Kabanata 44

76 5 0
                                    


Kyline

Akala niya ata magpapatalo, like no bitch. I'm Sienna Kaia Sullivan. After ko makipagsagutan dun sa Alvarez na yun hinanap ng paningin ko si Jayden. Saan na naman kaya lumusot yun.

At dahil nakakapagod maghanap nagdesisyon nalang ako magpunta sa table namin kanina. Di ko talaga alam bat umaattend ako sa ganitong party, and I didn't wish to meet that Alvarez, marami akong naririnig about her. Kaya let's see kung hanggang saan ang yabang niya.

Better company? Huh, game on bitch.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang event. Well kahit ayaw ko umattend dito, I still need to because kahit kampante na kami sa Rank 1 we still need more investors para mapanatili yun. Lalo na ngayon at may nagmamatapang na Alvarez.

"Oh shit, kanina ka pa ba dito Sienna?" biglang sulpot ni Jayden. Pawis na pawis at daig pa ang madaming pinagdaanan sa buhay sa itsura niya.

"State the obvious, Jayden. Saan ka ba kasi galing?" tanong ko sakanya ng makaupo siya at uminom ng wine na nasa lamesa.

"I'm looking for my phone, mukhang naiwan ko sa condo.." kumakamot sa ulo na sagot niya. "..masesermunan na naman ako ni Mommy nito. Feeling kasi nila hindi na sila updated sa buhay ko." dagdag pa niya at tuloy-tuloy lang ang lagok ng alak.

"Hoy baka malasing ka, dahan-dahan lang." saway ko sakanya. Kaya napailing nalang ako ng di niya ako pinakinggan at medyo napagmasdan. 

Why he somehow familiar? Pero blur eh? I know I lost memories at yung mga lumabas sakin na liwanag nung naambush ako ay parte yun ng totoo kong pagkatao. At kailangan ko malaman yun on my own.

Akmang magsasalita pa ko pero nangingibabaw na ang boses ng host sa harap.

"Hello everyone, welcome to Philippines Companies Meetings. As we all know, we are doing this yearly para sa mga companies niyo, to expand and have more investors. But before we finally started the night, let's all listen something inspiring from our most controversial and most known company in our country. Let's all welcome the CEO of Sullivan Corporation - Ms. Sienna Kaia Sullivan the only daughter and heir of Sullivans." nakangiting sabi ng host at nagpalakpakan naman lahat. Aware ako na magiispeech talaga ako, it's part of the program eh. 

Nakangiti akong tumayo at inalalayan ako ni Jayden na halatang lasing na kasi namumula na siya. Daig pa nito broken hearted eh.

Ng makatungtong ako sa stage at agad akong ngumiti at nagsalita. 

"Goodevening everyone - yes tama pagkakarinig niyo. I am Sienna Kaia Sullivan. I know naninibago kayo sa present ko ngayon dahil si Daddy ang taon-taon niyo nakikita dito. I just wanna say thank you for letting me speak in front of you tonight. I know some of you narinig na ang ilang mga childish act ko at ilang beses na nakidnap at naambush well perks of being CEO and only daughter of Sullivan. But gusto ko lang sabihin sainyo na hindi naging madali ang pagpapanatili sa rank ng Company na buong buhay pinagtuunan ng pansin ng mga magulang ko, lahat naman ng company dumadaan sa mga struggles right, sa mga problema? At hindi lahat yun madali isolve at umaabot sa point na pati employees natin nadadamay. But I was hoping na kahit anong problema pa yan, wag niyo kakalimutan ishow ang love at care niyo sa mga employees. Iparamdam niyo sakanilang pamilya mo sila, may pagsubok man o wala. Kasi sila yung mga taong nasa likod ng success ng isang kumpanya.." saglit akong tumigil at ngumiti sa lahat at tsaka muling nagsalita "..and one more thing, don't rush things in your company dahan-dahan lang because success start from that. Be innovative and siyempre mahabang pasensya din ofcourse, kidding aside. That's all everyone and enjoy the party!" dagdag ko pa at tsaka tuluyang nagpalakpakan ang lahat nagtayuan pa nga yung iba.

Well done, Sienna.

Bago ako tuluyang bumalik sa pwesto ko ay biglang tumama ang mata ko kay Alvarez, at nakakunot ang noo niya. Dahilan para may kung ano na naman sa katawan ko ang gustong kumawala. 

Eto na naman siya.

Nagdodoble na rin paningin ko, pinipilit kong makalapit sa table kung saan inom pa din ng inom si Jayden wala talagang kwentang kasama to. Pero di naalis ang tingin ko kay Alvarez na may kung ano akong nakikitang string sa kamay niya. May tatlong kulay siya na magkakasama sa sa iisang string - the blue, violet and white. At nasa kamay ko ang karugtong habang may parang strings din sa likod niya na mukhang nasa malayo ang karugtong nito.

Anong meron sayo Alvarez? Bakit tayo meron nito?

Dahil labong-labo na ang mata ko ay sa cr ko nalang piniling pumunta mabuti nalang at nagstart na ang party kaya kanya-kanya na ang mga CEO pero habang palayo ako ramdam ko ang titig ni Alvarez.

Nakikita niya rin kaya yung string? 

Pagpasok ko ng banyo ay nilock ko agad ang door at doon tumili ng mahina, at tsaka naglabasan na naman ang mga liwanag sa katawan ko.

At parang may gustong kumawala na kung ano sa likod ko at doon ako napatili, dahil hilong-hilo na ko naaninag ko nalang ito sa salamin. Pakpak siya alam ko, pero bakit meron ako neto? Bago ko pa masagot ang sarili kong sagot ay hinimatay na ko.

Jaryl

Hindi namin kung anong swerte ang meron kami at finally nakita na namin si Brylle at Tito Justine. Alam kasi ni Tito Rui kung saan condo ni Tito nagbakasali lang kami.

"Y-yana? Ikaw ba talaga yan?" gulat na tanong ni Tito Justine ng makita kami sa tapat ng condo nila, sakto kasing pauwi na pala sila sa condo after ng shooting.

"Justine, finally we found you." parang nabunutan ng tinik na usal ni Tita Yana. Kaya napangiti ako.

"Sabi sainyo, uuwi at uuwi sila dito." natatawang sambit ni Tito Rui. 

"Sino sila, Tito? Bakit pamilyar sila sakin?" naguguluhang tanong ni Brylle kaya napalingon kami sakanya. Grabe mas lalo siyang gumwapo, grabe mag-alaga ni Tito Justine. Well I heard na siya talaga tatay ni Brylle.

"Ano pala ginagawa niyo dito?" takang tanong ni Tito Justine samin.

"Dahil matagal na naming hinahanap si Brylle, dahil kailangan siya ng Normsantandia he's part of Trio Prophecy." sagot ni Tita Yana.

"W-wait what?" gulat na usal ni Tito Justine.

"And most specially, masaya kami na ikaw nakakita sakanya Justine. He is your son, anak niyo siya ni Diana." dagdag pa ni Tita Yana dahilan para mabitawan ni Tito Justine ang dala niya. At habang si Brylle ay gulat na gulat na sa pagkakaalam ko ay Jax ang pinangalanan ni Tito sakanya.

"For real? Eh si Diana nasaan siya? Nasaan ang asawa ko?" wala sa sariling sunod-sunod na tanong ni Tito Justine.

"Mabuti pa sa loob na tayo mag-usap. And we need to do something to Brylle memories. At ikwekwento namin sayo lahat ng dapat mong malaman most specially about Diana." sabat ni Tito Rui at inalalayan si Tito Justine papasok ng condo, sumunod naman si Brylle na parang pilit inaalala kung saan kami nakita. At kami naman nila Tita Jinri at Tita Yana ay pumasok na din.

Sana magtuloy-tuloy na to, dahil habang tumatagal kami dito maaaring may nangyayari na sa mundong iniwan namin.

Namimiss ko na si Ina at Ama, I need to save them.

To be continued..






Savage SandiwaWhere stories live. Discover now