Kabanata 1

469 33 1
                                    

"What did you think you're doing?" malamig na singhal ni Kyline sa isang estudyante na nadali siya at halos natapunan siya ng Ice Coffee. Habang karga ang alaga niyang pusa.

"P-pupunasan ko po uniform niyo." halos mautal-utal na saad ng estudyante sakanya.

"Pupunasan? Kung kailan nabasa mo na at namantsahan." sarkastikong singhal niya sa estudyante.

Marami ang nanonood sakanila, at halos lahat ay di umiimik. Wala pa yung mga kababata ni Kyline kaya wala pang umaawat sakanya. Oo kababata dahil wala siyang kaclose man lang o bestfriend sa isa mga kababata niya.

She contented with her cat na ang pangalan ay Krystal. The cat was a gift from her Lola Jasmine nung 15th birthday niya.

"O-opo d-di ko po sinasadya." halos mangiyak-ngiyak sa takot na sambit ng estudyante. Kaya malamig siyang tinitigan ni Kyline at blankong ang mukha na pumantay sa estudyante na nakaluhod ngayon sa harap niya.

"Di mo sinasadya? Na tatanga-tanga ka.." malamig at matigas na sambit ni Kyline sakanya. "..o di kaya naman ay bobo ka lang talaga, hmmm, mas bagay kang maging tanga." malamig na malamig na dagdag pa ni Kyline.

Kaya nagtaasan ang balahibo nito sa takot kay Kyline, at ni hindi na siya nakagalaw pa sa pagkakaluhod.

"Sumagot ka? Pumili ka? Doon ka sa tanga o dun ka bobo?" sigaw ni Kyline sakanya na lalong nagpatahimik sa lahat.

"Po? Patawadin niyo na po ako. Di ko po talaga sinasadya, Sandiwa Kyline." pagmamakaawa ng estudyante sakanya.

"Patawadin? Bakit kita papatawadin, bakit? Ano tingin mo sakin mga tindera sa bayan." sarkastikong singhal ni Kyline sa estudyante.

Pahiyang-pahiya na eto, dahil kada sasabihin niya ay binabanatan ni Kyline ng pagiging savage niya.

Nanatiling malamig na nakatingin si Kyline sa estudyante, hanggang sa..

"Guys, may nakabangga na naman si Kyline." saad ni Allyson sa mga kasama niya. Kadarating lang nila at gantong eksena ang naabutan nila sa canteen. Kakain lang sana sila ng lunch pero di nila akalaing ganto ang aabutan nila.

"Tawagan na kaya natin sina Tita Criszette?" suhestiyon ni Cheska sa kanila. Kaya napatango silang lahat maliban sa isa nilang kasama.

"Pero paano kung tayo ang awayin nan ni Kyline? Alam niyo naman grabeng yan gumanti." saad naman ni Jaryl ang pinsan ni Kyline.

"Alam mo naman yang pinsan mo na yan, hayaan mo edi gumanti siya. Mas mabuti ring ipaalam natin kina Tita toh. Natatakot din ako kay Kyline legit!" sabat naman ni Mia.

"Bakit ba kayo natatakot? May mga kapangyarihan tayo para di tayo gaanong masaktan ng kung anumang gagawin niya satin, kaya tara na at tawagin na natin sina Tita Criszette." maangas na sabi ni Jennifer sa mga kasama. Kaya napatango sila sa suhestiyon at sinabi ni Jennifer. Nagpaiwan na ang iba upang bantayan ang nangyayari, panay pa rin ang pagiging sarkastiko ni Kyline sa estudyante.

"Ano sumagot ka, kundi ipapakalmot kita dito sa pusa ko." seryosong sambit ni Kyline sakanya.

"Wag po, di ko naman po talaga sinasadya eh." humahagulhol na sambit ng estudyante sakanya.

"So ano yun, nagkusa yung ice coffee na tumalsik sa uniform ko? Wag ka ngang bobo." umiirap na sambit ni Kyline sa estudyante.

Maging ang mga tindera ay ni hindi sumubok umawat, dahil alam nila ang ugali ng Sandiwa. Nakakatakot eto, mas nakakatakot pa kaysa sa kanyang mga magulang.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now