Chapter 10

37.8K 426 14
                                    

“Woohoo! Puerto baby, I’m comin’ fa ya!”,sigaw ni Ella habang nag-aayos sila ng gamit sa sasakyan.

“Gods, Ells. Kanina ka pa sigaw nang sigaw mamaya ibabaon ka na ni ate Jia nang buhay.”, saway nya kay Ella. Kanina pa kasi ito sigaw nang sigaw. Mukhang hindi nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement.

“Wa kang carefree, Aly. Naiinggit ka lang. Doon ka na nga kay Den, sulitin nyo ang mga oras na magkasama kayo.”, nginisihan pa sya nito.

Napakunot ang noo nya. “What do you mean?”, tanong nya dito. Hindi ito sumagot at tinalikuran na lang sya.

Naiiling na lumapit sya kay Denden na ngayon ay nakaupo sa sofa at chinecheck ang gamit nito. Nakita nitong nakakunot ang noo nya.

“Anyare? Andaming layers ng noo mo.”, tanong nito sa kanya.

“Si Ella para na namang sira, kung ano-ano na namang sinasabi.”

“Bakit, ano bang sinabi?”

“Sulitin ko daw ang oras na magkasama pa tayo.” Umupo sya sa tabi nito.

“Sauce. Inaasar ka lang non.”

She reached for her hand . Tumingin ito sa kanya. “Baka may makakita.”, sabi nito.

“Wala yan. Iharang mo yung bag mo sa gitna natin para hindi kita.”, sabi nya.

Ginawa naman nito ang sinabi nya. “Sabi ni Ella enjoyin ko daw ang bawat oras na kasama ka e. Gagawin ko na ngayon.”, sabi nya dito.

Maya-maya tinawag na sila ni Jia. Aalis na pala sila.

Pinauna nyang sumakay si Denden bago sana sya pero biglang sumingit si Marge, Ella at Bea. Inunahan sya ng mga itong sumakay sa van.

“Hoy! Ako jan! Magsitabi kayo!”, sabi nya sa mga ito. Dapat magkatabi sila ni Denden.

“At bakit? May pangalan mo tong upuan?”, sabi Marge sa kanya. Tumingin ang mga ito kay Denden. “Hi Den.”

“Naman kayong three stooges talaga kayo. Tabi na kasi.”

“Gusto namin sa pwesto na to. Dun ka na lang sa tabi ni ate Jia.”, sabi ni Bea.

Sumingit si Den. “Wait. Bababa ako.”

Pero hinarangan ito ni Ella. “Wag ka nang bumaba. Paalis na tayo.”

Tiningnan sya ni Denden. Tumango na lang sya dito. Tumabi sya kay Jia sa unahan ng van at humalukipkip.

“Hindi ka nakapalag sa tatlo noh? Kawawa ka naman.”, sabi nito sa kanya sabay tawa.

“Some friend you are. Hindi mo man lang ako sinuportahan. Two hours ko tuloy hindi makakasama si Denden.”

“Tinatamad ako e.”, sabi nito sa kanya.

“Nakakainis!”

Maya-maya ay tinext sya ni Denden. Hindi nya kasi ito makita dahil sa likod ng sasakyan ito nakapwesto na dapat sana ay pwesto din nya.

-Okay ka lang dyan?

--Yeah. Medyo. Namimiss na kita.

-Hahaha. Kaw talaga. Isang oras pa lang tayong magkahiwalay miss mo na agad ako. Wag mo akong pakiligin agad baka masabunutan ko tong tatlong imbyernang frogs sa tabi ko. Hahaha.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now