Chapter 25

25.6K 306 17
                                    

Nagising si Denden na walang Alyssa sa tabi nya, sa halip ay isang note ang nakita nyang nakapatong sa lugar kung saan ito nakahiga.

Good morning, baby. Nakakainis hindi ko nakita ang paggising mo. Si ate Jia kasi hinila na ako agad pababa para magkape.

Andito kami sa resto, I’ll wait for you.

Love you.

Napangiti sya. Dali-dali syang naligo at nagbihis. Agad nyang pinuntahan sina Alyssa sa restaurant na kinainan nila kagabi.

Kabababa pa lang nya ng hotel nang mag-ring ang telepono nya. Dali-dali nya itong sinagot sa pag-aakalang si Alyssa ang tumatawag.

“Ly—”

“Oops! Sorry to disappoint you, honey. I’m not Alyssa.”

“R-rayne?”

“Aw, nakakatouch. Buti naman naalala mo pa ang boses ko.” Tumawa ito ng pagak. “If your looking for your girlfriend, I can see her from where I’m seating, enjoying her cup of coffee. She has a bright smile, ha. I wonder what will happen to that smile kapag nalaman nyang you’ll be engaged in a month’s time.”

Kinabahan sya. From where I’m seating? Andito sya?

“Cat got your tongue, honey? I bet you’re thinking kung nasaan ako. Good news! I’m breathing the same air you’re breathing. And I’m enjoying the same cup of coffee, your dearest girlfriend is sipping.”

“P-paano mo nalaman na andito kami?”, sa wakas ay tanong nya dito.

“Come on. Are we gonna talk over the phone all day? Why don’t you see me first and then we’ll talk?”, sabi nito sa kanya.

Bumangon ang pagkainis nya dito. “Why don’t you go to hell?”

“Wow. Is that how you treat your fiancé? One month kita binigyan ng peace and quiet tapos ginaganyan mo ako. I’m hurt.”

“Rayne—”

“Okay. I’m just going to call Hades’ ferryman, Charon. I’m going to hell as you wish. But I might drag Alyssa with me. You know what I mean, honey?”

Alam nya ang ibig sabihin nito. Bigla naman syang natakot sa pwede nitong sabihin sa papa nya.

“Rayne, please.”

“I’ll wait for you right here.”

Iyon lang at pinatay na nito ang telepono. She let out a deep sigh. Bumabalik na naman ang mga problema nila.

Pumunta sya sa restaurant kung saan sila kumain kagabi. Agad naman nyang nakita sina Alyssa at Jia na nagkekwentuhan. Pero di kalayuan sa mga ito ay namataan nya si Rayne na nakaupo. Hindi siguro ito napapansin nina Alyssa dahil may hawak itong dyaryo na nakatakip sa mukha nito. Napansin nya nga lang ito dahil tumingin ito sa kinatatayuan nya.

Pupunta na sana sya kay Rayne pero para makapunta dito, kailangan nyang dumaan sa mesa kung saan nakaupo sina Jia.

Naihilamos nya ang mga palad nya sa mukha nya.

Napansin sya ni Alyssa kaya kumaway ito sa kanya. Napakalawak ng ngiti nito. Tumingin sya ay Rayne, mata lang nito ang nakikita nya na nakatutok sa kanya.

Huminga sya ng malalim bago naglakad papalapit dito. She mouthed ‘sorry’ kay Alyssa bago sya pikit-matang lumampas sa mga ito para puntahan si Rayne.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now