Kabanata 49

61 5 0
                                    

Francine

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari sa conference hall, there's a string at nakakonekta ito kay Sienna at yung isa nakaconnect sa malayo. Tatlong kulay ang naghahalo sa strings, it's blue, violet and white. Malinaw na malinaw sa isip ko yun kahit nanlalabo paningin ko ng mga oras na yun. Di ko alam bakit bigla akong nahilo nun, di ko na nga tinapos yung event nun at umuwi na.

Kasi hindi talaga okay pakiramdam ko.

"Freya, namumutla ka anak? Okay ka lang ba? If hindi umuwi ka muna kaya." sambit ni Mommy sakin, papunta kasi kami sa isang board meeting. Pagbangon ko kaninang umaga hindi na talaga ako okay, pinilit ko lang kasi kailangan.

"Okay lang po ako. Nakakahiya sa Sullivan kung hindi tayo sisipot. Sila na nag-offer ng investment malaki maitutulong nila sa corporation natin. Tsaka medyo hindi maganda yung impression namin nung CEO nun sa conference hall last night. So I need to be there." sagot ko kay Mommy pero bakas na bakas pa din sa mukha niya ang matinding pag-aalala sakin.

"But.." 

"Okay lang po talaga ako, magsasabi nalang po ako mamaya pag hindi ko na po talaga kaya." pigil ko kay Mommy kaya napahinga nalang siya ng malalim sign na panalo na ako.  Di ko talaga alam kung bakit ang sama-sama ng pakiramdam ko eh. As in kasi di naman ako sakitin eh kaya nakakagulat na nagkakaganto ako ngayon mula pa kagabi.

Is this because of damn strings?

Kailangan ko na siguro makausap si Sienna about this, I feel like she know something at nakikita din niya yung strings kagabi. Dahil nakita ko kung paano hindi niya maialis ang tingin niya sakin kagabi hanggang sa nawala siya paningin ko kagabi dahil may mga dumaan na sa pagitan namin. At di ko na alam kung saan siya pumunta.

Ng makarating kami sa company ng Sullivan ay bumaba agad kami ni Mommy, nagulat nalang talaga kami kagabi ng makareceived kami ng invitation after ng conference eh na gusto daw makipagpartner at mag-invest samin ng Sullivan.

Di kami makapaniwala nun kasi as far as I know, Sullivan and Alvarez isn't good and not even friends dahil sa mga naunang generation neto. Pero sabi ni Mommy kagabi na baka kaya may ganto na kasi gusto na rin nila matapos kung ano man meron noon, dahil ibang generation na daw to. Hindi raw dapat naipapasa yung ganung bagay.

At pag-akyat namin sa floor kung nasaan yung meeting room, ay pumasok kami agad. At bumungad samin ang nakangiting si Sienna. Ibang-iba ngiti niya ngayon, malayo sa kung paano kami nagsungitan kagabi sa encounter namin. Umupo kami ni Mommy at ng magkaharap kami ay binasag niya ang katahimikan.

"Hindi na ko magpaligoy-ligoy pa, Mrs. Alvarez and Ms. Alvarez. I know we don't have a good impression last night, Ms. Alvarez and I wanted to say sorry for the attitude I gave you last night. And I know that Alvarez and Sullivan is have a not so good history. Pero dahil nasa makabagong generation na tayo, we decided to offer our company to be partner, and Sullivan Corporation will invest in Alvarez Corporation to strengthen more our future partnership. Napili namin ang kumpanya niyo dahil nakikita naming maganda at maayos ang kumpanya niyo at magaganda ang mga products na nirereleased niyo sa masa." paliwanag niya samin. Hindi ko maiwasang mamangha sakanya. Napakatalino niya at sobrang lahat ng sinasabi niya ay may point. Deserve talaga ng Corporation nila ang rank 1 at maging kilalang company dito sa bansa, dahil napakatalino ng nagpapatakbo neto. Makikita sa pananalita niya, na pinag-iisipan niya talaga lahat.

Nakinig din ako ng speech niya, at sobrang namangha talaga ako dun. She really born to be a Leader, and deserve the title of CEO.

"At malugod namin tinatanggap ang offer niyo Ms. Sullivan, you caught us on your words. So we are glad to accept it. And we are hoping this is the good start for us and for our both companies." nakangiting sagot ko sakanya.

Savage SandiwaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora