Kabanata 17

162 12 1
                                    

Third Person POV

Ilang araw na kami don at wala man lang nakakahanap sa binatilyong kasama ko ngayon dito. Nakatakip siya ng panyo at panay ang sigaw, di na rin muli bumalik yung lalaking kumuha samin. At isa lang ang alam ko naghahanap siya ng sunod na dadalhin dito.

Grabe yung galit niya.

Hindi ko maiwasang isipin kung anong nagawa namin sa kanya. Di namin siya kilala, at lalo na yung binatilyong ito na wala namang ginawa sakanya.

"Ina, Ama nasaan kayo? Nasaan ako?" sigaw niya ngunit walang nakakarinig at tanging alingawngaw lang ang bumalik na sagot sa amin.

"Iho, wag mo na pilitin pa. Walang makakarinig sa iyo, mapapagod ka lamang." saway ko sakanya.

"Sino ka? Bat ngayon lang kita narinig, ikaw ba nagdala sa akin dito." nagtatakang tanong niya sa akin. Kaya pasimple kong ginalaw ang pinagtatalian kong upuan palapit sakanya at di naman ako nabigo. I forced myself to used my mafi at di ulit ako nabigo, nagawa kong utusan itong tanggalin ang blindfold ng binatilyong ito.

Mula kasi ng dumating siya dito ay wala akong ideya sa kung sino siya. At ng tuluyan ko ng makita ang mukha niya ay napangiti ako.

Dahil magkamukhang-magmukha sila ng kanyang Ina, may unti rin naman siyang nakuha sakanyang Ama pero mas malaki ang nakuha niya sa kanyang Ina.

"Sino ka? Bakit parang kamukha mo si Haring Keiron?" nakakunot noo na bungad niya ng makita na niya ako.

"Ako si Serena." maikling pagpapakilala ko sakanya dahilan para maliwanagan siya. Wala pa sana akong balak magpakilala ngunit panahon na rin para magpakita ako sakanila. Dahil paparating na naman ang bagong banta sa buong Normsantandia.

"Ikaw si Sandiwa Serena? Ikaw yung matagal ng hinahanap." di makapaniwalang usal niya.

"Ako nga iho. Ikaw sino ka? Sa iyong postura sa wari ko ay isa kang Royal at tinitingala sa Normsantandia." nakangiting saad ko sakanya.

"Ako po si Sandiwu Clyde, Anak po ako ni Coleen at Miguel." pagpapakilala niya sakin dahilan para mapangiti ako.

"Sila pala talaga nagkatuluyan.." nakangiting sambit ko. "..iho kamusta na pala ang Ainabridge and also Kuya Keiron?" pangangamustang tanong ko sakanya.

"Okay naman po sila, but si Haring Keiron di pa din siya sumusuko na hanapin dahil iyon daw ang pangako niya sa mga magulang niyo po bago ito pumanaw.." saad ni Clyde dahilan para matigilan ako. Tama ba narinig ko? "..at tsaka po, sakit po ng ulo nila ngayon si Sandiwa Kyline. At ako po ang rason kung bakit nagkakaganto siya ngayon." dagdag niya pa.

Ngunit di ko na inintindi yung huli niyang sinabi. Dahil nastuck ako sa una niyang mga sinabi.

"Totoo ba narinig ko iho? Pumanaw na, sinong pumanaw?" kinakabahang tanong ko at ramdam ko at pagbigat ng pakiramdam ko.

"Ang inyo pong mga magulang. Namatay sila kahahanap po sa inyo, nakwento sakin nila Ina na di talaga sila sumuko kahahanap po sa inyo sa loob ng maraming taon dahil inaalala po nila ang batang dinadala niyo po." saad niya dahilan para matahimil na ko ng tuluyan at di ko namalayang nagbagsakan na mga luha ko.

Wala na sila.

Wala na mga magulang ko.

Hinanap pala nila ako, pero di nila ako nahanap dahil imposible talang marating nila ang tinirhan ko sa matagal na panahon.

Hanggang sa nagflashback sakin ang nangyari nung araw ng digmaan kung paano ako naging makasarili at iniwan sila sa laban.

"Brisk, wake up please. Paano na kami ng anak mo paano ko siya pupunuin ng pagmamahal ng mag-isa bakit kailangan mong mawala?" pag-iyak ko sa bangkay ni Brisk na wala na talagang buhay.

Naiwan kami ni Serix dito dahil pinagluluksa niya din ang kapatid niya na kasabay pumanaw ni Brisk.

"Ipaghihiganti kita, di ako papayag na di ako makakaganti sa kanila. Bat kailangan mong madamay? Bakit kailangan idamay ka nila." umiiyak na rinig kong sambit ni Serix. Ramdam na ramdam ko ang galit na namumuo sakanya, at nararamdaman ko na din ang kakaibang init ng paligid.

Muntik ko ng makalimutan, leader nga pala to ng Cursed Volton. Maya-maya pa ay tumayo siya at walang pasabing naglaho paalis dala ang galit, naramdaman ko sa aura niya ang labis na galit.

Binalik ko ang tingin ko kay Brisk at pinagmasdan siya.

"Eto na ba yung karma ko sa ginawa kong panloloko kay Andrei eto na ba yung kabayaran ng ginawa ko. Pero bakit kailangan ikaw Brisk. Bakit ikaw pa?"  umiiyak na sambit habang hawak ang kamay niya at umiyak ng umiyak. "..mahal na mahal kita Brisk, ang sakit sakit na ganto ang ending natin. Pangako Brisk, aalagaan ko anak natin, dahil alam kong yun ang gusto mo. At sana patawadin mo ko kung iiwan kita dito, dahil kailangan ko munang lumayo kami ng anak natin, gusto ko siya palakihin sa simpleng pamilya at hindi sa pagiging prinsipe." dagdag ko pa at hinaplos ang mukha ni Brisk. At tsaka pinunasan ang luha ko. At tsaka inayos ang sarili at tsaka dahan-dahang binaba ang sarili at hinalikan sa labi sa huling pagkakataon si Brisk. "..mahal na mahal kita, salamat sa lahat." mapait na ngiting saad ko at tuluyang naglaho. Dumaan muna ako sa digmaan at naabutan kong kinakaya nila ang kalaban kaya napangiti ako.

Dahil alam kong magtatagumpay sila.

At matapos ko sila tingnan ay naglaho na ko at nagpakalayo-layo.

"Okay lang po ba kayo?" biglang sabi ni Clyde para bumalik ako sa tamang wisyo.

"Totoo ba talagang wala na sila, hindi man lang ako nakahingi ng tawad sakanila.." malungkot na saad ko. "..di ko man lang sila nagawang harapin sa matagal na panahon. Dahil wala akong mukhang ihaharap dahil sa buntis ako at di man lang nagkaroon ng tsansya na maging pamilya kami ni Brisk." kwento ko pa.

"At alam niyo po bang inaantay na po kayo sa kaharian ninyo. Dahil ikaw ang nakatakdang mamuno roon at maging Reyna." nakangiting anunsyo niya sa akin.

"Ngunit iho ayoko maging Reyna gusto ko ng normal na buhay para sa anak ko." saad ko naman sakanya kaya napakunot siya ng noo na tila di makapaniwala sa sinabi ko.

"Pero ikaw nalang ang pag..." di na natapos ni Clyde ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto.

"Gising na pala kayo." nakakatakot at malalim na boses na sabi ng nasa pinto na nakakasilaw.

Kaya natahimik kami ni Clyde.


Savage SandiwaWhere stories live. Discover now