Kabanata 33

73 6 0
                                    

Jaryl

Pagtawid namin sa mundo ng mga tao ay agad akong hinawakan ni Tita Yana at hinila papunta sa kung saan.

"Saan tayo pupunta, Tita?" tanong ko kay Tita Yana.

"Sa bahay ng Tita Criszette at Tito Christian mo. Aware ka naman na sa mundo sila ng tao lumaki." sagot ni Tita Yana sakin.

Kaya nagpahila nalang ako, ng makarating kami sa bahay na sinasabi niya ay pumasok kami agad. At hindi ko maiwasang mamangha, sobrang ganda neto at agad ako napalapit sa isang wall, kung saan nakasabit ang mga larawan nila Ina kasama ang lahat ng mga magulang ng ibang mga kaibigan ko.

Sobrang saya nila dun. At kumpleto pa sila. At doon ko lang napansin ang isang lalaki, di siya pamilyar sakin.

Pero based sa mga kwento nila Ina, tingin ko siya si Brisk.

"Jaryl, magpahinga ka muna alam kong pagod ka. Bibili lang ako ng makakain, buti nalang may mga iniwan kaming pera sa mga drawer dito. Kahit di kami sure kung babalik pa kami sa mundo ng mga tao." sabi ni Tita Yana, kaya napatango ako. At tsaka siya lumabas ng bahay.

Naiwan naman ako, umupo sa sala.

At tsaka ko pinagmasdan ang paligid, di ko maimagine na tumira sila Ina dito noon nung kasalukuyang hinahanap nila sila Tita Chariz. At ngayon titira ako ngayon dito, para hanapin ang pinsan ko.

Nasaan ka na kaya, Kyline?

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hinayaan kong mangyari to lahat, at di ko nagawang protektahan siya. Pero siya ang pumili ng bridge na tatawidin niya.

Nasaan na kaya silang tatlo ngayon? Batid kong sa iba't-ibang lugar sila napunta pero sana naman ligtas sila. At may makakita sakanila at tulungan sila.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang dumating si Tita Yana na may dalawang pagkain. At tsaka siya nagpaalam sakin na magluluto at maghahanda lang ng pagkain kaya tinanguan ko lang siya.

Humiga ako sa sofa at maya-maya pa ay bigla kong naalala si Francine. Isa din siya sa reason kung bakit gusto kong sumama kay Tita Yana. I wanted to save them both.

And suddenly I remember one of my unforgettable encounter with her.

Flashback

"Hoy, wala ka bang gagawin? Ginagago na nila pinsan mo. Wala ka man lang gagawin?" she shouted on me ng magsialisan na mga kasama namin after ng confrontation ni Kyline kay Cheska, Clyde at mga kaibigan namin.

Hindi ko talaga alam kung bakit hinayaan kong mangyari to lahat, hindi ko alam kung bakit pumayag akong gawin nila to sa pinsan ko.

Ng dahil lang sa kinginang propesiya na yan, kailangan nila saktan si Kyline. Gustong-gusto ko suntukin si Clyde pero ayokong dumadagdag pa sa gulo. Pero hindi talaga ako natutuwa sa ginawa nila.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Pigilan sila. Propesiya yun, anong laban ko dun? Kahit pa sabihin ko kay Kyline yung totoo, wala pa ding magbabago sa propesiya. May parte na gusto kong magalit sa nangyayari at hinayaan ko, dahil ayokong nasasaktan ang pinsan ko.." sandali akong tumigil at tumitig sakanya. "..pero ayoko namang balang araw ng dahil sa propesiya na itinakda kay Clyde at Cheska ay maging dahilan para mapahamak ang pinsan ko. Alam kong alam natin parehas ang pwedeng kahatungan ni Kyline once na ipilit nila ni Clyde ang relasyon nila." dagdag ko pa.

"Pero sana may ginawa ka pa din. Hindi pa rin enough reason ang propesiya para gaguhin niyo ng ganito si Kyline. Hindi kami close, pero sobrang mali nitong ginawa niyo." inis na sambit niya sakin.

"Alam ko mali yung nangyari, pero inuulit ko wala akong magagawa to stop them. Iisa lang ako, at ikaw hindi ka naman naglalabas ng opinyon mo. Baka sabihin lang nila ay pinsan ko si Kyline kaya nasasabi ko yun. Kung tinulungan mo sana ako diba? At kung nagsalita ka kaya diba kung ayaw mo pala ng nangyayari?" inis na sabi ko sakanya pabalik.

Nakakabwisit talaga tong babaeng to, minsan nalang magsalita. Ang sakit sakit pa, at talagang tatagos hanggang kalamnan mo.

"Bat naman kita tutulungan? Unang-una sa lahat, hindi kami close ni Kyline. At pangalawa sa lahat, ikaw ang pinsan niya may right ka to stand for her. And pangatlo, sino ka ba para tulungan kita?" umiirap na sambit niya sakin.

"Bakit parang pinaparating mo sa pangatlo mo na malabo mo kong  magustuhan ah. Napakasama talaga ng ugali mo." inis na sabi ko sakanya.

"Masama talaga ugali ko lalo na sa mga tulad mo. At tsaka kung umaasa kang magkakagusto ako sayo, sige umasa ka lang hanggang mamatay ka. Kasi hindi mangyayari yun." nakangising sambit niya sakin at akmang tatalikudan na ko ng hilain ko siya palapit sakin.

"Wag mo kong nilalayasan hanggang di ako tapos magsalita." seryosong sambit ko at tsaka siya hinarap sakin.

"Ano ba, Jaryl bitawan mo ko." she shouted on me.

"Balang araw, magkakagusto ka din sakin. At sisiguraduhin kong mangyayari yun, Francine. Tandaan mo yan!" bulong ko sakanya. Kaya pilit niya inalis yung kamay ko sa braso niya at tsaka inirapan ako at nilayasan. Akmang aalis na siya ng tuluyan ng lingunin niya pa ko.

"At pag dumating ang araw na yun, sisiguraduhin kong pagsisihan mong nagkagusto ako sayo." inis na sigaw niya at tsaka tuluyan akong nilayasan.

Napangisi nalang ako. At nagulat nalang ako ng makita ko si Kuya Gabriel na ngingiti-ngiti sa isang gilid. 

"K-kanina ka pa diyan?" gulat na tanong ko sakanya.

"Hindi naman. Ano nakaamin ka na ba?" nakangising tanong niya sakin. Alam ko yang ngising na yan, alam kong nakita niya mula umpisa.

Kuya Gabriel talaga kahit kailan.

"Tantanan mo nga ako, Kuya at hanapin nalang natin si Kyline baka kung anong gawin nun." yaya ko sakanya. Kaya iiling-iling nalang siya na tumango. Pero habang nasa daan ay patuloy ang panunukso niya sakin.

End of Flashback

Hys, Francine. Kailan ka kaya mahuhulog sakin?

Psh, paano naman mahuhulog sakin yun kung nagpapakatorpe ako at panay lang ang tingin ko sakanya sa malayo.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang sumulpot si Tita Yana. At kinulbit ako.

"Tara na kumain na tayo, tapos na ko magluto.." yaya niya sakin kaya bumangon ako agad. "..mamaya mo na ulit isipin si Francine." sabi niya at sabay nilayasan ako at pumunta sa kusina.

Kaya natulala nalang ako.

Paano niya nalaman na iniisip ko si Francine? Did Tita Yana can read mind? What the hell?

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now