Kabanata 55 (Last Chapter)

86 5 0
                                    

Someone POV

Masyadong dumami ang kalaban nila dahil sa pagdilim ng paligid. Nahihirapan sila lahat ngayon, ang ilan sakanila ay nakakaramdam na ng pagod. Patuloy pa ding nakikipaglaban si Blade sakanyang sarili. 

"Wala ka ng magagawa Blade, because cursed blood will eat you." sambit ni Rave kay Blade, habang sina Serena ay lumalaban na muli dahil may mga sumusugod din na kalaban sa pwesto nila.

"N-no, hinding-hindi mangyayari yun. I am maybe a cursed pero hinding-hindi mo ko magiging kakampi." nahihirapang sambit ni Blade.

Napansin naman ito ni Allyson mula sa malayo at wala sa sariling pinatay lahat ng kaharap niya at naglaho papunta sa pwesto ni Blade.

"Allyson, what are you doing here iha?" gulat na tanong ni Headmistress Mika ng makita si Allyson. Hindi siya sinagot ni Allyson at pumikit ng mariin. At itinaas ang kamay niya at itinapat kay Blade.

"Allyson stop that, ikakamatay mo yan." pigil na sigaw ni Serena sakanya. Dahil unti-unti na niyang naiintindihan ang pinaplano ni Allyson.

Pero hindi nakinig si Allyson at nagfocus sa ginagawa niya - she is doing a spell to give all her power to Blade at para matalo neto ang pagkalat ng cursed blood sa katawan niya.

At sa oras na mawala ang kapangyarihan niya sakanya ay ikakamatay niya ito.

At sa malayo nakita ito ni Charm at nataranta siya at agad niya naintindihan ang pinaplano ng kanyang anak. Kaya mabilis siyang naglaho papunta sa pwesto ni Blade, at unti-unti na ring bumabagsak ang mga luha niya.

"Allyson, anak don't do this anak." umiiyak na pakiusap ni Charm sa anak. At dahil dun ay naluha si Allyson pero desidido na talaga siya sa gusto niyang gawin.

"Allyson, makinig ka samin please. Hindi mo kailangan gawin - ikakamatay mo to." sambit ni Headmistress Mika sakanya. Pero nagpatuloy lang si Allyson at sabay na itinaas ang kanyang kamay ng makuha lahat ng enerhiya niya. At tsaka siya sumigaw at nagliwanag. 

"Ere y kapangyarihan ialay kay Blade. Ako ay handang tanggapin ang kamatayan." mariing sambit ni Allyson at nagliwanag ang buong paligid dahil dun kaya napalingon ang lahat sakanila pero patuloy pa din silang lumalaban at isa-isang nagbagsakan ang luha at dahan-dahang lumabas lahat ng kapangyarihan niya sa katawan.

At pumasok eto sa katawan neto at pinigil ang pagkalat  ng cursed blood sa katawan ni Blade.

"What the hell? Anong ginagawa niya? Is she sacrificing herself for Blade?" di makapaniwalang sambit ni Francine. Ilang beses na rin siyang napapamura sa nakikita niya ngayon.

"Ikakamatay niya yang ginagawa niya, Francine. Paano niya ba naisip yan?" umiiling na sambit ni Jaryl habang patuloy na lumalaban pero nandun ang tingin kina Blade.

Nagpatuloy ang pagpasa ng kapangyarihan at lakas ni Allyson kay Blade at ng maramdaman ito ay doon tuluyang nagbagsakan ang kanyang mga luha.

"Allyson, don't do this. Stop this!" nahihirapang pakiusap ni Blade sakanya. "Please, I'm begging you." he shouted kahit hirap na hirap.

Pero nagpatuloy si Allyson at pagkatapos maipasa lahat ng kapangyarihan ay bumagsak sa lupa si Blade senyales na napigilan ang cursed blood sa sistema niya kaya galit na bumalik si Rave sa pwesto niya at galit na pinasugod lahat ng kawal niya. 

At kasabay na pagbagsak sa lupa ni Blade ay pagbagsak ni Allyson sa lupa na agad sinalo ng kanyang Ina at umiyak ito.

"Allyson, my princess. Bakit mo ginawa yun?" umiiyak na sambit ni Charm sa anak. Lumapit sakanila si Blade at hinawakan sa mukha si Allyson.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now