Kabanata 27

129 10 1
                                    

Kyline

Matagal bago nagbitiw ang labi namin ni Brylle.

At isa lang ang naiintindihan ko sa mga oras na to. Na mahal ko din siya. Pilit ko lang itinatanggi sa sarili ko na may nararamdaman na ko sakanya. Dahil pinipilit kong si Clyde pa din kahit hindi na talaga.

Nakatitig siya sakin at tila hindi makapaniwala na sinagot ko ang halik niya. Ang tagal bago niya naisipang magsalita.

"Ky? Did you like me too?" nakatitig na tanong niya sakin.

Kaya napatingin ako sakanya at bigla kong naramdaman ang mabilis na kalabog ng puso ko. Kingina kaya ayokong nagkakagusto eh. Daig ko pa maysakit pag nararamdaman ko to.

Ang tagal ko siyang tinitigan at hinawakan ang pisngi niya at ngumiti.

"Pasensya na kung matagal bago ko.." tumigil ako saglit at tsaka pinagmasdan niya na tila naestatwa na sa kinatatayuan niya. ".. narealized na mahal na pala kita. Natatakot lang akong masaktan. Nasasaktan ako na maiwan sa ere. Natatakot ako na baka bigla ka ding mawala sakin. And I hate being in that kind of situation. Ang hirap gumalaw ang hirap bumangon." umiiyak na sambit ko sakanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya at tsaka ako dahan-dahang niyakap.

"Hinding-hindi kita iiwan Ky. Di ako nangangako dahil gagawin ko. Mahal na Mahal din kita." he whispered sa tenga ko. Dahilan para kumalma ako sa yakap niya.

Ngayon ko lang ulit naramdamang mahalaga ako at may nagmamahal sakin. Salamat Brylle at dumating ka sa buhay ko. Nagbitaw kami sa yakap at tsaka ngumiti sa isa't-isa.

"So tara na baka inaantay na nila tayo." yaya niya sakin kaya nakangiti akong tumango sakanya. Then he hold my hand at sabay kaming naglakad papunta sa labas.

Allyson

Paglabas ko ng Hideout naabutan ko silang lahat maliban kina Kyline at Brylle. At dahil dun ay tila nagbalik sa aking isipan ang nakita ko at sobra akong nasasaktan.

"Oh Ally? Nakita mo ba sila Sandiwa Kyline at Brylle sa loob?" bungad na tanong ni Headmistress Mika sakin.

At napansin ko naman ang paninitig ni Francine sa gilid ko. Na tila ba ay may alam siya sa nararamdaman ko.

"Hindi po eh. Baka nasa kwarto pa po hindi na po kasi ako lumibot sa hideout dahil akala ko nandito na sila." tanging sagot ko nalang at tsaka lumapit kila Cheska.

"Nasaan na kaya yung dalawang yun? Anong oras na at hindi pa tayo nakakapagsimula maglakbay papunta sa Alcania." nagtatakang saad ni Headmistress pero hindi ko na pinansin at nagdere-deretso nalang ako kila Cheska at tsaka yumakap sakanya at palihim na umiyak.

Nung una ay nagulat pa siya at nung marealized niya kung bakit ay niyakap nalang din niya ako. At hinila muna ako palayo sa iba.

"Anong nangyare?" nag-aalalang tanong niya sakin habang nakayakap pa din sakin.

"May gusto sila sa isa't-isa." umiiyak na usal ko kay Cheska.

"Sinong sila?" nagtatakang tanong niya. Wala nga pala siyang alam sa nangyayari ang alam niya lang kasi may gusto ako kay Brylle.

"Si Sandiwa Kyline at si Brylle. I saw them confessing to each other and what worst they kissed.." umiiyak pa na saad ko sakanya. At dahil dun ay napayakap siya ng mahigpit sakin. "..for the second time, Kyline won." nanghihinang saad ko sakanya.

"I don't know what to say dahil di ko alam na may something sakanila. Dahil ang buong akala ko si Clyde pa din mahal ni Kyline. Pero sino ba naman ako to judge her. It's almost a years na din naman. Ally? Did you really love Brylle?" she said and asked.

"Sobra, Cheska to the point na akala ko magiging akin siya. But I was wrong. Oo ako una niyang nakilala pero hindi ako yung minahal niya." umiiyak na saad ko pa sakanya.

"Pero hindi natin hawak ang nararamdaman ng isang tao. Hindi tayo ang magdedesisyon kung sinong mamahalin nila. Masakit oo pero kailangan natin tanggapin na hindi sila para satin dahil may ibang taong nakatakda sakanila. Oo sobrang hirap na nakikita natin silang masaya sa ibang tao. But Ally, wala tayong magagawa hinding-hindi natin matuturuan ang puso ng isang tao.." saad niya at tsaka kumalas sa yakap at tsaka hinawakan ang mukha ko at tsaka pinunasan mga luha ko. "..mahirap magmahal ng taong iba ang mahal. Kaya para mabawasan yung sakit kailangan mong matutunang tanggapin yun na hindi ikaw ang gusto niya at hinding-hindi magiging ikaw." dagdag niya pa. At unti-unting gumaan pakiramdam ko pero ramdam ko pa din yung sakit. Pero tama naman siya eh. Tama siya hindi ko dapat ipilit yung sarili ko sa isang tao.

"Masaktan ka lang hanggang gusto mo, hanggang mahal mo siya. Then one day mawawala lahat iyang nararamdaman mo. Please heal Allyson. Nasa gitna tayo ng nagbabadyang digmaan. Kailangan mo maging matatag. Wag mo muna isipin yan ang mas dapat mong isipin ngayon at ang pamilya mo na hawak ng kalaban.." she said and smiled on me. "..ayusin mo na sarili mo kailangan na natin bumalik dun. Baka nandun na sila. Be strong Ally, nandito lang ako." dagdag niya pa. Ang swerte ko talaga at may isang Cheska sa buhay ko paano nalang kaya ako kung wala siya.

"Salamat, Cheska." I whispered on her habang naglalakad na kami pabalik sa mga kasama namin.

Imagine si Cheska naiipit din sa isang sitwasyon but she still manage to give me advice. She's so strong.

Brylle

Magkahawak kamay kami ni Kyline na lumabas ng hideout. At halos manlaki ang mata nila ng makita na magkahawak kamay kami ni Kyline.

"Ky? Bakit magkahawak kamay kayo?" bungad na tanong ni Jaryl samin. Napalingon ako agad kay Kyline na tila walang balak magpaliwanag o magsalita.

"Ah ano kasi.." I murmured but Kyline suddenly cut it.

"Kami na ni Brylle. Tara na maguumaga na baka matunugan pa tayong papaalis ng Academy." she said and hinila na ko at nauna na kaming naglakad. Naiwan namang may tanong ang mga kasama namin.

Na naramdaman ko namang sumusunod na samin at naglalakad na din. Papunta kami sa likod ng school. May hidden wall daw dun na papunta deretso sa Alcania. Ngunit may dalawang kagubatan at isang bundok muna ang dadaanan namin bago kami tuluyang makarating sa Alcania. Sana lamang at matanggap kami ng Alcania.

Dahil sila na lamang ang natitirang pag-asa namin.


Savage SandiwaWhere stories live. Discover now