Kabanata 39

81 6 0
                                    

Brylle

Sobrang daming naging pagbabago sa buhay ko, ng ipasok ako ni Tito Justine sa showbiz. Nakilala ako ng sobra but during my stay with Tito Justine madami akong bagay na napapansin between us.

It's like a big similarity.

Madami rin nagsasabi sa mga taping namin na magkamukha raw kami ng sobra. But I just recently know Tito Justine hindi ko siya kilala, so bakit kamukha ko siya?

"Jaxon? Be ready okay. Itatake na ang next scene later. Pakimake sure na saulado mo yung script." biglang sulpot ni Tito Justine. Yes sa kahit anong project na pinapasok ko, siya ang director. Gusto daw niya kasi ako mamonitor, manager ko din kasi siya.

Ilang buwan na kami dito sa taping set halos walang uwian. Dahil after this taping may mga tv commercial, taping ng teleserye at liveshow pa kong pupuntahan ganun ka kumplikado yung schedule ko.

Sabi kasi ni Tito baka raw makatulong ang pagiging sobrang busy ko to regain my lost memories.

Kaya pumapayag ako, wala namang mawawala kung susubukan. Kaysa naman daw sa tatambay lang ako sa bahay.

"Yes, tito. Susunod nalang ako, ilalast check ko yung script baka kasi may nakaligtaan ako." sagot ko kay Tito kaya tumango siya at umalis na sa tent ko.

Mabilis din kasi ako matuto, kaya hindi nahirapan si Tito iguide at turuan ako kaya din maraming offer ang dumadating sakin.

So who I am to decline it.

Sa mabilis na paglipas ng araw, sobrang naging kilala talaga ako dahil na rin sa galing ko sa pag-arte at sa tambak na projects ko. And that's all thanks to Tito Justine.

Nagpapasalamat talaga ako at siya ang nagkupkop sakin.

Blade

Ilang linggo na lumilipas pero hindi pa din bumabalik sina Tita Yana at Jaryl, I must say na sobra silang nahihirapan hanapin yung tatlo.

Ganun ba kalaki mundo ng mga tao?

Kasalukuyan pa din kaming sinasanay ni Headmistress Mika. At sobra pa din akong nahihirapan kontrolin ang sarili ko, it's hard to accept that I'm a cursed child.

Sinumpa akong maging pusa at mawalay sa Nanay ko.

Naikwento na rin sakin ni Headmistress Mika that nung huling digmaan kasama sa namatay ang Tatay ko. At sobrang devastated ang Nanay ko because of that. At after ng digmaan hindi na daw nila nakita ang anino ng Nanay ko.

Nakakalungkot lang na kung kailan alam ko na lahat at nakabalik na ko dati kong anyo. Hindi ko man lang agad nakita ang Nanay ko dahil hawak siya ng kalaban.

Isa lang ang alam ko sa mga oras na to, even if I'm the cursed child they say. I will do everything to save my Mother. I really wanted to meet her and know her.

"Kanina pa tayo dito, Ally. Ang bagal mo pa din kumilos. You will be the first one to died kung hindi ka magfofocus." Jennifer shouted. Kanina ko pa sila pinapanood, pero hanggang ngayon hindi pa rin makuha-kuha ni Allyson yung tinuturo ni Jennifer.

Makailang beses ko na rin narinig si Headmistress Mika na binubulong na manang-mana daw si Jennifer kay Tita Jenny, walang duda raw na nakuha nito ang ugali ng nanay niya. Kasi hindi naman daw ganyan ang kapatid niya na si Tito Andrei.

"Jennifer, stop shouting. Napepressure sayo yun tao." saway ni Headmistress Mika sakanya.

"Nakakapikon kasi Tita eh, nakailang ulit na ko. Hindi pa din niya makuha." inis na saad ni Jennifer.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now