Kabanata 19

139 10 0
                                    

Kyline

Nanatili siyang nakayakap sa akin dahilan para di ako makagalaw. At naramdaman ko ang mabibilis na tibok ng puso ko.

"I'm here, umiyak kalang ng umiyak nandito lang ako." mahina at malambing na saad niya dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

"Bakit mo ba ginagawa to?" matigas na tanong ko sakanya habang yakap niya pa din ako.

"Dahil eto ang gusto kong gawin, alam kong kailangan mo ng karamay at makikinig sayo. You can shout, you can cry. The only thing I was know is I'll never judge you." mahinang saad niya dahilan para lalong gumaan ang pakiramdam ko.

At nagulat nalang ako ng naglaho kami paalis sa hallway at napadpad kami sa hidden garden ng Academy.

Kumalas na ko sa yakap niya at minasdan ang paligid, napakagaan ng atmosphere at sobrang sarap ng hangin na bumabalot sa paligid.

"Bakit dito mo ko dinala? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" nagtatakang saad ko at tanong ko sakanya, dahil tanging kami lang na royalties ang nakakaalam ng lugar na ito. Kaya nakakagulat na alam niya ito, dahil tulad nga ng sabi ko kami-kami lang nakakaalam nito. Tiyo Christian said na this is the best comfort zone dito sa Campus.

"Nakwento lang ni Ina sakin, dati siyang nag-aaral dito.." sagot niya sakin. "..sige na sumigaw ka na diyan, ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo." dagdag niya.

Kaya di na din ako nagtanong at tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Sobrang green ng paligid at sobrang gaan talaga sa pakiramdam.

"Paano ba magpatawad? Kung mismong ako di ko mapatawad sarili ko dahil hinayaan kong baguhin nila ako. I really love him, pero nakalimutan ko mahalin sarili ko.." umiiyak na saad ko sa kalangitan at tsaka bumaling kay Brylle. "..sabihin mo nga sakin Bry, deserve ko ba lahat ng ito, na after all this year ngayon lang bumabalik lahat ng sakit. Yung tipong parang nadudurog na naman ako, yung tipong parang bumabalik na naman ako sa araw kung saan iniwan niya ako at harap-harapang ginago.." umiiyak na saad ko sakanya dahilan para makita ko ang awa sa mukha niya. "..ang sakit sakit isipin na ginago ako ng taong pinagkatiwalaan ko at di lang yan pati mga tinuring kong kaibigan ginago din ako. WALA MAN LANG KAHIT ISANG PUMUNTA SA SIDE KO. Bakit kailangan ako? Ako nalang lagi. Ako nalang ba lagi iintindi ng sitwasyon. Lahat sila humihingi ng chance para patawarin ko? Pero paano ko sila mapapatawad kung nakalimutan ko ng magpatawad. Di ako masamang tao, hindi ako maldita hindi ako savage tulad ng bansag nila. They made me! Sila ang bumuhay sa Savage na Kyline. Tapos ngayon parang kasalanan ko pa, na madaming di natutuwa sa ugali. Like saan ako lulugar?" umiiyak na saad ko sa harap ni Brylle, tahimik lang siya at mariing nakikinig pero mababasa mo sa mukha niya ang awa na nararamdaman para sa akin.

"Bry, nagmahal lang naman ako. Pero bakit ganun yung kapalit, bakit ayun yung sinukli ng pagmamahal sakin." hirap na hirap na saad ko sakanya. Lumakad siya papunta sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Like I was said, nandito lang ako. Nakatakda lahat mangyari yan, and no one can tell kung anong dapat mangyari. Nakatakdang masaktan ka, nakatakdang gaguhin ka dahil may naghihintay na magandang plano sayo. Ky, alam kong di ka masamang tao or tulad ng mga sinasabi nila sayo. Dahil nakita ko sa maikling panahon sa kung sino ka talaga. At ikaw si Kyline, ang namisinterpret ng lahat." malalim at makahulugang saad niya.

Di ko akalaing sa kanya ko sasabihin lahat ng nararamdaman ko, di ko akalaing sa dami ng tao sakanya ko mararamdaman na may halaga ako at importante ako.

"Pero bakit ikaw naiintindihan mo ko? At sila hindi." bulong ko sakanya.

"Dahil mas una ka nilang hinusgahan kaysa makilala at alalahanin sa kung sino ka talaga.." bulong niya dahilan para matahimik ako. Dahil para akong nabunutan ng tinik sa sinambit niya, dahil tama siya. They all judge me without even hearing my story. "..at kahit bali-baliktarin mo ang mundo, hindi lahat ay maiintindihan ka. Dahil ayaw nila tanggapin sa mga sarili nila na nagkamali sila. Wala sayo ang mali, nasa mga pag-iisip at mata nila ang mali." dagdag niya pa dahilan para magbagsakan ng tuluyan ang mga luha ko sa balikat niya.

Nanatili kami sa ganung senaryo hanggang sa kusa siyang kumalas sa yakap at tinapat ang mukha niya sa mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. At ngumiti ng mapait.

"Sana gumaan ang pakiramdam mo, sa ginawa kong to. Sabi kasi ni Ina sakin, pag malungkot ka at walang mapagsabihan pumunta ka sa isang lugar at dun mo isigaw lahat ng nararamdaman mo dahil once na mailabas mo lahat ng kinikimkim mo trust me ang gaan sa pakiramdam." paliwanag niya habang pinupunasan mga luha ko. At sa di inaasahan nagtagpo mga mata namin kaya napatitig kami sa isa't-isa at di ko na namalayan ang sumunod na nangyari ang tanging alam ko nalang ay..

HINALIKAN NIYA AKO.

Francine

Di ko alam kung bakit sumama ako sa meeting na to na sa away nauwi kaya ayun pinalabas nalang kami at naiwan mga matatanda sa loob para ayusin ang gulo sa pagitan ni Tiya Coleen at Tiya Criszette.

At wala kaming ideya lahat kung saan nagpunta si Kyline. Balak sana siya sundan ni Tiya Criszette pero naunahan siyang lumabas ni Brylle. At doon kami ng nagulat ng pinigilan ni Tiyo Keiron na sumunod si Tiya Criszette kay Kyline.

Kaya nung oras na yun napatingin ako kay Allyson. At di ako nagkamali, nakita ang pagseselos sa mukha niya. Tsk binalaan ko na siya. Nasa kanya nalang kung makikinig siya.

Di ko nga alam kung bakit nadamay ako sa galit ni Kyline eh. Wala naman ako nung time na yun, di rin naman kami close ni Kyline and lastly wala akong kinakampihan like parehas silang may mali.

At ang daming mga sikreto sa buhay lalo na sa side nila Clyde. I know na kahit di kami close ni Kyline, I know naman na wala siyang tinatago na sikreto maliban nalang sa feelings niya kay Clyde na medyo meron pa pero alam kong di na tulad ng dati.

Paano ko nalaman? Wala lang ramdam ko lang.

"Hoy Francine, tahimik ka na naman diyan. Ano na namang iniisip mo?" biglang sulpot out of nowhere ni Jennifer sa tabi ko.

"Iniisip ko kung bakit ang gulo ng buhay niyo? Wag ka ngang magulo wag ako guluhin mo Jennifer wag ngayon!" naiiritang sagot ko sakanya.

"Ang sungit mo talaga, doon na nga lang ako kina Cheska." saad niya at dali-daling pumunta kina Cheska at sinundan ko siya ng tingin at napangisi ng makita ko silang kumpleto roon.

Ang samahang madaming lihim. Hanggang kailan niyo yan itatago?






Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon