Kabanata 5

208 20 0
                                    

Kyline

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Ky na tigilan mo na iyang pagkakacut mo ng klase.." sermon ni Ina sakin sa loob ng office niya, oo dito niyo dinala at ngayon ay sinesermunan.

"Ina, di ko nga po kasi namalayan ang oras kaya di na ko nakabalik sa klase. It's just ah nothing.." putol ko sa dapat sasabihin ko, ayaw ko na pag-usapan ang bagay na yun.

He just my past, at ayoko ng maalala pa ang masakit na nakaraan na yun.

"Alam ko Ky, alam ko kung bakit nagkakaganyan ka dahil Ina mo ko.." frustrated na singhal ni Ina sakin.

"Oh sige anong alam mo? Anong alam mo na yung mga taong pilit mong pinapalapit sakin ay yun yung mga taong nagtulak sakin para maging ganto ako ngayon, they all betray me. Naiintindihan mo ba yun Ina? They betray me.." umiiyak na sabi ko kay Ina, kaya natahimik siya at tumayo sa kinauupuan niya at lumapit siya sakin. "..ngayon niyo sabihin sakin na dapat ko pa rin silang kaibiganin, dahil Ina wala na silang puwang sa buhay at mundo ko dahil mismong sila ang sumira ng tiwala na meron ako para sakanila." galit na galit na garalgal na sabi ko pa kay Ina, pumunta siya sa likod ko at pilit akong pinakalma.

"Alam ko yan lahat, Ky. Dahil bago mo pa sabihin sakin yan ay batid ko na yan noon pa, at nasaktan ako nung malaman ko yan. Di ko magawang magalit sa mga dati mong kaibigan dahil batid ko ang rason nila.." saad ni Ina dahilan para matigilan ako. "..Ky, ni minsan ba tinanong mo ang rason nila lalo na ni Clyde kung bakit nagawa nila sayo yun?" madiing dagdag pa niya.

Kaya tuluyan na kong natahimik, at tinanggal ang kamay ni Ina sa balikat ko at tsaka hinarap siya.

"Wala ng rason para magtanong pa ko, dahil mismong ako alam ko ang totoo at kung anong nakita ko. It's one mistake, that really destroy my life at naging dahilan para mabuhay ang Savage Sandiwa na kilala ng lahat ngayon.." madiin at matigas na sabi ko kay Ina habang nakakuyom ang kamao ko. "..sige na Ina, aalis na ko dahil wala na rin naman ang patutunguhan ang pag-uusap na to dahil ni kahit isa sakanila ay hindi makukuha ang kapatawaran na gusto nilang marinig. They change me then let them suffer." madiing dagdag ko pa at dagliang binuhat si Krystal at naglaho papunta sa dorm ko sa Academy at agad na humiga rito at umiyak.

Hindi pa ko handang patawarin ang kahit sino sakanila.

Dahil para sakin wala na silang halaga sa buhay ko para patawarin at kaibiganin sila muli, dahil nung araw palang na niloko nila kong lahat.

Wala na akong kaibigan.

Jaryl

Nag-aabang lang kami dito sa harap ng office ni Tita Criszette dahil ginamitan ni Tita ng spell ang door para walang kahit sinong makapasok samin, maging ang paglalaho ay di rin eepekto maliban nalang kung galing ka sa loob.

Di na nga mapakali si Tito Keiron dito sa labas, dahil rinig namin sa labas ang sigawan nila.

At ang isa sa mga pinakamasakit na narinig ko ay ang katotohanang di na kami mapapatawad ni Kyline sa pagkakamaling nagawa namin noon, pagkakamaling ayoko ng maalala, at ng dahil doon ay nasira kami magpinsan.

Wala akong sinisisi sa pagkakamali na yun, ang mali ko lang ay pumayag ako at kinunsinti ang pagkakamaling yun ni Clyde kahit na alam kong masasaktan ang pinsan ko pagnalaman niya yun.

Ang pagkakamaling iyon ay isa lamang malaking kasinungalingan na hindi alam ni Kyline, isa lang yung pagpapanggap para sa isang kasunduan na hindi ginusto ni Clyde.

Maya-maya pa ay natapos ang sigawan nila at tsaka lumabas si Tita Criszette na halata ang lungkot sa mukha niya at dumeretso kay Tito Keiron at niyakap ito.

"Anong nangyari sa loob? Nasaan ang anak natin?" nag-aalalang bungad at tanong ni Tito Keiron kay Tita Criszette.

"Bumalik na siya sa Academy." matamlay na sabi ni Tita Criszette.

"Ate, ano ba kasing nangyari?" sabat naman ni Ina na bakas ang pag-aalala.

"Nabalot na siya ng galit, at nakalimutan niya ng magpatawad. Si Ina nasaan?" malungkot na sabi ni Tita Criszette.

"Nagpapahinga na, buti na nga lamang at di siya sumama rito baka nastress lang yun sa sagutan niyo mag-ina hys." sabi ni Ina at tsaka lumapit kay Tita Criszette.

Di ko maiwasang maguilty dahil kami ang dahilan kung bakit nagkakaganto si Kyline ngayon.

"Jaryl, wag na wag mong sisihin sarili mo dahil alam kong di mo ginusto ang pangyayari na yun." out of nowhere na sabi ni Tita Criszette na inaalalayan ni Tito Keiron, mukhang nakita niya yata na sinisisi ko na naman sarili ko.

"Tama, tita mo Jaryl! Sige na bumalik ka na sa Academy at magpahinga at habang kami ng Ina mo ay babalik na sa Britania." sabat ni Ama at tinap ako sa ulo.

Kaya napatango nalang ako at saglit na nagpaalam sakanila at tsaka tuluyang umalis. Dumeretso na ko sa dorm ko at tsaka nagpasyang matulog at di na inisip muna ang nangyari kanina, hys miss ko na pinsan ko.

Kinabukasan ay bumulaga sa harap ko si Allyson, she's my bestfriend.

"Buti naman gising ka na, bumangon ka na diyan at mag-asikaso ka na dahil may assembly sa hall, may mahalagang anunsyo raw si Headmistress Mika." saad niya at hinila ako para bumangon kaya wala na akong choice kundi bumangon at mag-asikaso.

Tae anong assembly ba yan? Assembly ba ng mga nagkakagusto sakin yan char lang jusko.

Si Francine lang ang gusto ko kahit nakakatakot kasungitan at katapangan nun, mapapalambot ko rin yun kunting tiyaga lang.

"Ginising mo lang ako para doon psh! Ano bang meron dun?" inaantok at pupungay-pungay pa na usal ko sakanya.

"Si Francine nandun, ayaw mo?" nakangising pang-aasar niya sakin.

Bigla naman akong natauhan ng marinig ko pangalan ni Francine at tsaka dali-daling nanakbo papasok ng banyo. Oo alam ni Allyson kung sino crush ko? Buti nga di nagdadaldal to eh kahit na napakaingay ng taong to.

"Si Francine lang pala ay ipupunta ron naku, dalian mo diyan ayokong naiinip. Gagawin kong halamanan tong kwarto mo pagtinagalan mo diyan." rinig kong pang-aasar at pambabanta niya.

Napailing nalang ako at tsaka nagpokus sa pagligo.

Excited na ko makita si Francine myloves!

To be continued..


Savage SandiwaWhere stories live. Discover now