Kabanata 45

69 5 0
                                    

Warning: Long Chapter Ahead.

-

"Zette, kailangan na natin makatakas dito." bulong ni Keiron sa asawa niya na nasa tabi niya lang. "Dahil habang naririto tayo at walang ginagawa maaaring isa sa mga anak natin ay hinaharap na si Rave. Hindi pa sila natetrain ng buo at hindi lahat alam na nila, we still need to help them." dagdag pa niya, kaya napalingon lahat ng mga kasama nila.

"Tama si Kei, Zette. We are more than this, di tayo nanalo sa mga digmaan noon para maging ganto tayo ngayon at walang laban. Kapangyarihan lang wala sa atin, pero ang kaalaman ang mga powers na in born na meron tayo at kahit sino walang makakaagaw. May laban pa rin tayo." sabat naman ni Christian sakanila. Kaya napatango lahat.

"Kung ganun maghanda kayo at tatakas tayo habang wala sa paligid si Rave. Hindi ko nararamdaman presensya niya dito eh." seryosong sambit ni Criszette, kaya napatango lahat. Ang bawat isa sakanila ay kinakabahan sa maaaring mangyari, ngunit wala na itong atrasan dahil buhay nila nakasalalay dito.

"Drake whatever happen, please take care of our Serenity, dahil matagal na natin siyang inihahanda para pumasok sa katawan niya si Agane at Astrid. At habang wala tayo sa tabi niya, kinakabahan ako sa maaaring mangyari." halos pabulong na sambit ni Stacey ngunit narinig pa din ito ng lahat. Dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may anak si Stacey at Drake.

"May anak kayo?" di makapaniwalang tanong ni Christian sakanila.

"Yeah, at parte ng prophecy niya ang itago sa lahat at walang makaalam ng identity niya. Dahil tulad ng anak mo  Zette, my daughter is another part of Trio's Prophecy." sagot ni Drake. Kaya napanganga nalang sila lahat. "At lalabas lang siya sa oras na handa na siya, pero dahil sa nangyari ngayon, lubos kaming nag-aalala sa kalagayan ng anak namin." dagdag pa ni Drake.

"Ate Stacey, Kuya Drake. Believe me or not, Serenity can handle herself. Malakas at matapang ang pamangkin ko na yun, kaya for now ang pagtakas natin dito ang aalalahanin natin." sabat ni Cheena.

Kaya napatango nalang sina Stacey at Drake na parang wala na ring nagawa. 

"Okay kung gusto talaga natin makatakas dito, kailangan magtulungan tayo ng buo. Dahil di ko nais na may malagas satin." sambit ni Criszette kaya napatango silang lahat.

"Miss ko na si Yana, di na ko makapaghintay mayakap siya ulit." bulong ni Nathan.

"Naku ka talaga, yung anak mo ba hindi mo ba namimiss?" natatawang biro ni Ryle kay Nathan kaya sinamaan siya ng tingin neto.

"Siyempre, miss anak ko yun eh. Kahit na ang hirap-hirap niya basahin, at di ko siya kinakaya. Mahal ko yun siyempre. Kamukha ko kaya yun." depensa ni Nathan sakanya.

"Paano ka hindi mahihirapan basahin ang anak mo, eh kaugali mo kasi. Hirap kalaban ng reflection mo no?" nakangising sabat ni Serix.

"Shut up, di lang naman ako ah. Andiyan ang anak ni Criszette na nakuha parehas na traits ng magulang, anak niyo ni Chariz na kala mo lagi observer sa sobrang tahimik, at minsan nalang magsalita makakaguho pa ng mundo mo na batid kong sayo namana. At lastly ang anak nila Jenny at Andrei, para laging nanghahamon ng away." umiiling na sambit ni Nathan kaya dahil dun nakatanggap siya ng masasamang tingin mula sa mga nabanggit niya.

"Excuse me, Nathan? Di palaaway anak ko." umiirap na sambit ni Jenny kay Nathan pero tinawanan lang siya neto.

"Kaya pala walang ibang bukambibig si Kyle kundi si Jennifer na sumasakit na daw ulo niya sa kakasasaway dahil lagi silang magkabangga ni Mia. Sobrang ikli kasi ng pasensya ng anak mo." natatawang sambit ni Nathan, napasapo nalang sa ulo niya si Andrei habang si Jenny ay tila natauhan, hindi niya alam na ginagawa yun ng anak niya.

Savage SandiwaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora