Chapter 30

25.9K 320 21
                                    

Napalingon si Alyssa nang maramdaman nyang may kumalabit sa kanya.

“Genil! Rozen!”

Agad nyang niyakap ang mga ito.

“Bakit ngayon lang kayo? Kanina ka pa tinatanong ni ate Jia.”, tanong nya dito.

“Hahaha. Sorry. Galing kaming Korea nitong baby wifey ko e. Extended ang honeymoon. Buti nga nakahabol pa kami dito sa reception. Tamang-tama gutom na kami.”, sagot ni Genil.

Ikinasal na kasi last year ang mga ito sa New York. Kasama sya sa mga naging witness sa kasal ng mga ito.

Lumapit sa kanya si Genil at may ibinulong. “She’s with us.”

Napakunot sya ng noo. Nakangiti sa kanya nang nakakaloko si Genil.

Anong kalokohan na naman kaya ito ni Henyang ito?

Sukat nang maisip nya iyon ay saka nya lang napansin ang babaeng kasama nina Rozen at Genil.

Napangiti sya nang maluwang. Nilapitan nya ang babaeng kasama nina Genil at niyakap.

“Alyssa.”, sabi ng babae nang humiwalay sya dito.

“Andie.”, nakangiti nyang tugon dito.

Ngumiti ito pagkatapos ay halikan sya nito sa labi. Napangiti na lang sya at tumugon dito. Niyakap pa nya ito sa bewang.

“Ahem. Mayday! Mayday! Andie and Alyssa. Kissing in front of public. Tower, do you copy?”

Sabay silang napatawa ni Andie nang maghiwalay sila ng labi.

“Genil. Panira ka ng moment. Na-miss ko ‘to e.”, tukoy ni Andie sa kanya.

“Hahaha. Hindi ka na nasanay.”, sabi nya kay Andie. Bumaling sya kina Genil at Rozen. “Puntahan mo na sina ate Jia at Luke. Kikidnapin ko muna itong si Andie.”

“Nako baka kung anong gawin nyo kapag iniwan namin kayong dalawa ha. Ipapa-pulis kayo ni Jia.” Inakbayan nito si Rozen at iginiya papunta kina Jia at Luke.

Nang makaalis ang mga ito ay hinila nya si Andie papunta sa mesa kung nasaan ang mga pinsan nya.

“San tayo pupunta, Aly?”, tanong nito.

“Ipakikilala kita sa mga pinsan ko. Matagal na nila akong kinukulit kung sino ba daw yung kasama ko sa picture na nakita nila dati.” Kinindatan nya ito.

“Haha. Siraulo ka Alyssa. Ibebenta mo pa yata ako sa mga pinsan mo.”

“Malay mo naman. May bumili sayo, edi magkakapera ako. Hahaha.”

“Walang bibili sa akin dyan. Nakita nilang hinalikan mo ako kanina e.”, sabi nito.

“Ikaw ang nauna kasi. Syempre, nahiya naman akong tumanggi. Haha.”

Tumawa na lang ito at hinampas sya sa braso.

Pare-parehong nakangiti ang mga pinsan nyang nang makalapit sila sa mga ito.

“Wala ka nang dapat i-explain pa, Alyssa. Nakita namin ang lahat. Alam na naming malakas talaga ang charm at appeal mo. Wag mo na kaming yabangin.”, sabi sa kanya ni Dave.

Napatawa sya. “Ano bang sinasabi mo dyan, Dabido? Ipapakilala ko nga sana sayo ‘tong magandang dilag na kasama ko e. Sabi kasi ni kuya uwian daw kita ng chix kapag umuwi ako kaya eto na.”

That Kiss (feat. AlyDen)Место, где живут истории. Откройте их для себя