Kabanata 53

67 5 0
                                    

Kyline

Mula ng dumating kami hindi na ko tinantanan ni Ina, talagang nakadikit siya lagi sakin at todo alalay sakin. Habang si Brylle ay simpleng lumalapit sakin dahil hindi pa alam ng mga magulang namin ang relasyon namin. Kaya ayun pasimple muna kami, kahit alam na talaga to ng mga kasama namin.

At tila para akong nabingi nung malaman ko mula kina Ina na kapalit ng pagtakas nila at makalayo kay Rave ay ang pagsasakripisyo ng buhay nila Tito Nathan, Tito Drake, Tito Miguel, Tito Matt, Tito Light at Tito Ryle. Just imagine the pain of Tita Yana knowing na akala niya makikita niya pa ulit si Tito Nathan pagbalik niya dito.

Then seeing Tita Stacey, Tita Coleen, Tita Catana, Tita Charm at Tita Xhaina, trying to be strong at nagfofocus sa pagtetrain sa mga anak nila para mabigyang hustisya pagkawala nila Tito. I can't imagine myself kung isa kina Ina at Ama ang nawala, masakit yun. Knowing na all my life ay puro disagreements ang meron ako sakanila.

At nagulat din ako to know na may anak si Tita Stacey, and that it's Serenity. Napakaganda niya sa totoo lang. At nabanggit nila Ina sakin na may rason kung bakit itinago si Serenity, dahil another part daw ng Trio's prophecy si Serenity at inihahanda siya sa paglipat ni Agane at Astrid sa katawan niya na parehas na malakas.

Ang dami kong nalaman pagbalik dito at mas lalo akong nagkaroon ng rason para lumaban pa at ibalik ang kapayapaan ng Normsantadia.

Nagulat din ako na kasama pala nila Ina si Tita Serena at Clyde, magkakasama daw kasi sila sa iisang kulungan. At masasabi kong may pagkakahawig nga siya kay Ama. Kasalukuyan akong tinetrain ni Ina at pinagcoconcentrate to fully control my powers, dahil kami nalang daw ang pag-asa nila dahil wala silang kapangyarihan ngayon miski mga brilyante ay hindi nila hawak dahil nakuha ito ni Rave, kaya ganun kalakas si Rave ngayon.

"Kyline, focus okay?" utos ni Ina kaya napatango ako at muling pumikit at nagfocus, tinuturo niya kasi ngayon sakin yung tamang paggamit ng ilusyon. Lahat ata ng kapangyarihan nila ni Ama, namana ko eh. Kaya ganun nalang sila kapursigido itrain ako simula nung bata pa ko.

"Tama yan, Ky. Think carefully, at wag na wag ka mawawala sa focus. At wag mo hahayaang makontrol ka ng ilusyon, ikaw dapat ang magcontrol." sabat naman ni Ama.

At unti-unti ko ng nakukuha ang sinasabi nila. At nagtagumpay nga ako, nakapasok ako sa Ilusyon ng hindi ako nakokontrol neto. Nakwento kasi ni Ina sakin, na minsan na siyang nadali ng ilusyon. May kakayahan daw kasi ang ilusyon na ipakita ang future o past depende, kaya kailangan talaga alam mo ang purpose ng ilusyon mo. Dahil mapaglaro daw talaga ang ilusyon.

After ko mapagtagumpayan ang training ay ningitian nila ako parehas na parang proud na proud sakin. Lumapit ako sakanila, at magpapahinga na sana ako ng biglang sumulpot si Clyde.

"Sandiwa Kyline? Can we talk? Promise hindi na tulad ng last time." he said, ramdam ko ang sinseridad niya. Napalingon pa ko kina Ina at Ama, pero tinanguan lang nila ako.

"Okay." maikling sagot ko sakanya at nauna na sakanya. Pumwesto kami sa hindi naman kalayuan sa lahat ng kasama namin at napansin kong napatingin sila lahat, halos nasa tent kasi mga magulang nila at nagpapahinga sila Ina at Ama lang talaga ang nasa labas kasi hindi talaga nila ako tinantanan. 

Napansin kong pumasok na sa tent sila Ina, mukhang magpapahinga na din sila. Kaya kami-kami nalang nasa labas at alam kong lahat ng mata nila ay nasa amin ni Clyde.

"Ky, unang-una sa lahat gusto kong malaman mo masaya ako na nakabalik ka ng ligtas. At pangalawa gusto ko magsorry sa lahat ng katangahang nagawa ko sayo, yung paghahabol ko sayo at panggugulo ko sayo without knowing how much I hurt you. Gusto ko lang malaman mo na that I never cheat on you, wala lang talaga kami choice ni Cheska. Di ka namin gustong saktan, hindi lang talaga namin kayang labanan ang itinakda.." panimula niya at bahagya akong natigilan sa parte na ngayon ko lang nalalaman. Dahil all my life, inisip kong niloko ako ni Clyde. "..gustong-gusto namin labanan ni Cheska yun, kasi she know how much I love you that time. Sorry kasi naging duwag ako, at hindi ko nagawang ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo noon. Sorry dahil hinayaan kitang masaktan, kahit na nangako ako sayo nun na hinding-hindi kita sasaktan. Pero nagpapasalamat pa din ako sa minsang hinayaan mo kong mahalin ka, Kyline. You're such an amazing girl, and you deserve much better than me." he added, at doon na nagsimulang pumatak mga luha ko. Hindi ko din alam kung bakit umiyak ako bigla. Pero hearing all of this, at marinig mula sakanya ang katotohanang pilit kong iniiwasang malaman kasi ayokong masaktan ako sa malalaman ko. 

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now