Kabanata 32

78 6 0
                                    

Kyline

After nung nangyari kay Blade, kinabukasan ay nagpatuloy kami sa paglalakbay. At natigilan kami ng may makita kaming dalawang tulay.

"Anong tulay yan? Bat dalawa?" tanong ni Kuya Gabriel.

"So saan tayo dadaan diyan?" tanong naman ni John.

Dalawang bridge siya at parehas hindi matanaw kung anong nasa kabilang dako. Kaya pare-parehas kaming di alam kung anong meron sa kabilang dako.

"Nadaan namin yan nung galing kami ni Yana sa Alcania, and ang alam ko nagpapabago-bago ang kada tulay. So if dadaan tayo sa dinaanan namin ni Yana hindi kami sure kung daan papuntang Alcania ang labas nun. Dahil ang isang tulay diyan ay way sa mundo ng mga tao, at once na maling bridge madaanan mo at mapunta ka sa mundo ng mga tao, your memory will be lost.." sandaling tumigil sa pagpapaliwanag si Headmistress Mika at tsaka tiningnan kami isa-isa. "..and you will be totally forget about Normsantandia, even your own self." dagdag pa niya dahilan para makaramdam kami ng kaba pare-parehas.

At may pinto kasi sa gitna ng mga bridges. Kita lang sa labas yung dalawang bridge pero hindi kita may mga harang yung daanan padaan sa mga kada bridges.

"At hindi tayo pwedeng sabay-sabay pumasok sa loob para tumawid sa napiling bridge. So guys be careful on choosing the bridge kung ayaw niyong mawalan kayo ng alaala." sabi naman at paliwanag ni Tita Yana samin.

So we need to think careful kung anong bridge pipiliin namin. Sobrang hirap naman neto. What if I choose the wrong bridge? What will happened to me?

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Brylle kaya napalingon siya sakin.

"Kyline, whatever happened at kung ano mang tulay ang piliin natin. Please always remember that I love you." he whispered on me.

"I love you too, sana tamang bridge mapili natin." bulong ko sakanya.

"Okay everyone, pumasok na kayo isa-isa." sabi ni Headmistress Mika. At isa-isa na nga silang pumasok.

Ng si Jaryl na ay sumulyap siya sakin.

"Kyline, please choose the right bridge. Hindi ko alam gagawin ko if magkamali ka." bilin ni Jaryl sakin.

"I will try my best, ikaw din choose the right bridge." sagot ko sakanya pabalik kaya pumasok na siya sa loob.

At sumunod naman sakanya si Francine, at may mga iba pang sumunod hanggang sumunod na ko, nauna na ko kay Brylle kasi pinauna na niya talaga ako. At pagpasok ko ay matagal pa ko bago nakapili at kinakabahang pumasok sa pinto ng isang bridge at naglakad papasok roon. At sobrang ganda pala ng bridge, it was gold.

Habang naglalakad ako sa bridge ay biglang sumakit ang ulo ko at parang may nawala sa akin. Patuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa nawalan ako ng malay at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa isang damuhan.

Pinilit ko imulat ang mata ko pero di ko magawa dahil sobrang nanghihina ako.

At tsaka ako tuluyang nawalan ng malay.

Jaryl

Pagtawid ko sa bridge na napili ko ay bumungad sakin ang mga kasama namin. Maya-maya pa ay sumunod na ang iba pa sakin. At ang huling tumawid si Headmistress Mika at Tita Yana. Panay pa ang lingon ko sa Bridge pero hindi ko makita ang pinsa ko.

"Tita Yana? Nandun pa ba sina Ky? Wala pa sila dito eh." tanong ko agad sakanila. Dahil umatake agad ang pag-aalala ko. At nakaramdam din ako ng kaba, na parang feeling ko at nasa di magandang lagay si Kyline.

Savage SandiwaOnde histórias criam vida. Descubra agora