Kabanata 26

138 8 1
                                    

Brylle

"May tao ba diyan?" rinig naming tanong ni Headmistress Mika kaya hindi kami agad nakagalaw at nanatiling nakatingin sa isa't-isa.

"Ano ba wag kang malikot diyan." pabulong na saway ni Kyline sakin dahil papalapit na ng papalapit si Headmistress Mika.

"Ang sikip kaya. At tsaka hindi na rin ako makahinga." saad ko sakanya pero inirapan niya lang ako.

"Aba magtiis ka diyan kaysa mahuli tayo." iritadong saad niya sakin.

Bale natatakpan kami ng mahabang lamesa sa sala kaya di kami ganun kadali makikita at tsaka patay pa ilaw. Napapikit nalang ako kaysa magtalo pa kami.

"Headmistress Mika, bakit gising pa po kayo?" rinig naming sulpot ni Allyson. At kasunod na ang madaming yabag ng paa mukhang nagbabaan na sila lahat.

"May narinig kasi akong bumagsak kanina. Kayo?" rinig naming sagot ni Headmistress Mika.

"Ayun nga din po kaya napabangon din po kami." rinig naming sabat ni Mia.

Kingina mahuhuli pa ata kami.

"Huwag kang gagalaw diyan, gagawin talaga kitang palaka pag nahuli tayo." bulong na saad ni Kyline sakin.

Ganun pa rin pwesto namin walang galawan, dahil isang galaw lang namin mahuhuli nila kami.

"Ky, nahihirapan na talaga ako huminga tumayo na tayo." bulong na saad ko sakanya.

"Wag kang makulit bry." banas na banas na saad niya. Nagpatuloy lang kami sa pagtatalo hanggang sa..

"Brylle?" someone shouted kaya napatingin ako sa tumawag sakin.

"K-kyline?" nanlalaking mata na saad ni Jaryl ng makita kami.

Kaya napalingon si Kyline at napatingin na din. Sabay kaming napatayo at siniko pa ko ni Kyline dahil sa sobrang inis niya.

"Bakit ganun ang pwesto niyo? Pwede bang pakiexplain sakin kung anong nangyayari sa inyong dalawa." usisa ni Headmistress Mika samin. Umaatake na naman pagiging Headmistress niya.

"Aksidente lang lahat yun. Please lang gusto ko ng magpahinga, maaga pa tayo aalis bukas diba?" seryoso at malamig na saad ni Kyline at tsaka nagwalk out hila-hila ako.

Kaya napalingon lahat samin.

Pagdating namin sa isang kwarto ay sinampal niya ko bigla. Kaya napahawak ako bigla sa pisngi ko.

"Aray, masakit yun ah. Bakit mo ko sinampal?" mangiyak-ngiyak na saad at tanong ko sakanya.

"Para yan sa paghalik mo sakin.." inis na inis na saad niya. "..ng dahil sayo wala na ang first kiss ko." dagdag pa niya na siyang kinagulat ko. Kasi akala ko si Clyde ang first kiss niya kasi nga diba naging sila.

"Ako? F-first k-kiss mo?" di makapaniwalang saad ko sakanya.

"Kaya please lang Bry, di sana ito kumalat kundi maaga kitang ililibing ng buhay.." pambabanta niya pa sakin. "..and please minsan mag-iingat ka. Ayokong inaalala pa kita napakarami ng nangyayari wag ka ng dumagdag." mahinahong dagdag niya pa kaya natahimik ako.

Nag-aalala siya?

"Sige na lumabas ka na ng kwarto at magpahinga ka na." madiin na saad niya kaya kahit nagtataka ako sa mga sinambit niya ay tumango ako at tsaka lumabas ng kwarto.

Paglabas ko wala ng tao. Mukhang natulog na sila lahat. Kaya nagdesisyon na rin akong matulog.

Kinabukasan maaga kaming nagising dahil maaga kami maglalakbay. Para hindi kami maramdaman ng kalaban na paalis kami ng Normsantandia. Tulad ng plano, pupunta kami sa Alcania at magbabakasaling makipag-ayos sa mga ito. Dahil sila na lamang ang natitira naming pag-asa dahil nilulukob na ng kalaban ang buong Normsantandia. At dahil hindi kami handa, ay di namin ito kayang kalabanin.

Dahil hindi pa sapat ang mga kayang gawin ng mga Sandiwa at Sandiwu lalo na daw ako na ngayon lang natuklasan ang taglay kong lakas na kahit mismo ako ay hindi ko alam kung saan at paano ko nakuha ito.

Narito kami ngayon sa Sala upang magmeeeting sa huling pagkakataon sa loob ng Hideout.

"Sa ating paglalakbay kailangan nating mag-ingat dahil magulo na ang Normsantandia ngayon. Marami ng kalaban ang nagkalat. At kulang pa ang mga kaalaman niyo. Kaya sana maging maingat kayo sa mga ikikilos niyo habang nasa paglalakbay tayo." paalala ni Headmistress Mika samin."..at isa pa alam kong di kayo okay, pero sana  hanggang maaari tanggalin o kalimutan niyo muna kung ano man naging sigalot niyo noon. Kailangan kayo ng buong Normsantandia at mga kaharian niyo ngayon at yun ang unahin niyo." dagdag pa niya.

"Headmistress Mika, paano po kung hindi tayo tanggapin ng mga taga Alcania?" out of nowhere na tanong ni Jennifer.

"Gagawan natin yan ng paraan. Knowing Alcanians, mapagpatawad sila kailangan natin silang kausapin ng maayos at sabihin ang nagaganap sa Normsantandia ngayon." sagot ni Headmistress Mika sakanya.

"Handa na ba ang lahat?" matigas at madiin na tanong ni Francine sa aming lahat.

"Para sa Normsantandia." nakangiting saad ni Darwin.

"Kakayanin para sa Normsantandia." sabi naman ni Kyle. Kaya napangiti ang lahat. Maliban kina Kyline at Francine na mga walang reaksyon.

Matapos nun ay naghanda na kaming lahat. At nasa kalagitnaan kami ng paghahanda ng lumapit si Kyline sakin na siyang kinagulat ko. Wala masyadong tao sa kinapwepwestuhan ko kaya walang makakita samin.

"Bry?" tawag niya sakin kaya napatingin ako sakanya ng puno ng pagtataka.

"Bakit?" nakakunot noo na sagot ko sakanya habang nag-aayos ng mga dadalhin ko.

"I wanted to say thank you for being there for me always. Salamat Bry! Salamat sa pagiging lakas ko pag nanghihina na ako. And please be safe wag kang gagawa ng bagay na ikakapapahamak mo." mahinahong saad niya sakin malayo sa nakakatakot at savage na Kyline na nakilala ko noon.

Kaya napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

"Wala yun, masaya din ako at nakatulong ako sayo. Isa ka sa mga taong di ko akalaing makikilala ko sa pagtungtong ko ng Ainabridge Academy. Napakadami kong natutunan sayo. And mahalaga ka sakin, kaya lagi mong tatandaan na handa akong ibuwis ang buhay ko mailigtas ka lang." nakangiting saad ko sakanya.

"Bakit? Bakit mo ba ginagawa yun?" nagtatakang tanong niya sakin.

"Dahil mahalaga ka sakin, at importante ka sakin. At higit sa lahat. I think I'm starting to like you." sincere na sabi ko sakanya habang nakatitig ako sa mga mata niya. Napakaganda niya.

"You like me?" di makapaniwalang saad niya sakin.

"Oo hindi ko maamin sa sarili ko noon pero ramdam ko na gusto kita. At habang tumatagal ay mas lalo kitang nagugustuhan." nakangiting saad ko sakanya. At tsaka inilapit ang mukha ko sakanya.

At tila huminto ang mundo ko ng hinalikan ko siya na agad naman niyang sinagot pabalik.

Sapat na sakin to makukuntento na ko sa gantong interaction samin ni Kyline.

Allyson

Hahanapin ko lang sana sila at tila gusto kong pagsisihan na hanapin pa sila. Dahil di ko akalaing mas masasaktan pa ko sa makikita ko.

They are kissing at narinig ko din yung pag-amin ni Brylle kay Kyline.

You won again, Ky for a second time.

"Di ko akalaing may mas sasakit pa pala kapag nakita mo yung taong gusto mo na iba ang gusto. Di ko akalaing mararanasan ko to." nanghihinang bulong ko at tsaka nagbagsakan mga luha ko.

Kaya nagdesisyon akong bumalik nalang sa sala ng walang imik.





Savage SandiwaWhere stories live. Discover now