Kabanata 30

116 8 2
                                    

Kyline

Kinabukasan maaga kami nagising lahat para ipagpatuloy ang paglalakbay namin. Isang bundok nalang raw at mararating na namin ang Alcania.

Nandun yung kaba, dahil baka hindi kami tanggapin ng kaharian na yun pero susubok pa din ako.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakbay ng biglang..

"Ina?" rinig naming bulong ni Kyle.

Kaya napalingon kami sa tinitingnan niya. It's Tita Yana.

"Reyna Yana?" di makapaniwalang saad ni Headmistress Mika, dahil sa nasa harap namin ngayon.

"Anong nangyayari? Bat wala kayo sa Academy?" salubong na tanong niya samin at yumakap kay Kyle.

"Ina? P-paanong? Hindi ka kasama sa kinuha nung bagong kaaway ng Normsantandia?" naguguluhang tanong ni Kyle kay Tita Yana.

"Huh? Nakalimutan mo na ba? Umalis ako at naglakbay papuntang Alcania dahil nalaman kong hindi ako tunay na taga Armenia. Dahil nasa Alcania ang tunay kong magulang at isa akong tagapagmana roon. Ano bang nangyayari Kyle?" naguguluhan na talagang tanong ni Tita Yana. "Nasaan si Nathan? Nasaan ang Ama mo?" tanong pang muli ni Tita Yana pero tanging yakap lang ang naibigay ni Kyle sa Ina.

"Kung totoo ngang tagapagmana ka ng Alcania hindi na pala tayo mahihirapan humingi ng tulong sakanila." sabi ni Headmistress Mika kaya napatango kami lahat.

"Headmistress Mika? Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni Tita Yana kay Headmistress Mika.

"Nasakop na namang muli ang Normsantandia. At kasalukuyang bihag ng di kilalang kalaban ang mga magulang namin. At pati mga kaharian ay nasakop na din. Kaya tanging Alcania nalang ang nakikita naming pinakaligtas na lugar sa mga panahon na ito." paliwanag ni Headmistress Mika kay Tita Yana. Kaya napahugot nalang ng malalim na hininga si Tita Yana.

"Mauulit na naman ba ang mapait na nakaraan? Madami nagbuwis sa mga nakaraang digmaan? May magbubuwis na naman ba sa panahon na. Kailan ba tuluyang makakamit ng Normsantandia ang katahimikan?" nanghihinang saad ni Tita Yana.

Minsang naikwento sakin nila Ina at Ama na napakadaming buhay ang nalagas sa panahon nila. At naikwento rin nila sakin ang pagkamatay at pagkabuhay muling ni Ama. At kahit di halata natatakot akong tuluyan silang mawala sa buhay ko.

Madalas man kaming di magkasundo ni Ina, ayoko pa ring mawala sila sakin kaya gagawin ko lahat para mailigtas sila.

"Makakamit nating muli yun Tita Yana, di pa man sapat ang mga kaalaman namin ngunit isa lang maipapangako namin bilang mga bagong henerasyon, na ito na ang huling digmaan na magaganap sa kasaysayan ng Normsantandia." nakangiting saad ni Kuya Gabriel kay Tita Yana.

"Para ka talagang si Christian, ganto din siya samin nung mga panahong kami ang humaharap sa digmaan." nakangiting saad ni Tita Yana kay Kuya Gabriel kaya ningitian din siya pabalik ni Kuya.

I must say na malaki nga ang pagkakahawig ng ugali ni Kuya Gabriel at Tito Christian. They totally the same.

"So ano ng plano niyo? Pupunta kayo ng Alcania?" tanong ni Tita Yana samin.

"Oo sana." sagot ni Headmistress Mika.

"Tara samahan ko na kayo." nakangiting saad ni Tita Yana samin kaya napatango kaming lahat.

Unti-unti na naming nakikita ang pag-asa. Wait for me Ina at Ama, ililigtas namin kayo. Hindi namin kayo bibiguin.

Para sainyo ang laban na ito.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now