Chapter 16

27.7K 306 6
                                    

“Hi, Dennise. I’m Rayne. Hindi kasi tayo maayos na nakapagkilala sa isa’t-isa kanina sa kotse.” Nag-abot ito ng kamay sa kanya. Ayaw nya sanang makipagkamay dito pero nakatingin sa kanila ang papa nya.

Ngumiti sya ng pilit. “Hi.” Mabilis nyang binitawan ang kamay nito at ibinaling ang tingin sa labas ng restaurant kung nasaan sila ngayon.

Tumawag ang papa nya sa kanya kanina habang nag-uusap sila ni Alyssa. Muntik pa silang mag-away dahil dito.

“Sino si Rayne?”, tanong ni Alyssa sa kanya.

“Ly. I don’t know. I don’t know him.”, sabi nya dito.

Hindi ito nagsalita. Tiningnan lang sya ni Alyssa.

“Ly—”

Natigil ang balak nyang pagpapaliwanag nang mag-ring ang cellphone nya.

Tumingin sya kay Alyssa. Tumango lang ito at humiga sa kama. Sya naman ay lumapit sa may bintana.

“Yes, Pa?”

“Where are you, iha. Wala ka daw sa dorm mo.”

“Uh.  Yes, Pa. Lumabas lang po ako sandali kanina.”

Sumulyap sya kay Alyssa. Nakapikit ito pero alam nyang gising ito.

“Ganun ba, anak. Nasa dorm ka na ba ngayon?”

“Opo. Bakit po?”

“Good. Susunduin ka dyan ni Rayne. Sumama ka sa kanya, andito kami sa restaurant ng ninong Art  mo.”

Napasulyap uli sya kay Alyssa. Nakapikit pa rin ito.

“Sino si Rayne, Pa?”

“Makikilala mo sya mamaya. Pero sa ngayon, mag-ayos ka muna ng sarili mo. Rayne is on his way.”

Nag-alangan sya pero hindi nya kayang suwayin ang papa nya. “Y-yes Pa.”

Pinatay na nito ang telepono. Lumapit naman sya kay Alyssa at umupo sa tabi nito. Nakapikit pa rin ito.

Hinawakan nya ang kamay nito.

“Ly.”

“Hmmmn.”

“Pinapupunta ako ni Papa sa restaurant nina ninong.”

“Okay.”

“Galit ka ba?”, tanong nya kay Alyssa.

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya.

“No, babe. Pagod lang siguro ako.” Hinalikan nito ang kamay nya.

“Susunduin daw ako nung Rayne.”, alangang sabi nya. Naisipan nyang sabihin dito dahil baka magtampo pa ito kapag di nya sinabi.

Natigilan ito bigla.

“Ly, I swear, hindi ko talaga kilala yung ‘Rayne’—”

“Den, naniniwala ako.” Ngumiti si Alyssa sa kanya.

“Ayaw mo bang pumunta ako? Magdadahilan ako kay Papa.”, sabi nya dito.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now