Kabanata 6

193 19 1
                                    

Kyline

Bakit parang kasalanan ko ba na naging ganto na ko? Bakit ba ayaw nalang nila tanggapin na ganto na ko, at eto na ako.

Saktong pagbalik ko sa dorm dahil di ako makatulog dahil sa naging sagutan namin ni Ina ay nagpasya muna akong pumunta sa garden para mapagantok at makapag-isip-isip man lang. Kaya nagteleport ako papunta sa garden para mabilis. Pero di ko naman akalain na ganto maabutan ko.

At halos matutop ako sa kinatatayuan ko ng imulat ko ang mata ko at may tao sa harap ko, malungkot siyang nakatingin sakin at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa..

"C-clyde?" mahinang sambit ko.

Dahil niyakap niya ko, yung yakap na alam na alam ko kahit na dalawang taon na ang lumipas.

Di siya nagsasalita, at nanatili kami sa ganung sitwasyon hanggang sa marinig ko ang paghikbi niya.

Buti nalang at gabi na at wala ng makakita samin.

"Clyde ano bang nangyayari sayo?" naiinis na bulong na pasigaw ko sakanya.

"Miss na *hik* miss na *hik* kita." sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Tae lasing pala to, kingina saan galing alak nito.

Diba pinagbawalan ko na siya noon na uminom nito, ano at bumabalik na naman siya?

Nasaan ba girlfriend nito?

"Tumigil ka nga Clyde, may girlfriend kang tao. At wala akong nakikitang rason para maggaganto ka sa harap ko, gusto ko lang ng katahimikan pero eto ka ginugulo mo ko." naasar na sabi ko at tsaka pilit na tinanggal ang yakap niya at tsaka siya tinulak.

Nakita ko naman na nagpagewang-gewang siya hanggang sa umupo siya sa damuhan at malungkot na tumingin sakin.

"N-naalala mo pa ba *hik* nung sinabi mo sakin na bawal akong mag-inom dahil ayaw mo ng may bisyo *hik* sinunod ko yun Ky dahil mahal na mahal kita." mangiyak-ngiyak na sabi niya sa harap ko. At tila muling nagbalik sa aking isipan ang eksena na yun.

Throwback

"Ngayong boyfriend mo na ako. Wala ka bang ilalatag na mga rules diyan?" nakangiting tanong ni Clyde sakin kaya napatingin ako sakanya at tsaka napangisi.

"Hmmm..bakit susunod ka ba pag nilatagan kita ng rules?" nakangising tanong ko sakanya.

"Oo naman basta para sayo." nakangiting sagot niya sakin.

"Naku ka Clyde, wag mo nga ako pinagtitripan. Rules nga sa Academy di mo sinusunod, wag mo sabihing hindi. Makailang beses kang nakaharap ni Sir Erectus sa Guidance Counselor. Lagi kang nahuhuling nagkacutting o di kaya naman ginagamit mo ng ginagamit powers mo pag oras ng klase. Tapos iyang skateboard mo, bawal yan sa Academy pero ayun halos nalibot mo na buong Academy kasasakay diyan.." umiiling na sabi ko at inisa-isa pa lahat ng mga nilabag niya na rules sa Academy. "..at eto pa sakit ka pa ng ulo nila Tita Coleen at Tito Miguel dahil sa pagiging rule breaker mo." madiing dagdag ko pa kaya napanguso siya sakin.

"Isa-isahin ba mga kasalanan ko? Walang ganyanan Ky." nakangusong saad niya sakin.

"Oh di wag na tayo gumawa ng rules, mukhang di mo naman kayang sundin eh." sabi ko at nagkunwaring tatayo na para umalis na sana, dahil malapit na matapos ang lunch break.

Nasa garden kasi kami dahil sinagot ko na siya sa matagal niyang panliligaw sakin.

Napangiti naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako para bumalik sa pagkakaupo.

"Alam mong di ako mahilig mangako at tumupad sa pangako. Pero dahil mahal kita, gagawin ko kung anuman niyang rules na ilalatag mo. Dahil gusto ko maging maayos tayo at magtagal. Dahil kahit na rules breaker, alam ko pa din naman mga limitasyon ko." sabi niya at talagang hinarap ako mukha ko sakanya at pinakatitigan ako at tsaka ngumiti.

Kaya natigilan ako.

Seryoso talaga siya sa gusto niyang mangyari, siraulo talaga.

Pero kasi sa tagal naming magkasama halos kabisado ko na rin siya. Alam ko kung kailan siya nagbibiro at seryoso.

"Seryoso ka ba talaga diyan Clyde, alam kong alam mo na di ako mahilig sa mga rules na yan dahil ayoko ng mga promises.." saglit akong tumigil at tsaka humugot ng malalim na hininga. "..dahil nga sabi nila promises meant to be broken, dahil alam kong darating ang panahon na lalabag at lalabag ka." sabi ko at tsaka hinawakan ang kabilang pisngi niya kaya hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisng niya.

"At iyon ang di ko hahayaang mangyari, dahil yung rules na yun ay dadalhin ko hanggang sa kabilang buhay.." nakangiting sabi niya at tsaka dinala ang kamay ko na hawak niya sa tapat ng puso niya. "..sapat na sakin na mahal kita para di ko labagin ang mga rules na yun." makahulugang dagdag niya pa.

Kaya mas lalong gumuhit ang ngiti sa mukha ko, dahil seryoso talaga siya.

"Okay dahil mukhang seryoso ka talaga. I have three golden rules, tatlo lang dahil ayoko ng madami.." medyo natatawang sabi ko, dahil di ko lubos maisip na ang tulad kong ayaw sa mga rules, ngayon ay gumagawa na ng rules para sa boyfriend kong makulit. Napansin ko namang talagang nag-aabang siya kaya nagpatuloy ako. "..the first golden rule is kailangan mong ayusin ang pag-aaral mo at wag na ng magcucutting classes." sandali akong tumigil dahil nag-iisip pa ko ng pangalawa.

"Basic, kayang-kaya ko yan Ky.." kumento niya kay napangisi ako, dahil sa sunod kong naisip. At halos magtaka siya ng mapansin niya ang pagngisi ko. "..Ky parang di ko gusto niyang iniisip mo, pakiusap wag sana tungkol sa pusa mo. Alam mong ayoko sa mga pusa." medyo kinakabahang sabi niya sakin.

Kaya natawa ako sakanya.

Siraulo to, bat ko naman idadamay pusa ko dito. At aware naman ako na ayaw niya sa pusa, pero gagawan ko ng paraan para mawala takot niya sa pusa ko.

"Okay don't worry hindi ito tungkol sa pusa ko. Okay eto na sunod, the second golden rule is no to skateboarding sa Academy, sa labas ng Academy lang pwede at sasamahan pa kita.." nakangiting sabi ko sakanya, napansin ko nung una ay nalungkot siya pero agad ding napangiti sa sunod kong sinabi. "..and the third and last golden rule is no to alak, alam kong nag-iinom ka Clyde. At dahil boyfriend na kita at tayo na titigil ka na sa pag-inom, dahil ayoko ng boyfriend na may bisyo." madiing sabi ko dahilan para manlumo siya.

At natawa nalang ako sa reaksyon niyang yun, rules pala ha!

End of throwback

"Pwede ba Clyde? Matagal na tayong wala. At lahat ng yun isa nalang sa mga alaalang binaon ko na sa limot. At bakit mo ba sinasabi ito sakin ngayon?" naiinis at naaasar na talagang sigaw ko sakanya.

"Dahil yung pangatlong rule na yun, nilabag ko na ngayon. At ititigil ko lang muli ito sa oras na malaman mo na ang lahat-lahat *hik* pero alam kong di na darating ang *hik* araw na yun. Pero gusto kong malaman mo na, walang nagbago sa nararamdaman ko sayo, dahil kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ikaw lang ang babaeng minahal ko ng higit pa sa kahit anuman *hik* alam kong di mo ko naiintindihan pero alam kong balang araw maiintindihan mo rin ako." mahabang lintanya at tsaka siya bumagsak sa damuhan. Di man lang ako pinagsalita, tsk iinom-inom di naman pala kaya.

Kaya kahit naiinis ako sa ginawa niya, may konsensya pa rin naman ako kaya hinawakan ko siya at tsaka nagteleport papunta sa dorm niya at tsaka siya ihiniga sa kama niya.

Ng maihiga ko siya at lumapit ako sakanya at tsaka tinapat ang bibig ko sa tenga niya at tsaka nagsalita.

"Di ka na makakaulit pa, Clyde tandaan mo to. Sa susunod na gawin mo to, iiwan na kita sa kung saan ka man babagsak. Tsk, iinom-inom di naman pala kaya." nakangising sabi ko at tsaka nilayo na ang sarili at tsaka nagteleport papunta na sa dorm ko para makatulog na rin.

Dahil maaga pa pasok bukas, at napagdesisyon kong bukas naman isipin ang nangyari na sagutan samin ni Ina. Di ko naman ginusto yun, napikon lang talaga ko.







Savage SandiwaWhere stories live. Discover now