Chapter 45

22.6K 390 41
                                    

“Okay. Here goes.”, mahinang bulong ni Alyssa sa kanyang sarili.

Naroon sya sa opisina ni Dennise ngayon para sana sunduin ang dalaga.

Kanina pa sya nandoon pero hindi nya magawang pumasok dahil sa kabang nararamdaman. Ngayon ang araw na magpo-propose sya dito.

“Kaya mo yan, Alyssa! Mayabang ka e. Tatanungin mo lang naman sya mamaya kung papaya syang magpakasal sa’yo. Maliit na bagay.”, pagpapatuloy pa nya.

Dahan-dahan syang naglakad papunta sa table ni Trina, nakaplaster ang isang ngiti.

“Hey, Trina. Andyan na ba si Den sa loob?”

“Aly! Ah, oo. Actually, kararating lang nya galing sa huling meeting nya for today.”

“Pwede ba akong pumasok?”

“Syempre naman. Ikaw talaga. You can go in anytime.”, nakangiti nitong sabi sa kanya.

“Thanks, Trins. May pasalubong kang chocolate pag-uwi namin galing Amerika.”, biro nya dito.

“Ito naman. Wala ‘yon. Pero sana si George Clooney na lang ang ipasalubong mo.”

“Ay sayang. Hindi ko naging ka-close si George Clooney e. Hanggang kay Bradley Cooper lang ako.”

Napatawa naman ito sa sinabi nya.

“Sige, Trins. Pasok na ako.”

Tumango na lang ang sekretarya habang tumatawa.

Nadatnan nyang kumakain ng fries si Dennise pagkapasok nya. Hindi pa yata siya nito napansin kaya tumikhim sya.

“Eherm!”

Agad naman itong napatingin sa gawi nya. Kita nya ang pagkislap ng mga mata nito.

“Ly!”

Awtomatikong napangiti sya.

“Hey. Mukhang gutom ang baby ko ah.”

“Nakaka-stress kasi yung ka-meeting ko kanina. Andaming demands. Andaming sinasabi.”

Lumapit sya dito at iniabot ang dalang mga bulaklak.

“Magawa kaya ng mga bulaklak na itong pagaanin ang loob ng aking minamahal?”

Den giggled as she gets the flowers from her.

Lumapit pa ito sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

“How are you feeling? Hindi na masakit ang ulo mo?”, tanong nito sa kanya.

Tumango sya habang hinihila ito para maupo sa sofa.

“Buti na lang talaga nawala yung sakit ng ulo ko dahil kung hindi, habangbuhay kong isusumpa ang mga kumaladkad sa akin sa bar kagabi.”

Hindi na sya sinagot ng dalaga sa halip ay humilig na lamang ito sa kanya.

Hinalikan nya naman ang buhok nito.

“Wala ka na bang trabahong tatapusin?”, kapagkwan ay tanong nya kay Dennise.

“'La na.”

“Wala ka na bang meeting?”

Umiling ito.

“Come with me.”

“Saan?”

“It’s a surprise.”

“Okay. Magtatagal ba tayo? Hindi pa kasi ako nakakaempake. Maaga yung flight.”

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon