naglakas loob na lumaban kanina ay baka hindi ako nakaligtas.

Armado sila, at anong laban ko sakanila?

"Sienna, okay ka na ba? Kamusta pakiramdam mo?" sambit ni Jayden na hindi ko namalayang nandito rin pala siya. Tanging sila Mommy at Daddy lang kasi nakita ko kanina. Dahil sila talaga una kong hinanap.

"Medyo masakit pa katawan ko, dahil sa mga bruise na nakuha ko sakanila." sagot ko sakanya, pero tinitigan niya lang ako na tila inaalam kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Ganto nalang talaga siya eversince nung makilala ko siya. Talagang mahilig siyang alamin at titigan ako to know kung nagsasabi talaga ako ng totoo.

Jayden is a good person and nice person, maraming beses na niya kong tinulungan sa kumpanya. Even if it's good or bad days. He's perfect and I can't ask for more. Pero parang may kung ano sakin na nagsasabing pigilan ko ang sarili ko magkagusto at mahulog sakanya. Pakiramdam ko ay hindi dapat kay Jayden ang paningin ko.

Tuwing gabi, I always dream someone. A guy, never ko nakita ang buong mukha niya at itsura niya. It's always blur. But I know at nararamdaman kong that guy, really exist. Kaya kailangan ko pigilan magkagusto kay Jayden, because pakiramdam may mali sa nararamdaman ko.

At patuloy itong magiging mali pag itinuloy ko ito.

Tulala lang ako nakatingin sakanya at di ko alam ang sasabihin ko ng biglang yakapin niya ko dahilan para mas magulat ako.

"J-jayden?" I whispered. At para akong nawala sa sarili ko bigla at parang biglang kami nalang yung tao dito sa hospital room.

"Sobrang nag-aalala ako sayo. When I heard the news, sobrang natakot ako kasi akala ko hindi na kita makikita pa ulit." he said.

"I'm fine, I know to protect myself." I answered. Kaya kumalas siya sa pagkakayakap at humarap muli sakin.

"Don't ever do that again." he said at tsaka hinawakan ang kamay ko.

Di ba siya naiilang? He's doing this shit infront of my parents? Wth.

After nun ay pinagpahinga na nila ako to get back my energy na naubos dahil nga sa nangyari kanina.

Samantalang umuwi naman sila Mommy at Daddy to get some of my things and stuff at home at para na din daw mapabantayan muna sa iba ang company. Baka daw kasi gawing opportunity ng mga kalaban ng kumpanya ang pagkawala ko to ruin us. Well that how business works.

Ilang araw din ang tinagal ko sa hospital, until na discharge ako at pinauwi na samin. Hindi pa ako agad pinagtrabaho nila Mommy, dahil gusto nilang magpahinga pa ko.

Gusto ko sanang tumanggi pero makulit kasi yun sila Mommy, kaya hindi ako makatanggi.

Sa ngayon ay nasa kwarto ako ay maghapon lang nakahiga hanggang sa naisipan kong bumangon para magbanyo. Pagpasok ko sa banyo ay tila parang umikot ang mundo ko. At bigla nalang kusang tumaas ang mga kamay ko at nagliwanag.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now