Chapter 9

31.9K 409 4
                                    

“Guys punta muna kayo dito.”

Narinig ni Den si Jia na tinatawag sila kaya tumayo sya mula sa kinauupuan. Wala kasi si Alyssa ngayong training dahil finals na bukas at kailangan nitong tapusin ang design project research nito kasama ang mga ka-grupo.

1 week na rin simula nang magkaaminan sila ng feelings nila sa isa’t-isa at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala. Hindi nya akalaing ang bestfriend nya nang tatlong taon ay girlfriend na nya ngayon. Mas lalo tuloy itong naging sweet at caring sa kanya although hindi nila masyadong ipinahahalata dahil pareho nilang napagdesisyunan na wag na munang sabihin sa mga teammates nila at sa mga kakilala na may relasyon sila. Si Jia lang ang tanging nakakaalam. Natatakot kasi sya sa mga maaaring reaksyon ng mga tao. Hindi pa sya handa. Lalo na at baka malaman ng mga magulang nya. Baka mangyari sa kanya ang nangyari kay Joseph noong nalaman nila na lalaki din ang gusto nito.

“We’ll be having a team vacation after the final exams.”, sabi ni Jia nang makalapit na sila.

“Wow! Talaga ate Jia? Saan?”, tanong ni Marge.

“Puerto Galera.”

“Yown! Na-excite tuloy akong mag-exam.”, sabi ni Ella.

“Oo nga. Mag-advance na kaya tayo. Tara na mag-exam ngayon para matapos na agad.Hahaha.”, sabi naman ni Mae.

“Puro talaga kayo kalokohan. Sige, tara na mag-exam.”, hirit naman ni Bea.

Napatawa na lang silang lahat.

- - - - - - - - - -

9pm na pero hindi pa rin umuuwi si Alyssa. Nag-aalala na si Denden. Tinatawagan nya ito pero nakapatay ang phone nito.

Antagal naman non.

Hindi nya naitanong kung sinong mga ka-grupo nito. Kilala nya na kasi ang mga kaklase nito dahil anim na lang ang mga itong 4th year CpE.

Maya-maya ay may narinig syang ugong ng sasakyan. Sumilip sya sa bintana at nakita nyang si Alyssa na papasok na ng dorm.

Thank you Lord, dumating na rin. Hindi muna sya umalis sa tapat ng bintana. Maya-maya ay narinig na nya itong pumasok ng kwarto.

“You’re still up? Diba maaga ang exam mo bukas?”, tanong ni Alyssa sa kanya.

“I was waiting for you. Bakit ginabi ka na? Diba sabi mo hanggang 7 ka lang. 9pm na e. Nakapatay pa ang phone mo, akala ko kung saan ka na napadpad.”, nakatalikod pa rin sya dito. Naramdaman nya itong lumapit sa kanya. Niyakap sya nito sa bewang.

“Sorry. Late na kami nakapag-start kasi antagal dumating ni Celestine tapos nalimutan ko pang i-charge yung phone ko. Sorry talaga.” Alyssa kissed her cheek.

“Okay. Next time lagi mo nang i-charge ang phone mo. Pinag-aalala mo ako e.”

“Roger that.”, sabi nito.

“Good. Let’s sleep na.”

“Wait. Let’s stay this way for 5 minutes. Napagod ako e.”

“Kaya nga dapat matulog na tayo.”, sabi na lang nya pero hinayaan nya na lang din ito.

Maya-maya naramdaman nyang hinahalik-halikan sya ni Alyssa nang dahan-dahan sa balikat. Biglang nag-init ang pakiramdam nya at nagtayuan ang balahibo nya sa batok. Nakasando lang sya kaya ramdam na ramdam nya ang init ng hininga nitong tumatama sa balat nya. Pagkatapos unti-unting umakyat ang halik nito papunta sa kanyang leeg.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now