Kabanata 34

78 7 0
                                    

Kyline

Ng magkamalay ako ay natagpuan ko ang sarili ko sa damuhan, at kahit hinang-hina ay tumayo ako at pinilit maglakad sa kung saan. Hanggang sa may makita akong malaking gate, at doon ay tuluyan na kong napaupo.

Kinalampag kong pilit ang malaking gate, para lang makahingi ng tulong. Hanggang sa may lumabas na isang babae.

"Sienna, anak ko. Saan ka galing?" sigaw nito na bakas ang pag-aalala at tsaka niya ako kinuha at at pinahiga sa binti niya.  "..Steven, nandito na anak natin, lumabas ka diyan." umiiyak na sigaw na niya na may tinatawag sa loob ng bahay.

Narinig ko ang yabag ng mga paa ng mga lumabas galing sa loob.

"Sienna, anak." sigaw naman ng isang lalaki.

"T-tulungan n-niyo p-po ako." nanghihinang sambit ko sakanila at tsaka ako tinuluyang nawalan ng malay at tuluyang nanlabo ang paningin ko.

After 1 day..

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. At sandali kong iginala ang paningin ko.

Nasaan ako?

Hanggang sa may biglang pumasok sa kwarto.

"Miss Sienna, gising na po pala kayo. Tawagin ko lang po sila Ma'am and Sir." nakangiting bungad niya sakin.

Sienna? Ayun ba pangalan ko? Bat wala akong maalala.

Maya-maya pa ay may dumating na isang babae at isang lalaki at dali-dali nila akong niyakap ng mahigpit.

"Akala namin hindi ka na namin makikitang muli. Sienna, bakit naman naglayas ka, sorry if naramdaman mong hindi ka importante samin. Mahal na Mahal ka namin, Sienna." bulong ng babae sakin.

Naglayas ako?

"Sienna, anak please forgive me for pushing you to be the CEO of our Company. Wala kasing ibang magmamana nun kundi ikaw lang." sabi naman nung lalaki.

Anak nila ako? Mga magulang ko sila, pero bat hindi ko sila maalala.

"Ah, sino po kayo?" takang tanong ko sakanila, dahilan para mapatingin sila sakin at mapakalas sa yakap nila sakin.

"W-what do you mean?" gulat na tanong nung babae sakin.

"Sienna hindi magandang biro yan, anak." sabi naman nung lalaki sakin.

"Hindi po ako nagbibiro, hindi ko po talaga kayo kilala. Nasaan po ako? At sino po ako?" sagot ko at nagsimula akong malito at maguluhan, kung anong nangyayari sakin? Bakit wala akong maalala. "..bakit po wala akong maalala? Ano pong nangyayari sakin?" umiiyak na sambit ko sakanila.

"Sienna calm down, first." pagpapakalma nung babae sakin.

"Yaya Fely, call the doctor now." utos naman ng lalaki sa isang maid na nasa kwarto. Kaya agad itong kumilos at lumabas ng kwarto.

Habang naghihintay sa doctor, ay patuloy ang iyak nung babae at inalalayan naman siya nung lalaki na para bang hindi sila makapaniwala na hindi ko sila kilala at wala akong maalala.

Maya-maya pa ay dumating na ang Doctor na pinatawag nila at agad akong chineck at tinanong ng kung ano-ano.

"Mr. & Mrs. Sullivan, your daughter is suffering an amnesia. All her memories including both of you is gone. So you're daughter can't remember both of you." anunsyo ng doctor sa lalaki at babae.

Kaya natigilan ako at natahimik sa narinig ko. May amnesia ako? Paano? Anong nangyari?

"Ano, Dok? Ano po kailangan naming gawin to recover her memories?" tanong nung lalaki sa Doctor.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now