Epilogue

106 5 0
                                    

Kyline

After 5 months..

Di ko alam kung anong merong swerte at after ng limang buwan makalipas ang digmaan ay muling isinaayos ang Normsantadia. At maniniwala ba kayong biglang sumulpot si Tito Nathan after nung digmaan, yes nakaligtas daw si Tito Nathan at kinulong ni Rave.

But yung ibang nagsakripisyo ay wala na talaga. Only Tito Nathan survived. Dahil sa makapangyarihang kwintas na binigay ni Tita Yana sakanya. Maniniwala ba kayong sobrang disagree si Tito Nathan when he found out na may relasyon na ang anak niya at si Jennifer. Well wala naman siyang nagawa, kasi tuwang-tuwa si Tita Yana kay Jennifer at minsan mas anak na yung turing niya dito kaysa kay Kyle.

Kawawang Kyle.

While Tito Christian, madalas asarin ni Tita Andrea at Ina dahil mukhang kay Kuya Gabriel daw at Serenity natuloy ang di natuloy noon kay Tito at Tita Stacey dahil sa katorpehan daw ni Tito Christian, maniniwala ba kayong pati si Tita Gabby ay nakikisali sa asaran.

Habang si Tita Stacey ay tinatawanan lang sila. Sobrang sweet din naman ni Kuya Gabriel at Serenity eh, ganda rin kasi ni Serenity.

While Clyde, ayun laging nandun sa libingan. Parang dun na nga siya titira eh. He said na hindi na daw siya ulit magmamahal kung hindi lang din si Cheska.

While John and Jayden ayun, laging wala dito at parang balak na tumira sa Alcania. Masyado nilang trip si Princess Saffraina - after the war kasi ayun naging maayos na ang samahan ng Alcania at lahat ng kaharian sa Normsantadia.

At dahil dun minsan napunta si Saffraina dito at naging kaibigan na namin siya.

Maniniwala ba kayong nagkatuluyan si Tito Justine at Tita Serena, it's just happened. Halos parehas naman kasi nila ng naranasan after all these years eh. So wala namang masama kung deserve nila maging masaya ngayon.

Habang si Jaryl at Francine - bilang sa kamay kung kailan sila sweet sa isa't-isa dahil mas lamang ang bangayan nila kaysa lambingan baka ganun talaga love language nila.

"Sigurado ka ba talaga, Ky? Siya ang kakambal ni Sienna?" tanong ni Francine sakin. Nandito kami ngayon sa kaharian ng Amians. Si Tita Ysay pala nakakuha sakanya, nakita daw niya sa gubat na palaboy-laboy at wala sa sarili.

Mukha daw nabura ang aalala. Kaya dinala niya dito sa kaharian ng Amians at inaalagaan. Wala din kasing asawa at anak pa si Tita Ysay, hindi pa daw niya trip mag-asawa at anak.

"Oo nga, tingnan mo maigi. Kamukhang-kamukha ko at ni Sienna diba? Ano bang klaseng mata meron ka?" umiiling na sambit at sagot ko kay Francine kaya napairap nalang eto sa ere.

Hindi kayo maniniwala na after ng war ay naging best of friends kami ni Francine, naging sobrang close kami. Sobrang match kasi yung ugali namin.

"Oh, baka mag-away pa kayo ah." awat ni Jaryl samin, habang si Brylle ay tumawa lang sa gilid.

Maya-maya pa ay lumapit na si Tita Ysay samin kasama si Sahra, yes Sahra pa din name niya kasi yun lang daw naalala neto nung makita siya ni Tita Ysay. Nasa malayo kanina si Sahra kaya panay tanong si Francine sakin.

"Finally, Sandiwa Kyline. Matagal ko na din inaalam kung saan siya galing buti nalang nakilala mo siya." nakangiting bungad ni Tita Ysay samin.

"Totoo po ba na kilala niyo magulang ko?" inosenteng tanong ni Sahra samin.

"Muntik ko na talagang pagkamalan na ikaw siya, Kyline. Dahil magkamukha nga kayo, kasi naalala ko iba nga pala ugali mo." nakangiti at halatang may halong pang-aasar na sambit ni Tita Ysay samin, kaya napairap nalang ako sa ere. Pero totoo naman talaga na iba talaga ugali ko.

"Oo, Sahra. At matagal ka na nilang hinahanap." sagot ko sakanya at palihim na itinapat ang kamay ko sakanya at nagbigkas ng spell para bumalik na alaala niya.

"Kasama po ba nila si Ate Sienna ko? Ang kakambal ko?" inosenteng tanong niya pa ulit. Mukhang effective ang spell na ginamit ko na may naalala na siya agad.

"You will know pag naihatid na kita sakanila. Are you ready to go home na ba, Sahra?" nakangiting sagot ko sakanya. Wala kasi ako sa posisyon to tell her kung anong nangyari kay Sienna. Sila Mommy at Daddy ang may right dun.

Tumango siya kaya nagpaalam muna ako sa mga kasama ko at kay Brylle para maihatid si Sahra sakanila. Nagbigkas ako ng spell at pagmulat namin ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila Mommy at Daddy.

"Okay, Sahra. Just push the button there, at makikita mo na ang mga magulang mo. Please promise me na aalagaan at mamahalin mo sila ah." nakangiting sambit ko sakanya kaya tumango siya at ngumiti sakin.

"Salamat po sa paghatid sakanya. Hinding-hindi po kita makakalimutan Sandiwa Kyline." nakangiting sagot niya sakin. Kaya ningitian ko siya bilang sagot.

Naglakad na siya papunta sa button na tinutukoy ko at pinindot ito, at tsaka ako tuluyang umalis. Masaya ako na finally na may magbibigay na ulit ng saya kina Mommy at Daddy, they deserve it.

Madaming panahon pa ang lumipas at marami ng pagbabago ang naganap sa Normsantadia at tulad ng matagal ng pinapangarap ng lahat ay natamo na namin ang kapayapaan na ninanais namin.

After 10 years..

"Ano ba Brylle, nasaan na naman si Kierra?" I shouted ng makita kong si Kayzel lang kasama niya. Yes, after 10 years we manage to get married at ngayon ay Hari at Reyna na kami Ainabridge Castle.

At biniyayaan kami ng magagandang kambal - ang una ay si Sandiwa Kierra Brielle Casery at ang isa naman ay si Sandiwa Kayzel Bella Casery. They are both 5 years old now, at mukhang nagmana sakin si Kierra, lagi siyang nawawala at nagsusuot kung saan-saan. At habang si Kayzel mukhang kay Brylle nagmana.

"Shet, nandito lang kanina yun eh." natatarantang sambit ni Brylle ng mapansin niyang wala nga si Kierra sa tabi niya. Nasa garden sila ngayon ng kaharian at naglalaro silang mag-aama, kung itatanong niyo sina Ina at Ama, sumama na sila kay Lola Jasmine sa miles to finally have their rest kaya nga samin na pinasa ang pamumuno sa Ainabridge.

Kaya napailing nalang ako kay Brylle.

"Hinahanap niyo po Kierra, she's just there po. But she's invisible." sabat ni Kayzel samin na busy sa nilalaro niyang butterfly. Kaya parehas kaming napanganga ni Brylle. Kaya nagbigkas agad ako ng spell, and Kayzel is right. Hindi umalis si Kierra, nag invisible lang siya.

Hindi ko din alam kung bakit unti-unti ng lumalabas mga powers nila, because siguro parehas kaming naging parte ng Trio Prophecy ni Brylle kaya mas magiging malakas ang mga anak namin kaysa samin.

Kaya ng matanggal ko sa invisible si Kierra ay nilapitan ko si Kierra na binabalot ng pagtataka. I kissed her forehead, kaya napangiti siya.

Madami na talaga nangyari after 10 years, sina Francine at Jaryl ay nagpakasal na din at may anak na din. And ganun din si Jennifer at Kyle, wala talagang nagawa si Tito Nathan - kasi si Tita Jenny makakalaban niya pag kokontra siya. Habang sina Kuya Gabriel at Serenity ay namumuno na sa Amiandre dahil binitawan na ito ni Tita Xhaina at gusto nalang mamuhay ng tahimik. Yes Kuya Gabriel and Serenity managed to end with each other.

While Clyde tinototoo niya talaga sinabi niya samin na hindi siya magmamahal muli. Sa ngayon he's busy training all mafians student in the Academy naging Prof din siya dun.

Hindi kayo maniniwala pag sinabi kong finally may asawa na si Headmistress Mika, at nakatuluyan niya si Prof Erectus, iba ang Headmistress Mika. She still the Headmistress of the Academy.

While ang magaling na pinsan ni Francine ay ilang taon ng nanliligaw kay Saffraina.

Dito na talaga sila namuhay nila Tita Jinri at Tito Rui, at masaya si Tito Rui para kay Tito Justine na finally nakahanap na ulit ng mamahalin and that is Tita Serena na ngayon ay namumuno sa Aegisfling kasama si Tito Justine.

Wala na kong ibang mahihiling pa sa buhay ko.

Kundi nawa ay magpatuloy na ang kapayapaan na tinatamasa namin ngayon.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now