Kabanata 52

60 5 0
                                    

Francine

After ko makausap si Farah ay wala siya ibang ginawa kundi umiyak. Kaya hinayaan ko muna siya at pinagpahinga at sinabihang bukas ay ipapakilala ko na siya sa magulang niya.

Yes, bukas na agad. Dahil nabalitaan ko kanina on my way papunta kay Farah ay nakapagpaalam na daw si Kyline sa pamilyang kumukupkop sakanya at nasabi na rin niya ang mapait na sinapit ng totoong Sienna. At nabanggit din niya na may kakambal talaga si Sienna at gagawin niya daw lahat to find her. At pakiramdam niya nasa mundo namin ito - sa Normsantadia kaya dun daw siya maghahanap.

Sa yaman daw kasi ng Sullivan imposibleng hindi nila mahanap si Sahra dito, kaya mukhang nasa mundo daw talaga namin si Sahra. While Brylle and Tito Justine done releasing their joint statement for quitting showbiz. Kaya eto na, ako nalang talaga at makakabalik na kami sa Normsantadia.

Pag-uwi ko sa bahay ay di ko na naabutan sila Mommy mukhang tulog na. Buti nalang kasi hindi ko alam kung paano sila haharapin knowing na may naalala na ko. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama at tsaka kinuha ang phone ko sa bag at tsaka tinawagan si Jaryl. Sana gising pa siya, kailangan ko ng lakas ngayon.

Di pa din talaga ako makapaniwala na sa mundo ng mga tao lang pala namin magagawang magconfess sa isa't-isa. Kasi honestly parang nawala yung ugali na meron ako nun, dahil sa pananatili ko dito. Naging showy ako masyado.

"Tulog ka na ba?" bungad ko sakanya.

"Hindi pa naman, masasagot ko ba tawag mo kung hindi pa. Kauuwi mo lang?" sagot at tanong niya sakin na mababakas sa tinig niya ang pag-aalala niya. Alam niya kasi na nagpunta ako kay Farah kanina.

"Yes, nakakapagod nga eh pero successful. Bukas ko na aaminin kina Mommy ang totoo, at siyempre bitbit ko na si Farah sa harap nila. Kaya maaga din talaga gising ko bukas.." sagot ko sakanya. "..ano pala balita diyan?" dagdag na tanong ko sakanya.

"Talino mo talaga Francine. Parehas talaga kayo ni Kyline, iba kasi mag-isip grabe. Ganyan ba talaga pag anak ng Royal Bond. Anyway okay naman kami dito, ayun si Jayden mukhang broken, ikaw ba naman malaman mong may kasintahan yung gusto mo eh. Sakit nun tagos parang nung sinusungitan mo lang ako." nakakalokong sambit at sagot niya mula sa kabilang linya. Medyo natawa naman ako sa banat niya sa dulo. Siraulo talaga!

"Ewan sayo. Hindi mo masisi si Jayden, ganda naman kasi ng pinsan mo. Baka nakakalimutan mo si Clyde na parang gagu na after saktan pinsan mo habol ng habol pa din kay Kyline. Ganun kaganda pinsan mo." ngumingising sambit ko sakanya at isa-isang inaalala kung paano ewan ko pero sadyang nasasaksihan ko yung paghahabol ni Clyde kay Kyline, nasasaktuhan talaga lagi at laging ako audience nila. 

"Mana kay Tita Criszette eh. Naalala ko nakwento ni Ina na ilang lalaki ang nagkagusto kay Tita, from Tito Nico na hindi nila alam kung asana na. Tapos Tito Serix, Tito Ryle and don't forget to Tito Enzo na ex niya. Pero kay Tito Keiron pala bagsak. Iba ganda ni Tita, kaya di nakakapagtaka at ganun din ganap kay Kyline." natatawang kwento niya sakin.

"Well, nabanggit nga sakin nila Ina yan. Pero mas nahulog si Ama kay Ina. Iba ang Chariz!" tumatawang sagot ko sakanya.

"Hindi pa rin talaga ako sanay na ganyan na ugali mo, pero mas okay na yan kaysa sa masungit at walang pakialam na Francine noon. Mahal na Mahal kita, Francine." he said on other line, kaya napangiti ako.

"Mahal na Mahal din kita. Sige na magpapahinga na ako, maaga pa ko. Mga hapon siguro nandiyan na ako." I said at pagpapaalam ko sakanya medyo inaantok na din kasi ako dahil sa pagod.

"Okay, sleepwell. See you tomorrow!" he answered at tsaka binaba na ang tawag. Kaya nahiga na ko at natulog.

Maaga ako nagising kinabukasan. At agad akong kumilos at nagdrive papunta kina Farah, oo ako na nagmaneho para mabilis ayoko na din kasi abalahin si Manong Mario. At pagdating ko sakanila ay nakahanda na siya at  nakangiti sakin, bakas ang excitement niya.

Savage SandiwaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora