Kabanata 10

174 21 1
                                    

Kyline

Nakakainis siya anong karapatan niyang yakapin ako, nakakainis talaga. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang niyakap niya ako.

At hindi ko mainip kung bakit? Di ko nagawang itulak man lang siya.

At ang nakakainis pa dun nagpapaulit-ulit sa utak ko ang pagyakap niya at ang malala pa ay nagslow motion pa. Nakakakingina talaga. Sa dami ng yayakap sakin siya pa talaga lakas niya.

Ang kapal-kapal ng mukha niya.

"Sandiwa Ky?" biglang sulpot ng magaling kong pinsan walang iba kundi si Jaryl.

"Ano na naman yun?" inis na tanong ko sakanya.

"Galit agad? Gabi na pero galit ka pa din." nakangising sabi niya.

"Tantanan mo ko Jaryl, ano bang kailangan mo?" naaasar talagang singhal ko sakanya.

Dahil di talaga maganda gabi ko tapos eto siya trip niya pa talaga dumagdag sa pagkabadtrip ko.

"May biglaang pagpupulong sa kaharian niyo. May nangyayari na naman daw na di maganda sa Normsantandia." paliwanag at seryosong sabi niya.

"Eh ano naman? Bakit pag pumunta ba ko dun, mahuhulaan ba natin?" sarkastikong sabi ko sakanya, kaya napailing nalang siya. "..at isa pa wala akong pake sa mga ganyang bagay kaya pwede ba kayo nalang." deretsong sabi ko sakanya.

At akmang tatalikod na ko ng bigla niya kong hawakan sa braso ko at tsaka naglaho.

Kingina ka, Jaryl.

"Hindi ka madaan sa pakiusap ah. Eh di daanin natin sa ganto tsk." rinig kong sabi at tsaka tuluyang nawalan ng malay may ibinuga siyang potion sakin.

Humanda ka talaga sakin, Jaryl pag nagising ako. Makakatikim ka talaga sa aking gago ka!!

"Mamaya ka sa akin." pahabol na sabi ko pa bago tuluyang nawalan ng malay..

Pagkalipas ng ilang oras..

"Sandiwu Jaryl, anong ginawa mo sa pinsan mo?" rinig kong sabi ni Tita Jenica. Mukhang pinapagalitan niya si Jaryl. Unti-unti kong minulat mata ko pero matagal bago ko nakita ang buong paligid.

"Eh ayaw sumama eh, at para di na pumalag kaya binugahan ko siya ng potion ng pampatulog." rinig kong paliwanag ni Jaryl kay Tita Jenica.

Kingina, potion ng pampatulog pala yun. Hayop ka talaga, Jaryl.

"Alam mo bang mali yung ginawa mo?" rinig ko sabi naman ni Tita Jenica kay Jaryl.

Di pa nila napapansin na gising na ko dahil lahat sila ay nakatuon ang pansin kay Jaryl na pinapagalitan ni Tita Jenica.

Sige lang tita, pagalitan mo yan.

"Jenica, tama na yan. Alam naman natin pare-parehas na matigas pa sa bato ang ulo nitong anak ko. Kaya naiintindihan ko kung bakit nagawa ni Sandiwu Jaryl iyon." sabat ni Ina.

Kingina.

At talagang okay lang sakanya yung ginawa ni Jaryl, aba'y nakapabuting Ina naman nito.

"Saan pa ba magmamana ng katigasan ng ulo?" rinig kong sabi naman ni Tito Christian.

"Kuya, tumigil ka nga." saway ni Ina kay Tito Christian.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Ama, at napangiti siya ng makitang gising na ko.

"Zette, gising na si Sandiwa Kyline." sabi at tawag ni Ama kay Ina.

At tsaka ko naman naramdaman ang paglapit nila kaya napairap ako sa ere at sabay-sabay silang napailing.

"Gising na pala si Sandiwa Kyline, mas mabuti pang magtungo na tayo sa meeting room." sabi ni Tito Jarret.

Kaya nagtanguan sila lahat, wala na rin naman ako nagawa dahil nandito na rin naman ako.

Pagdating namin sa meeting room ay nandun lahat ang mga Sandiwa at Sandiwu mukhang representative sila ng mga magulang nila.

"Alam kong lahat kayo ay nagtataka kung bakit nagpatawag ako ng pagpupulong sa ganitong oras." panimulang sabi ni Ina.

Tinatanong pa ba yan Ina? Kung bakit nagpatawag ka ng meeting ng ganitong oras. Yun ay dahil abnormal ka peste. Plano ko pa namang matulog na at magpahinga matapos ko patayin sa isip ko si Brylle tapos eto ako bumalik sa Kaharian para sa pesteng meeting na to na di naman ako interesado.

Honestly, wala akong pake noon pa man sa kahit anong kaganapan dito sa Normsantandia kahit na sinasabi nila sakin na ako ang tagapagmana ng pinakamalakas na kaharian sa Normsantandia na sinundan ng Ovianad, Aegisfling, Amiandre, Amians at Zaynadarks. Kasi mula bata ako wala naman akong interes na maging Reyna dahil ang tanging gusto ko lang ay simpleng buhay.

Pero wala akong magagawa dahil anak ako ng Hari at Reyna ng Ainabridge. At bunga ako ng pagmamahalan nila. At wala akong choice kundi tanggapin ang kapalaran ko na magiging Reyna ako sa hinaharap.

"Bakit nga po ba, Mahal na Reyna?" tanong ni Cheska ahas kay Ina.

"Sapagkat nais kong ipabatid sa inyo na may nakarating na balita sa amin na maraming Norms ang nawawala. Marami ang nagsususpetsa na baka kinuha raw ito ng mga sirena." saad ni Ina sa lahat at nagdulot ng pagtataka sa mga narito.

"Tama po ba rinig namin Mahal na Reyna? Sirena? Totoo po ba sila?" takang tanong ni Sandiwu Gabriel.

"Oo totoo sila ngunit wala pang nakakapagpatunay dahil mailap ang mga sirenang iyon. Ayon sa kwento-kwento rito sa Normsantandia, may kaharian din daw ang mga ito at tinatawag raw ito Alcania. Ni wala pang nakakakita sa kanila, dahil ayaw nila makisalamuha sa mga gaya nating Mafians dahil sa kasalanang nagawa ng mga Mafians at Norms sa kanila noong unang panahon." paliwanag niya pa samin. Kung kanina ay bored na bored na ako. Ngayon ay bigla akong nagkainteres ng marinig ko ang Alcania na siyang pangalan ng kaharian.

"Anong kasalanan naman iyon, Mahal na Reyna?" tanong naman ni Jennifer.

"Di ko rin batid Sandiwa Jennifer. Ngunit kung anuman yun ay di na dapat nating alamin. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang paghahanap sa mga nawawalang norms sa bayan." sagot at paliwanag pa ni Ina samin.

"Kung sirena nga ang kumuha sakanila Ina? Paano? Ganung mailap nga sila sa mga katulad natin? At isa pa diba sabi niyo po na ang mga Norms at Mafians ang may kasalanan sakanila noong unang panahon at pagkatapos ng pangyayari yun ay hindi na sila natagpuan pa dahil takot sila sa mga kagaya natin, so bakit sila kukuha ng norms? At para saan yun?" sabat ko na kinagulat nilang lahat. Talagang natulala sila, dahil eti ang unang beses na sumabat ako sa mga ganitong pagpupulong. Di ko iyon pinansin at nilingon si Ina. "..pag-isipan niyo po yan Ina, dahil masamang mambintang. Dahil baka mamaya ay wala silang alam sa nangyayari. Siguro ang dapat niyo pong gawin ay subukang kausapin ang maiilap na sirena." dagdag ko pa at naglaho na parang bula pabalik sa Academy. Hindi ko na kasi sila inaantay sumagot dahil inaantok na talaga ko.

Pagdating ko da dorm ay natulog agad ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagdesisyon na pumunta muna sa Hideout para magrelax bago pumasok sa klase mamaya.

At halos mawindang ako ng di ako nag-iisa sa loob. At halos mabitawan ko si Krystal ng makita ko ang taong kasama ko rito sa Hideout.

"Brylle, paano ka nakapasok rito?" gulat na tanong ko sakanya.






Savage SandiwaWhere stories live. Discover now