Kabanata 48

58 3 0
                                    

Kyline

"Sorry Tita Yana, Tita Jinri, Jaryl, Tito Justine and Tito Rui. I need to go na po, mukhang natrace po nila Mommy kung nasaan ako." paghingi ko ng pasensya sakanila, dahil ng sagutin ko ang call ni Mommy kanina, sinabi niyang nasa labas ang mga guard at sundo ko.

"It's okay iha, tatawagan ka nalang namin sa mga susunod na plano. Mag-iingat ka, and please control your inner power, wala ka sa Normsantadia." bilin ni Tita Yana sakin kaya napatango ako. Nakakahiya talaga yung ideyang ang daming bodyguard at sasakyan ngayon sa labas, natrace nila kung nasaan ako dahil sa gps location sa phone ko na nilagay pala nila Mommy after kong maambush.

Napalingon naman ako kay Brylle na kitang-kita ang pag-aalala at pagkamiss sakin, gustong-gusto ko siya yakapin, kausapin at kamustahin pero sobrang kumplikado ng sitwasyon namin ngayon.

Ngayon ko lang din narealized kung bakit hindi ako nahulog at nagkagusto kay Jayden nung wala pa kong memory, dahil pala yun sa may boyfriend ako at katulad ko nabura din ang alaala. Masaya ako na makita siya ngayon at gusto ko pa sana siya makasama pa ng matagal, pero kailangan ko munang iwan ang buhay ni Sienna, dahil hindi ako si Sienna - hindi ako Sullivan.

"Brylle, namiss kita. Pangako, babalik ako at magkakasama tayo ulit." sambit ko sakanya kaya napangiti siya at nanakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

"Mahal na Mahal kita, Ky." he whispered. Kaya napangiti ako ng sobra. 

"Mahal na Mahal din kita, Bry. Pero for now yung relasyon mo muna kay Tito Justine ang asikasuhin mo. Masaya ako na finally mabubuo mo na pagkatao, nakilala mo na ang Ama mo and you deserve that." bulong ko sakanya at kumalas sa yakap at tinitigan siya. Nagulat pa ko nung gawaran niya ko ng halik sa noo ko.

"Babalik ka ah?"

"Oo babalik ako, at once na makuha na natin si Francine. Sabay-sabay tayong babalik ng Normsantadia. Sige na aalis na ko." nakangiting sagot ko sakanya.

Pagkatapos nun, napakadaming bilin pa ang nilatag ni Tita Yana sakin maging si Tita Jinri ay nakisali na. Miski si Jaryl din ay todo bilin, grabe ganun ba talaga ako kahalaga sa Normsantadia.

Yes, I used to be someone na walang pakialam sa lahat ng nangyayari sa Normsantadia. I used to hate the life I lived. I used to hate na ako ang susunod na Reyna ng Ainabridge. Minsan ko ng hiniling na sana hindi nalang ako naging anak ni Ina at Ama. Pero dahil sa nangyayari ngayon samin at ang ideyang  nasa kapahamakan si Ina at Ama at ang mga iba pang hari at reyna ng mga kaharian sa Normsantadia. Tila may parang tumapik sakin at nagsasabing kailangan may gawin ako, bilang parte ng sinasabi nilang propesiya.

At alam kong parte ng propesiya ang nangyari saming tatlo nila Francine. Kasama to upang mahubog kami at mas maging matibay para sa huling giyera na sinasabi nilang tunay na magbibigay ng kapayapaan sa Normsantadia. Madami akong natutunan sa pananatili ko dito, at lahat yun ay babaunin ko pabalik sa mundo namin. Ngunit kahit may naalala na ko, ay napalapit na ko sa mga magulang ni Sienna at hindi ko alam kung paano magpapaalam sakanila. Dahil utang ko sa kanila ang buhay ko.

Ng nasa biyahe na kami ay tinanaw ko ang labas ng kotse at kinuha ang phone ko sa maliit na pouch na bitbit ko at may dinial.

"Hi, I know masyado ng late ang phone call na to. But can you please help me find a person?" bungad ko pagkasagot sakin ng tinawagan ko.

"Yes, Ma'am? Ano po maitutulong ko sainyo?" sagot niya sakin.

"Can you find the person in the photo na isesend ko sayo? We are look alike, yeah so baka malito ka but she is my twin. Based sa source na narinig ko may nakakitang itinapon siya sa isang tulay isesend ko nalang ang details. And can you find her body and pakicontact nalang ako pag nahanap niyo na siya." seryosong sambit ko. Di ko alam kung paano ko navision ang kinaroonan ni Sienna, it's just bigla ko nalang nakita on how she died, yes patay na siya. Patay na ang totoong Sienna, all I want is to recovered her body.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now