Chapter 33

28.2K 354 37
                                    

“Hello, ate Ji?”

“Den? Napatawag ka?”

Nag-alangan si Dennise sumagot.

“Den.”, untag ni Jia sa kanya sa telepono.

“P-pakisabi naman kay Ly na na-check na ni Myco yung site. Mag-start na yung construction next week. Pwede na syang pumunta ng Mindoro. Siguro, sa susunod na linggo.”

Narinig nyang bumuntong-hininga si Jia. “Bakit ba ako ang ginagawa nyong middle man?”

“Ate Ji, please.”, pakiusap nya kay Jia.

“No. Ikaw ang kumausap sa kanya. Nababadtrip na ako sa inyong dalawa. Ang arte nyo.”

“Ate Ji, alam mo naman kung bakit diba. Galit nga sya sa akin.”

“At paano mo naman nasabi yan, Dennise? Ni hindi pa nga kayo nagkakausap.”

“Hindi nya nga ako pinapansin. Paano ko sya makakausap?”

“E kasi nga hindi mo sya ina-approach. Lagi ka na lang pasulyap-sulyap. Hindi ka gumagawa ng paraan para magkausap kayo.”

“Natatakot akong ma-reject, ate Ji.”

“Yan na naman yang mga ikinakatakot mo. Hindi ka pa ba nadala?”

Hindi sya nakaimik.

“Call her , Den. For Pete’s sake, you’re already both 26 years old. Old enough to fix your issues on your own.”

“O-okay.”

Walang imik na pinatay nito ang telepono. Napahilamos naman sya ng mukha.

Hinanap nya ang number ni Alyssa sa cellphone nya. Pero hindi nya magawang i-tap ang call button. Ilang minute din nyang tinitigan ang cellphone nya bago sya nagpasyang tawagan na ito.

Huminga muna sya nang malalim.

“Hello?”, anang boses sa kabilang linya.

Napakunot sya ng noo. Hindi boses ni Alyssa ang narinig nya. Andie?

“Dennise?”

“O-oh. Yes. Andie?”

“Yeah. Sorry. Tulog kasi si Aly e, kaya ako na ang sumagot. Kakausapin mo ba si Alyssa? Wait, I’ll wake her up.”

“No! No! Don’t bother, Andie. Maaabala ka pa. Sabihin mo na—”

“Nah. It’s okay. Nandito lang naman sya sa tabi ko.”

Natigilan sya.

“Aly, si Dennise.  Hey, geek, si Dennise tumatawag.”, narinig nyang sabi ni Andie. Narinig naman nyang umungot si Alyssa.

“Hey, babe.”

Alyssa was already on the phone.

Nagulat sya sa itinawag nito sa kanya.

“Uh.” Iyon na lang ang tanging nasabi nya.

“E-engr. Lazaro! S-sorry. I thought you were someone else.”

“Aray, Ands!”, narinig nya pang sabi ni Alyssa pero hindi na nya pinansin iyon.

“Sorry to disappoint you, Ms. Valdez.” Bigla syang nakaramdam ng pagkainis kay Alyssa. “I called because I want to say na na-check na ni Myco yung site. We’ll start the construction next week. Pwede ka nang magbakasyon kasama si Andie or any of your girlfriends.”, hindi nya napigilang sabi.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now