Chapter 18

30.2K 339 7
                                    

“Den! Bilisan mo!  Baka ma-late na naman tayo!”, sigaw ni Alyssa sa kanya. Nauna na ito sa kanya sa baba dahil hinanap nya pa yung notes nya.

One month na nang magsimula ang second sem. At isang buwan na ding hindi nagpaparamdam si Rayne sa kanya. Pati ang papa nya ay hindi na rin nya nakakausap simula nang magkasagutan sila sa opisina nito. Nakahinga sya nang maluwag dahil doon. Hindi na nya masyado iniisip ang mga ito.

“Andyan na!”, sabi nya. Dali-dali syang bumaba dahil male-late na silang talaga. Bakit kasi ngayon pa nasira ang letseng alarm clock na yon.

“Ambagal mo talaga.”, sabi sa kanya ni Alyssa nang makababa na sya. Nagpatiuna na itong lumabas.

“E hindi ko mahanap yung notes ko e. Nakapag-review ka ba kagabi? Gabi ka na naman umuwi.”

May quiz sila ni Alyssa sa Environmental Engineering. General engineering subject yon kaya naging magkaklase sila.

“Pwede na. Nabaliw na naman sina Derick kagabi e. Hindi kami agad nakapaggawa ng design project kaya ginabi na ako.” Lumingon ito sa kanya. “Diba tumawag naman ako sayo kagabi?”

“E, oo nga. Kaso sobrang antok na ako kagabi kaya hindi ko na masyadong naintindihan yung sinasabi mo.”

Sumabay ito sa kanya at pasimpleng binunggo ng kamay nito ang kamay nya. Napatawa naman sya.

“Ly, alam mo para kang mandurukot.”

Tumingin ito sa kanya. “At bakit naman?”

“Kasi lagi ka na lang pasimple. Pwede naman tayong mag-holding  hands nang hindi ka sumisimple dyan.” Sya na mismo ang kumapit sya kamay nito.

Napakamot ito ng batok. “E kasi, baka makahalata sila diba. Hindi naman kasi tayo naghahawak ng kamay noon kahit mag-bestfriend tayo.”

“Hayaan mo sila. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Bakit ayaw mo  ba? Sige, wag na lang.”

Hinigpitan ni Alyssa ang kapit nito sa kamay nya.

“Wag kang ano dyan. Wala akong sinasabing hindi ko gusto.” Hinila na sya nito. “Bilisan mo, mababadtrip na naman si Engr. kapag na-late tayo. Kahit crush ako non, ayaw pa rin nong may nale-late sa klase nya lalo na ngayon at may quiz. Sobrang hardcore pa naman non maimbyerna.”

Napatawa sya. Crush kasi ito ng fresh grad nilang prof. “Ang yabang mo talaga. Parehas kayo.”

“Pero mahal mo naman ako. Wag ka nang magselos. Sayo pa rin ako kahit gwapo si Sir Nel.”

- - - - - - - - - -

“Uh. Nahihilo ako, Den. Ansakit ng brain cells ko.”

Napatawa sya sa drama ni Alyssa. May paghawak pa ito sa noo bago sumandal sa kanya.

“Wag kang feeling. Nahirapan ka lang sa quiz.”, sabi nya dito. Katatapos lang kasi ng quiz nila.

“Bakit, ikaw ba hindi nahirapan?”

“Hindi masyado.”

“Mayabang. Bakit hindi mo ako pinagaya?”, nakasimangot nitong tanong.

“Paano kitang pagagayahin e nasa kabilang dulo ka ng room. Letsugas kasing alphabetical arrangement yan.”

“Get a room. Wag kayo dito maglampungan sa daan. Kakasuhan ko kayo ng frustrated murder.”

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon