Chapter 15

29.8K 323 9
                                    

Nagising si Den dahil sa kung sinong umiihip sa mukha nya. Dahan-dahan syang nagmulat ng mata.

Nakangiting mukha ni Alyssa ang bumungad sa kanya. “’Morning beautiful.”

Napangiti sya. “’Morning.”

Yumakap sya dito at saka pumikit uli. “Ang aga mo yata nagising?”

Nilaro-laro nito ang buhok nya. “Well, sort of. 9am ako nagising e.”

Napakunot sya ng noo. 9am? Diba medyo tanghali na din yun?

“Anong oras na ba?”, tanong nya.

“Past eleven.”

Napabigla sya ng bangon. Mukha namang nagulat si Alyssa sa ginawa nya. “Eleven?! Bakit hindi mo ako ginising? Baka mamaya sabihin ng family mo masyadong akong matakaw matulog. Baka mainis sila sa akin.”

Napatawa naman si Alyssa. “Paranoid ka na naman, Den. Sila nga ang may sabing wag muna kitang gisingin, tsaka nag-eenjoy pa akong tingnan ka habang natutulog. Sobrang cute mo.”

Inirapan nya ito kunwari pero ang totoo kinikilig na sya. Kahit simpleng hirit ni Alyssa kinikilig sya. Malakas ang tama ko. Haha.

“Maligo ka na, Den. I’ll wait for you downstairs. Lunch na e.” Tumayo na ito para lumabas.

“Wait, Ly!” Lumingon ito sa kanya.

“Yes, baby?”

“Wala akong damit na pamalit.”, sabi nya. Hindi naman kasi nya alam na doon sya tutulog kaya hindi sya nakapagdala ng gamit.

Ngumiti ito. “Halungkatin mo yang closet. Parehas naman tayong sexy kaya kasya sayo ang mga damit ko.”

“Yabang.”

Kumindat lang  ito sa kanya. “I’ll wait for you downstairs.”, sabi ni Alyssa saka lumabas.

- - - - - - - - - -

Bumaba na si Den nang makatapos syang maligo. Dahan-dahan pa syang bumaba dahil nag-alala syang baka makita sya ng parents ni Alyssa. Pero si Alyssa lang ang nakita nya sa sala. Nakaupo ito sa sofa at nagbabasa ng aklat.

Napansin sya nitong bumababa. Napangiti ito. Suot nya ang isang ‘Sherlock Holmes’ t-shirt at walking shorts ni Alyssa.

“Come here. Sabi ko na kasya sayo ang mga damit ko e.” Hinalikan sya nito sa pisngi. “Ingatan mo yang ‘Sherlock’ shirt ko ha. Ipinagkakatiwala ko yan sa’yo kasama ng puso ko.” Favorite kasi ni Alyssa si Sherlock Holmes.

Nag-init ang mukha nya, pakiramdam nya ay pulang-pula sya. Hinampas nya ito sa braso. “Ang aga-aga, bumabanat ka.”

“Hahaha. You’re flushed. Ang cute mo.”

“Whatever. Nasaan pala ang parents mo? Bakit parang wala sila.”, pag-iiba nya ng usapan.

“Oh, yeah. Umalis na sila. Si Papa, pumasok sa office tapos si Mama lumabas kasama sina tita.” Tumayo ito at hinawakan sya sa kamay. “Let’s eat. Baka magalit sina Mama kasi ginugutom kita. Hindi ka pa naman nakapag-breakfast kanina.”

Hinila sya nito sa kitchen at inalalayang umupo. Ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato nya. Balak pa sya nitong subuan.

Sobra na syang kinikilig at pakiramdam nya ay sasabog na ang puso nya kaya pinigilan nya ito. “Babe, hindi mo na ako kailangang subuan.”

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now