Chapter 32

25.1K 335 36
                                    

“Ate Ji, umatake ang sakit ko e. Tinatamad na naman akong umalis ng bahay. Dito ka na lang pumunta sa unit ko. Dito na lang tayo mag-usap.”, hiling ni Alyssa kay Jia.

Magkikita sana sila nito dahil muli nilang pag-uusapan ang tungkol sa branch ng bookstore na balak na nilang ipatayo.

“Ly naman, akala ko ba mabuti kang negosyante? Paano naman ako, tinatamad din nga akong mag-drive. Magpapahatid nga lang ako kay Luke bago sya pumunta ng trabaho.”

“Yun naman pala, ate Ji e. Lubus-lubusin mo na. Dito ka na lang magpahatid kay Lukasyo. Crush naman yan ng boss nya kaya okay lang na ma-late sya.”

“Hoy Isang! Narinig ko yon! Kung ano-anong pinagsasasabi mo sa honey my love so sweet ko! Mamaya baka maniwala ‘to!”

Natawa sya nang marinig ang boses ni Luke sa kabilang linya. Nakikinig yata ito sa usapan nila ni Jia.

“Totoo naman, Lukasyo. Kinwento sa akin ni kuya ang mga kinwento mo sa kanya last week. Sabi mo pa nga daw maganda at sexy ang boss mo e.”, patuloy nyang pang-aasar.

“Hoy, Isang! Hindi totoo yan! Baby Ji, hindi totoo yon.”

“Tigilan nyo nga ako sa kalokohan nyong dalawa.”, narinig nyang sabi ni Jia. “Luke, sa condo na lang ni Ly, mo ako ihatid.”

Napangiti sya. Sya ang nagwagi.

“Ly, tawagan mo si Den. Sabihin mo na dyan na lang sa lungga mo pumunta.”

Ano?! “Ay teka lang naman, ate Ji. Bakit ako pa? Ikaw na lang. Kayo naman ang madalas na magkausap.” ,reklamo nya.

“At bakit ako, Valdez?  Ikaw itong nag-request na dyan na lang tayo mag-usap. Ikaw ang magsabi sa kanya.”

“Pero wala akong number nya.”, pagpapalusot nya.

“Itetext ko sayo ang number nya.”

“Hindi ba pwedeng tayo na lang dalawa ang mag-usap tapos ikaw na lang ang bahalang magsabi sa kanya ng mga napag-usapan natin?”

“No pwede. Si Den ang engineer. Kailangan marinig nya ang mga napag-usapan natin at para malaman din ang mga opinyon nya.”

She sighed.

“Sige na. Kinukulit na ako ni Lukasyo. Ipaghanda mo kami ng lunch ha.”, sabi pa ni Jia.

“Fine. Wag kang mag-alala sa lunch nyo. Nagluluto na si Andie.”

“Very good. Sige na. Bye. Itetext ko sayo ang number ni Den. Tawagan mo sya ha. Hindi ko sya tatawagan para sayo.”

“Oo na. Bye.”

Inilapag nya ang cellphone nya sa table at sumandal sya sa couch. Iniisip nya kung paano tatawagan si Den.

Sira. E di itype mo yung number nya sa cellphone mo tapos i-tap mo yung call button and then voila! Intayin mo na lang sagutin nya ang tawag mo.

Napangiti sya sa sariling joke. Haha. Very funny.

Mayamaya, naramdaman nyang may yumakap sa leeg nya.

“Ands. Akala ko ba nagluluto ka? Baka masunog yung niluluto mo.”, nangingiti nyang sabi kay Andie.

“Patapos na po akong magluto, your majesty. Hinihitay ko na lang pong kumulo yung sinigang.”

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now