Chapter 27

21K 278 17
                                    

“Did you break up with her?”, tanong agad sa kanya ni Rayne nang magkita sila nito. Sinamahan sya nito para pumili ng damit na isusuot nya sa engagement party.

“No. Hinding-hindi ko gagawin yon.”

Ilang linggo na din nitong pinauulit-ulit sa kanya ang tanong na yon kaya nasanay na din sya.

Dennise, next week officially engaged na tayo! Hanggang kailan mo balak makipagrelasyon sa kanya? Hanggang sa makasal tayo?”

“At hanggang kailan ko ba uulitin na hindi ako magpapakasal sayo?! Wala akong pakialam sa mangyayari next week. Hindi tayo makakasal hangga’t hindi ako nakaka-graduate. May panahon pa ako para mag-isip ng dahilan para hindi matuloy ang kasal.”

“You know that’ll not happen. Magpapakasal ka sa akin kahit anong mangyari.”

Hindi nya talaga maintindihan ang lalaking ito. Sinabi nito sa kanya na hindi ito sang-ayon sa ginawa ng mga tatay nila pero ayaw nitong gumawa ng paraan para mabago ang isip ng mga ito. Pinipilit pa nitong kailangan nilang makasal.

“Tell me Rayne, bakit ba gustong-gusto mong makasal sa akin? Hindi mo naman ako mahal. Ni hindi nga tayo magkasundo. Pero bakit ipinipilit mong dapat makasal tayong dalawa?”, tanong nya.

He let out a deep sigh.

Rayne, ano ba? Trip mo lang ba na pahirapan ako? Hindi biro ang pagpapakasal, Rayne. Hindi yon ginagawa dahil lang sa trip mo.”, napipikang sabi nya dito.

Sinabi nito sa kanya dati na may sariling dahilan ito kung bakit nito gusto makasal sila pero hanggang ngayon ay hindi nito iyon sinasabi sa kanya.

“I’m doing this for my girlfriend.”, mayamaya’y sabi nito.

Nasamid sya sa hinihigop na shake. Inihit sya ng ubo.

“Hey, Dennise, are you alright?”, tarantang tanong nito. Dumukwang pa ito para hagudin ang likod nya.

“Yeah. Yeah. I’m alright.” Nagulat sya sa sinabi nito. May girlfriend pala ito.

Bumalik ito sa pagkakaupo nito.

“M-may girlfriend ka?”

Ngumiti ito. “Yeah.  Her name’s ‘Angelique’. We’ve been together for 3 years.”

“P-pero bakit gusto mong magpakasal kung may girlfriend ka? Hindi mo na ba sya mahal?”

“No! I love her and I’ll love her forever!”

“Pero bakit?”

“I have to do this for her.” Nagitla sya sa nakita nya. Nangingilid ang luha ni Rayne! “She’s sick.”

Hindi sya umimik. Hinayaan nyang magpatuloy ito sa pagkekwento.

“Two years na syang may brain tumor. And two years ko na din syang sinusuportahan para gumaling sya. Pero lately, hindi ko na kinakaya kaya humingi ako ng tulong sa daddy ko.” Pinunasan nito ang namumuo nitong luha sa mata.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now