Kabanata 22

163 9 2
                                    

Kyline

"Nasaan ba tayo, Sandiwa Ky?" nagtatakang saad ni Brylle sakin. Dahil binitbitbit ko siya sa hideout, sa training room yung pinageensayo-han nila Ina noon.

"Alam kong may kakaiba sayo, kaya kailangan mo mailabas yang taglay mong kapangyarihan." seryosong saad ko sakanya.

"Okay ka lang ba? Mahirap lang ako, and hindi ako nabibilang sa royals. Kaya imposible yang sinasabi mo." depensa niya.

"Bry, makinig ka! Sinong di royals ang walang kapangyarihang maglaho. Isipin mo mabuti Bry, di mo ba naiisip kung bakit meron ka ng kapangyarihan yan, na tulad nga ng sabi mo mahirap ka. So bakit magtataglay ka ng ganyan. Unang kita ko palang sayo, alam kong may iba na sayo. I can feel it, I can sense it. Kaya pwede ba makinig ka nalang." paliwanag ko sakanya. Pero nakatulala pa rin siya at tila di naiintindihan sinasabi ko. "..oh sige ganto nalang iiwan kita dito saglit, magfocus ka at pumwesto sa gilid. Believe me, meron kang kapangyarihan." dagdag ko pa, kaya kahit naguguluhan siya ay sinunod nalang niya utos ko. Iniwan ko siya sa training room at tsaka ako bumalik sa sala ng hideout at di ko ineexpect na makikita ko si Francine dito

"Kasama mo siya?" seryosong tanong niya habang nakasandal sa sofa ng sala.

"Sino? At anong ginagawa mo dito? Baka nakakalimutan mong di ko na kayo pinapapapunta dito." medyo asar na saad ko sakanya.

"So tinuturuan mo siya, bakit di mo kami isali? Kailangan natin magkaisa ngayon. Nasa kapamahakan ang buong Normsantandia. At alam kong mataas pride mo, kaya nakikiusap ako ibaba mo muna yan just this time. Dahil tayo nalang inaasahan ng buong Normsantandia." seryosong saad niya. At makikita mo ang authority habang sinasabi niya ito sa akin. Kaya lumapit ako sakanya at pinagtaasan ng kilay.

"Inuulit ko? Bakit ka nandito ka? At anong karapatan mong pangaralan ako." asar na saad ko sakanya.

Sa mga kababata ko eto talagang si Francine ang tahimik, pero need mo ng dobleng ingat. Dahil she is silent but dangerous. And di rin siya masyadong close sa kahit sino, wala siyang imik. Pero tuwing magbibitaw siya ng salita ay talagang mamangha ka ganun siya.

Di naman ganto sila Tito Serix at Tita Chariz pero ewan ko ba saan niya nakuha yung ugali na yan.

"Alam mo Kyline, wag na tayong maglokohan. Alam kong naiintindihan mo mga sinasabi ko." seryosong saad niya.

"Pwede ba Francine, wag mo akong diktahan." naiinis na saad ko.

Pumunta ba siya dito para mang-asar? Aba kung oo nagtagumpay siya kingina.

"Bakit Ky, bakit malapit ka kay Brylle? May gusto ka na ba sakanya?" nakangisi at may halong pang-aasar sa tono niya.

"Pwede ba tumigil ka na, Francine! Umalis ka nalang bago pa ko may magawa sayo." naiinis na talagang saad ko. At alam kong anytime sasabog na ako pag di pa siya tumigil.

"Bakit Ky, totoo ba? So tama ang hinala ko. Nahuhulog ka na kay Brylle. Tama yan, Ky! Kalimutan mo na si Clyde, he's not worth it anyway." saad niya

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nawala ang inis ko at napalitan ito ng pagkabigla literal. So may pake pala siya sa mga nangyayari noon. All this time, may pake siya sakin.

"Bakit mo ba sinasabi sa akin ito?" nagtatakang saad ko sakanya.

"Dahil masaya ako, at nakikita kong ang unti-unti mong pagbabago. From weak to the stronger. From sweet girl to a fierce one. Sinasabi ko ito dahil mahalaga ka sa akin, pinapahalagahan kita. Dahil ang mga magulang natin ang minsang pinagtagpo ng propesiya.." nakangiting saad niya. Ang ngiting unang beses kong nakita sakanya.

Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa mga sinabi niya, all this time siya lang nakakita ng pagbabago ko. At sa lahat ng tao sa paligid ko siya lang ang nakaintindi sa akin.

"..narito ako para samahan kang magplano para sa panibagong digmaan dito sa Normsantandia. Oras na para tayo naman ang tumupad ng propesiya. At isa pa parte tayo ng propesiya na binabanggit noon. At mukhang eto na yung katuparan ng propesiya na iyon." dagdag pa na saad niya.

Propesiya? Naalala ko nga yun. Nakwento ni Ina sakin na sa tamang panahon raw ay ipaglalaban ko din ang Normsantandia. Dahil nakatala na ito sa propesiya na binasa noon kila Ina.

Kaya nga nabuo ang Royal Bond eh.

"Siguro nga, Francine. Eto na ang katuparan pero paano? Kulang pa mga kaalaman natin. At di naman tayo makakapagpaturo sa mga magulang natin. Dahil sa nangyari sakanila." saad ko sakanya, kaya napaisip siya.

"Alam kong magagalit ka, pero kailangan natin ang ibang mga Sandiwa para sa laban na ito. Dahil hindi natin kakayaning dalawa, dahil wala pa tayong hawak na brilyante. Isa lang natitiyak ko, ang pagkakaisa lang natin ang makakapagligtas sa buong Normsantandia.." saad niya kaya napatango nalang ako kasi may punto rin naman siya. Pero di ibig sabihin noon ay magiging maayos na pakikitungo ko sakanila."..tara na sa Training Room, tutulungan kitang itrain si Brylle. Ramdam ko din na may kakaiba siyang lakas." dagdag niya pa dahilan para magulat ako.

Like parehas pala kami ng hinala kay Brylle, papasok na sana kami sa Training Room ng marinig ko ang pusa ko na nag-iingay.

Kaya dali-dali ko muna itong pinuntahan, at pagbukas ko ng pinto ay dun ko siya nakita. Kaya agad ko siyang nadampot.

"Saan ka ba kasi nagsusuot? Ilang araw na kitang hinahanap piste ka." sermon ko sa pusa ko habang buhat siya. Oo ilang araw tong nawala, hindi ko lang nabigyan ng oras para hanapin kasi nga eto na nga mga nangyayari, ang bibilis kaya nawala sa isip kong hanapin tong pusa kong gala.

"Ky, tara na!" yaya ni Francine kaya tumango ako.

Masaya ako na ganto na kami ni Francine, kung iisipin kasi mabuti di naman siya kasali. Sadyang lagi lang kasama yung mga yun, never ko din naman siya nakitang nakisali sa gulo. Kaya masasabi kong wala siyang kasalanan.

Pagpasok namin sa Training Room. Ay halos magulantang kami sa naabutan namin.

"Nagliliwanag si Brylle, tama hinala natin. May kapangyarihan siya." usal ni Francine habang nakatakip ng mukha dahil sa silaw ng liwanag at ganun din ako.

Isang Royal si Bry, pero kaninong angkan siya?

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now