Special Chapter #2

64 4 0
                                    

Jayden

"Bakit ba lagi ka rin nandito sa Alcania? Napipikon na ako sayo ah." inis na sambit ko kay John, lagi nalang pagpupunta ako dito. Nandito rin siya, nakakainis.

"Eh pake mo ba, ikaw lang ba kaibigan ni Saffraina?" inis na sambit niya din sakin.

Limang buwan na nakakalipas simula ng matapos ang digmaan sa Normsantadia. Noong una nangangapa talaga ako sa mundong to kasi hindi naman ako dito lumaki pero pasalamat na rin sa epal kong pinsan na si Francine ay natutunan ko na masanay sa mundong ito.

May mga pagkakataon rin kasing nabibigla talaga ako sa mga nasasaksihan ko dito. 

"Pero hindi mo kailangang pumunta dito. May gusto ka ba kay Saffraina?" inis at deretsahang tanong ko sakanya kaya natigilan siya.

"Paano pag sinabi kong oo may magagawa ka ba ha? Diba wala? At tsaka hindi kita magulang para pigilan mo ko sa gusto kong gawin ah." inis na asik niya sakin. Bakit naman parehas kaming may gusto kay Saffraina, lagi nalang may sabit sa gusto kong pormahan.

Alam kong gwapo ako, pero bakit naman pinapahirapan ako sa mga babaeng nagugustuhan ko.  Grabe naman yun.

"Oh, pwes may gusto din ako sakanya. At sisiguraduhin kong sakin siya mapupunta at hindi sayo." nakangising sambit ko sakanya at tsaka naglaho ng mabilis. Kailangan mauna akong makahanap kay Saffraina - at once na ako mauna makahanap sakanya.

Ako na ang makakasama niya buong araw.

At napangiti ako when I see her na nakikipaglaro sa mga isda kaya agad ko siyang nilapitan. Kakaibang sirena sila kasi pwede sila magkapaa kahit nasa ilalim sila ng tubig. Lalo na pag nasa loob sila ng palasyo.

At habang ako matinding pakikiusap at pagmamakaawa ang ginawa ko kay Tita Criszette para ituro niya sakin yung spell na ginamit niya before para makahinga kami sa ilalim ng dagat.

Lumapit ako sakanya at napansin ko naman ang ngiti niya ng makita ako. Naks gwapo ko talaga!

"Oh, hi there Jayden. Lagi ka nalang nandito ah, may plano ka bang tumira dito?" natatawang bungad niya sakin, at dahil sa tawa niya na yun ay napatitig ako sakanya ang ganda niya talaga grabe.

"Pwede naman kung sasagutin mo na ko?" banat ko at sabay kindat sakanya.

"Ewan sayo. Minamadali mo ata ako sagutin ka eh, kung bastedin kaya kita?" nakangising sambit niya dahilan para matigilan ako at mapanguso.

"Ayan ang wag na wag mong gagawin. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal basta ba sakin ka babagsak." banat ko muli, kaya napansin ko ang pamumula niya kaya lihim akong napangiti.

Hindi ko talaga alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa babae na to, unang kita ko palang sakanya iba talaga tama ko eh. There's something on her na talagang nahila ako eh. Hindi ako naging ganto kay Kyline before, sadyang kakaiba lang talaga si Saffraina.

Ilang buwan din ako pabalik-balik dito, until one day nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin siya kung pwede ko siyang ligawan.

"Mga banat mo talaga. Tara na nga lang sa garden, may gusto lang ako ipakita sayo." sambit niya sakin kaya tumango ako. Hindi na sana sumulpot pa si John at hindi niya kami mahanap.

Gusto ko masolo si Saffraina, today.

Ng makarating kami sa garden, nagulat ako ng nandun si John at iba ang ngiti ng makita kami. What the hell? Ano pa ba pwede ko gawin para tigilan niya na si Saffraina.

Honestly, ako lang nanliligaw kay Saffraina. While John mukhang walang lakas ng loob umamin. At ayan puro pagpaparamdam, without him knowing na nanliligaw na ko kay Saffraina. 

Savage SandiwaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora