Chapter 24

24.7K 291 10
                                    

“Ang tagal naman ni ate Jia. Excited na akong mag-Zambales.”

“Wow ha. Nae-excite kang magtraining camp?”, tanong nya kay Ella.

Pupunta sila sa Zambales para magtraining camp. Nakaupo sila ngayon sa may labas ng dorm para hintayin si Jia. Ang iba nilang teammates ay nasa sasakyan na pati si Alyssa dahil nakatulog na ito agad bago pa man sila umalis.

“Sa training, hindi masyado pero sa Zambales, oo.”, sabi nito habang nakahalumbaba.

“Ahuh.”

Sabay silang napatawa.

“Tara na. Nagtatawanan pa kayo dyan. Iiwanan namin kayo.”

Nagulat sila nang magsalita si Jia sa tabi nila. Hindi nila namalayan na nakabalik na pala ito.

“Kami pa ang iiwanan mo, e ikaw na nga itong sinamahan ay inintay namin. Ikaw talaga ate Ji.”, sabi nya dito.

Tumayo na sila at naglakad papunta sa sasakyan.

“Ano bang tinira nyang si Valdez kagabi at maaga pa lang e KO na yan?”, tanong ni Jia sa kanya nang makasakay sila. Nasa unahan nakaupo si Jia samantalang sila naman nina Mich at Kim ang nasa kasunod nito. Ang coach nila ay dinala ang sarili nitong sasakyan kaya hindi nila kasabay ito.

Napasulyap sya kay Alyssa, nakatuon ang ulo nito sa bintana ng sasakyan habang tulog na tulog.

“Hindi ko din alam dito. Hindi yata nakatulog sa sobrang excitement.”, nangingiti nyang sagot kay Jia.

“Baka naman may ginawa kayong miracle kagabi kaya napagod yan.”

Nag-init ang pisngi nya sa sinabi nito. “H-hindi no. Nauna nga akong matulog dito e.”

Hinawakan nya ang ulo ni Alyssa at isinandal sa balikat nya. Nauuntog na kasi ito sa may bintana. Pero dahil sa mas matangkad ito sa kanya ay parang sa ulo na nya nakasandal ang ulo nito imbes na sa balikat nya.

Natawa naman si Jia sa kanya. “Nagtatanong lang naman. Wag kang umiyak.”

- - - - - - - - - -

“Ly. Andito na tayo. Gising na.”

Hindi pa rin tumitinag ito. Simula nang umalis sila sa dorm hanggang sa makarating sila sa Zambales ay tulog ito. Kanina pa nya ito ginigising pero ayaw talaga nitong magising. Nauna na ngang pumasok ng hotel ang mga kasamahan nila.

“Ly naman, gumising ka na.”, nagmamakaawa na ang boses nya dahil talagang kanina nya pa ito sinusubukang magising. May 15 minutes na rin nya sigurong tinatapik-tapik ang mukha nito at niyuyugyog ang balikat nito pero hindi pa rin ito magising.

Tinapik-tapik na nya uli ang pisngi nito nang bigla nitong hawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisngi nito. Nagulat sya sa ginawa nito, muntik na syang mapasigaw.

Hinampas nya si Alyssa sa balikat gamit ang isa nyang kamay. Hindi pa rin naman ito nagmumulat ng mata.

“Gising ka naman pala. Pinahihirapan mo lang ako dito.”

Ngumiti ito at hinalikan ang palad nya.

“Kagigising ko lang. Ang sakit na ng pisngi ko e.”, sabi nito sa kanya.

“Sauce. Tara na. Nagpapahinga na sila sa mga kwarto nila pero tayo andito pa rin.”

Binawi nya ang kamay nyang kapit para hilahin ito gamit ang dalawa nyang kamay.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon