Kabanata 46

80 4 0
                                    

Blade

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ko ba finally ligtas na sila o kakabahan dahil batid kong si Brylle ang hahanapin niya at hindi ako.

"Nasaan ang anak ko, nasaan si Kyline? Ayaw ba ko makita ng anak ko." malungkot na sambit ni Tita Criszette at pilit hinahanap sa paligid si Kyline.

"Nasaan din si Francine? Nasaan ang anak namin?" nagtatakang tanong naman ni Tita Chariz.

Sobrang gulo ng paligid at kanya-kanya silang usapan, magpapamilya. Habang ako nakatitig lang sakanila, dahil hindi ako kilala ng Ina ko.

"Nasaan si Jaryl? Where the hell is my son? Anong nangyari?" halos maghysterical na sambit ni Tita Jenica kaya pinakalma siya agad ni Tito Jarret.

"Ina nasaan si Ama? Nasa likod pa ba sila? Nahuhuli ba sila maglakad?" nagtatakang tanong ni Serenity. "Si Ama talaga kahit kailan napakabagal." umiiling na dagdag niya pa pero malungkot siya tiningnan ni Tita Stacey. Ng dahil sa tanong ni Serenity ay lumapit si Tita Cheena sakanila para alalayan ang mag-ina.

Habang sa gilid napansin ko si Tita Coleen at Clyde na nag-iiyakan, ano ba kasing nangyari?

"Oo nga bakit di niyo kasama si Nathan, Drake, Miguel, Matt, Light at Ryle? Nasaan sila?" halatang kabadong tanong ni Headmistress Mika.

"Ina sumagot kayo, nasaan si Ama?" naiiyak na, na tanong ni  Allyson kay Tita Charm na patuloy na umiiyak lang.

"Wala na sila. Si Nathan, Drake, Miguel, Matt, Light at Ryle. Sinacrifice nila mga buhay nila para makatakas kami, pinigilan namin sila pero di sila nakinig. Sorry!" umiiyak na sambit ni Stacey dahilan para mapahagulhol si Serenity sa balikat niya.

"No, malakas si Ama hindi siya mamatay. Ina nagbibiro ka lang diba?" pagpupumilit ni Serenity ngunit niyakap lang siya ng mahigpit ni Tita Stacey at maging ni Tita Cheena.

"No, hindi pa muling nagkikita si Ama at Ina. Hindi pwedeng mawala lang ng ganun si Ama. Hindi!" nagwawalang sambit ni Kyle at dahil sa pagwawala niya ay nagkalampagan ang mga dahon sa paligid.

Kaya nilapitan siya ni Headmistress Mika at inawat.

"Kumalma ka, Kyle. Mabuti pa bumalik na tayo sa pwesto natin at doon na tayo mag-usap. Masyadong delikado dito." sambit ni Headmistress Mika, at kahit na tulirong-tuliro na silang lahat ay sumunod sila kay Headmistress Mika. 

Pagdating namin sa pinagtataguan namin, ay may binigkas na spell sila kay Kyle para makatulog at pinasok ito sa tent. 

Puro punong-puno pa din ng emosyon ang lahat.

"So nasaan si Kyline? Nasaan ang anak namin?" tanong ni Tito Keiron ng makaupo kami sa mga bato sa gitna ng mga tent namin.

"Mahabang kwento ngunit nasa mundo sila ng mga tao. Si Sandiwa Kyline, Sandiwa Francine, Brylle dahil sa maling tulay ang nadaanan nila at ang tulay na ito ang papunta sa mundo ng mga tao at once na dun sila sa tulay na yun mapadaan, mawawalan sila ng aalala. Hindi namin alam kung bakit kaming lahat tamang tulay ang nalusutan, habang ang tatlo ay hindi. Iniisip nalang namin na baka parte ito ng propesiya sakanila." panimulang kwento ni Headmistress Mika.

"Kung ganun, bakit pati si Jaryl wala?" kunot noo na tanong ni Tito Jarret.

"Dahil nagdesisyon kami ni Yana na accidentally nakasalubong namin sa daan na pabalik sana ng palasyo. At dahil hindi ako pwedeng sumama dahil walang magbabantay na mas matanda sakanila dito. Ay nagvolunteer ang anak niyo Jarret at Jenica na sumama, dahil nangako daw siya sainyo na poprotektahan niya ang pinsan niya kahit anong mangyari." sagot ni Headmistress Mika.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now