Kabanata 54

71 5 1
                                    

Kyline

Sobrang bilis ng pangyayari ilang araw kaming nagtraining at sa tatlong araw na yun napakadaming hirap at pagod ang ginawa namin. At buti  nalang talaga tumama ang vision ko na sa pagpula ng buwan magaganap ang digmaan.

Nagsimula ang laban sa pagitan ng mga kawal at pati kami ay lumalaban rin, masyadong marami ang bilang ng mga kawal nila at madami sa mga kawal ng Alcania ang bumabagsak na. Hindi dapat madamay ang Alcania, kailangan ko gumawa ng paraan. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang ilusyon. Yes ilusyon para hindi madamage ang Alcania.

Kumilos ako at pumikit, at nagliwanag ako kaya napalingon sila lahat sakin. Eh nasa gitna pa naman ako nilang lahat. Pero di ko na inisip yun dahil iniisip ko kung paano maiaalis sa Alcania ang laban.

"Ere cinti ayana y kapatagan. Ilayo sa Alcania ang laban ngayon na, ponciaga!" sigaw ko habang patuloy na nagliliwanag na gumulat sa lahat ng narito.

"Shet, this is another level of illusion. Paano nahandle ni Kyline yan?" rinig kong tanong ni Tita Jenica kay Ina na kalapit lang niya. 

"Hindi ko alam." rinig kong sagot ni Ina sakanya. At kahit nakapikit ko kita kung paano ang buong paligid ay binalot ng liwanag. What the hell, I'm done? 

Hanggang sa makarinig ako ng pagwawala ng tubig sa paligid, at sumunod rito ang mahabang tunog ng huni at pagmulat ko wala na kami sa Alcania. At ng mawala ang liwanag ay nagpatuloy silang lahat sa laban. Tutuloy na sana ako sa pakikipaglaban sa mga kawal kasi doble nga bilang nila kaysa samin, ng napatigil ako may kung ano sa katawan ko ang gustong kumawala.

Ano na naman to?

Umilaw ang buo kong katawan at kusang bumuka ang pakpak ko at inangat ako sa taas, at puro violet ang nakikita ko sa katawan ko. May ilang napapatingin at namamangha pero patuloy na lumalaban habang si Rave na nanonood sa kabila ay di makapaniwala sakanyang mga nasasaksihan.

"Tangina, ano na naman?" I heard Rave cursed. Like Ina kaya ko makarinig ng  boses mula sa malayo. Patuloy akong inaangat ng kung ano, at napasigaw ako ng malakas ng may maglabasan na mga violet na kapangyarihan sa katawan ko at pinalibutan ako neto. 

"Tama, tama. This is part of their Trio's Prophecy. It's started with Kyline, it's already started. Mark my word malakas ang Trio Prophecy." rinig kong sambit ni Headmistress Mika.

"Did you mean ate, may ilalakas pa sila?" rinig kong tanong ni Tita Andrea sakanya.

"So anong tawag sa nangyayari kay Kyline ngayon?" tanong naman ni Tito Joshua.

"It's burst out of Violet Prophecy, dahil si Kyline ang pinakaunang naitakda sa propesiya kaya siya ang unang tutupad nun at mangyayari lahat yun sa oras na pumula ng sobra ang buwan at tumapat si Kyline rito. At mamaya wag na kayong magugulat kung pati si Brylle at Francine ay magliliwanag din. Because everything is just started." rinig kong sagot at paliwanag ni Headmistress Mika.

"What?" sabay na sagot ni Tita Andrea at Tito Joshua sakanya.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagsigaw. At pagmulat ko ay ramdam ko ang pagviolet ng mata ko at pag-iiba ng kasuotan ko. Masasabi kong handa na ko, handa na ko tapusin lahat ng makakasalubong. At paglapag ko sa lupa ay saktong may papasalubong na kalaban, ngumisi ako dito at itinaas ang kamay ko.

"Hey, I'm Sandiwa Kyline. And I'm here to slay the night and send you to hell." nakangising sambit ko at tsaka mabilis na kumilos at sa isang pitik ko lang ay bumagsak sila lahat. I guess, Headmistress Mika. The Violet Prophecy are now eating and living out me, well hey I'm just getting started.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now