Kabanata 36

75 6 0
                                    

Kyline

Nandito kami ngayon sa Sullivan Corporation at tinetrain nila ako sa pagiging CEO. Sobrang haba nga ng pasensya nila sakin eh.

Even if wala akong maalala, sobrang alaga nila sakin.

"Ms. Sullivan, ang pagiging CEO at hindi madaling trabaho. Sana ay maging handa ka sa mga kahaharapin mo." sabi ni Keith ang assistant ko. Pinakilala siya sakin nila Mommy at Daddy nung pagdating namin dito.

Si Keith daw yung makakasama ko throughout ng paghawak ko sa Company. Kailangan na daw kasi ipasa sakin ang kumpanya, dahil nasa right age na daw ako to handle it.

Madali namang natutunan kaya di rin sila gaanong nahirapan sakin.

"I know. Dapat handa ako sa anything, at dapat lagi akong may nakahandang solusyon sa kahit anong problema na darating sa kumpanya. I need to maintain Sullivan Corporation stable." sagot ko kay Keith kaya napangiti siya sakin.

"Mr. & Mrs. Sullivan, madali lang naman po matuto si Sienna kaya madali nalang po niya mahahawakan ang company. Umasa po kayong, I will guide her." nakangiting sabi niya kina Mommy at Daddy na ngiting-ngiti parehas.

Dahil nga sobrang bilis ko matuto.

"So our daughter ready to be a CEO?" tanong ni Daddy kay Keith.

"Yes, I think sir. Ms. Sienna is ready to be a Sullivan Corporation CEO." sagot ni Keith.

"So we should do a ceremony on passing her the position of CEO." nakangiting sambit ni Mommy.

Kaya napangiti nalang ako. This is it, I will become a Sullivan Corporation CEO, kaya mo to Sienna.

Pag-uwi namin ay kung sino-sino na agad kinontak nila Mommy at Daddy to prepared the Ceremony na sa linggo agad magaganap. Friday kasi ngayon, so I have 1 day to prepared my speech.

Ayun kasi sabi sakin nila Mommy, need ko daw maghanda ng speech. First Speech ko daw as new Sullivan Corporation CEO.

Sunday

Sa sobrang lumipas ng araw ay linggo na agad. Kaya eto ako ngayon ay inaayusan ng mga pinatawag na stylist nila Mommy. After ko ayusan ay sumakay na agad ako sa kotse, ako nalang kasi yung nasa bahay.

Nauna na kasi sila Mommy sa venue, kasi may mga need pa silang asikasuhin dun.

Pagdating ko sa venue ay may red carpet sa gitna, at naging atensyon ako dahil ako nalang ata yung inaantay ko to start the ceremony.

"Ayan na ba si Sienna?"

"Ang ganda niya. Sobrang walang pores sa mukha, parang Koreana."

Ilan lang yan sa bulungan na narinig ko habang naglalakad ako sa red carpet. At nakita ko sa unahan sila Mommy at Daddy na nakangiti sakin. Pati si Keith na halata sa expression niya ang pagkaamaze sa itsura ko.

Paglapit ko kila Mommy ay niyakap nila ako.

"You're so pretty my baby." bulong ni Mommy sakin kaya di ko maiwasang di makaramdam ng hiya.

"Manang-mana ka talaga sa Mommy mo." bulong naman ni Daddy.

At tsaka sila sabay na humiwalay sa yakap sakin at tsaka umakyat si Daddy sa stage. Habang kami ni Mommy ay naiwan sa baba at niyaya niya akong umupo sa upuan na mukhang nakareserve para samin.

"Hi I am Steven Sullivan the current CEO of Sullivan Corporation. I know biglaan tong ceremony na to. But we can't wait anymore for this important announcement.." nakangiting panimula ni Daddy. "..as you can see my wife — Selena Jade Sullivan is here together with our only daughter — Sierra Kaia Sullivan. Dahil ganun kaimportante ang araw na to para sa pamilya namin." nakangiting dagdag pa ni Daddy at muling nilingon kami ni Mommy bago nagpatuloy muli.

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon