Chapter 22

24.5K 292 10
                                    

“Nakakatamad ang walang pasok!”

“De Jesus.”, saway ni Jia kay Ella. Paano naman kasi bigla-bigla na lang itong sumigaw habang nagbabasa ng librong hiniram nito kay Jia.

Napayuko naman si Ella. Natakot siguro kay Jia. “Sorry, ate Ji.”

Natatawa sya sa hitsura nito.

“Wag ka kasing nag-iingay kapag andito si shuchou, Ellang maliit. Baka gawin kang bonsai nyan.”, kantyaw nya dito sabay tawa.

“Whatever, Den. Wag mo akong ijina-japanese.”, ingos nito sa kanya.

“Hahaha.”

“Anong nangyayari dito?”

Napalingon sila sa pinto nang may magsalita.

“Ly.”, tawag nya dito.

Lumapit sa kanya si Alyssa at hinalikan sya sa pisngi. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi nya.

“Mukhang nagkakatuwaan kayo a.”, sabi nito sa kanya.

“Hindi naman. Natawa lang ako sa hitsura ni Ella kasi napagalitan sya ni ate Jia. Ang ingay nya kasi.”

Tumingin ito kay Ella.

“Talaga nga naman, Ells. Saludo ako sayo. Lakas!”

Inirapan lang naman ito ni Ella.

“Hahaha.”

Bumaling si Alyssa kay Jia.

“Nga pala, ate Ji. Tumawag sa akin si Luke kanina, hindi ka daw kasi nya ma-contact e. Susunduin ka daw nya mamayang 6pm.”

Napatingin naman si Jia sa cellphone nito. “Aish! Nalimutan ko palang i-charge!” Dali-dali itong umakyat ng hagdan. Naiwan naman silang tatawa-tawa. Ngayon lang nila nakitang ganon ang kapitan nila. Mukhang tinamaan talaga kay Luke.

“Kumusta si Dave?”, tanong nya kay Alyssa. Lumabas kasi ito para makipagkita sa pinsan nitong si Dave.

Sumimangot ito. “Bakit mo sya kinukumusta?”

Inakbayan nya ito. “Hahaha. Joke lang.”

 Ngayon nya lang napansin ang laptop nitong dala.

“Laptop na naman? Let me guess, sira yan no?”

Tiningnan nito ang dalang laptop. “Ah. Oo. Kay Dabido to e. Nakipagkita lang pala para gawin akong technician ng laptop nya.”

“E diba hobby mo naman yan. Ang magkutingting.”

“Oo nga.”, sabi nito sabay ngiti ng maluwang.

“Para kang baliw. Sisimangot ka tapos ngingiti. Ano ba talagang gusto mo, ang maging CpE o computer technician?”

“E hardware and software naman ang computer engineering kaya keri na yon.”

“Hoy, Alyssa. Bakit wala kang dalang pasalubong? Binantayan namin yang si Denden.”, sabi ni Ella dito.

Napakunot sya ng noo. “Binantayan?”

“Wala yon.”, sabi ni Alyssa sa kanya. Bumaling ito kay Ella. “Oo nga pala. Andoon sa kotse. Kunin mo.”

Hinawakan ni Alyssa ang kamay nya nang makaalis si Ella. Pagkatapos ay hinalikan sya nito.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now