Chapter 8

30.3K 456 7
                                    

12am na umakyat si Alyssa sa kwarto nila. Dinatnan nyang sa kama nya natutulog si Denden.

Bakit dito natulog 'to?

Nilapitan nya ito at tiningnan kung nasugatan nga ba ang labi nito dahil sa pagkagat nya kanina. Napamura na lang sya nang mahina nang makitang may maliit ngang cut ang lower lip ni Denden. Medyo namumula din iyon.

Badtrip mukhang napasobra nga ata ako. Sorry.

Hinalikan nya sa buhok si Den at nagbihis. Kailangan na nyang matulog dahil may pasok pa sya bukas.

Naalala nya ang naging usapan nila ni Jia kanina.

“Kayo na ba?”, tanong ni Jia sa kanya.

“No. Akala ko ba malakas ang instinct mo. Bakit parang pumapalya ka na?”

“Talaga? Kala ko pa naman may naging magandang bunga ang pag-amin mo.”

Kumunot ang noo nya. “Paano mo nalamang nangyari yon?”

Ngumiti ito. “So totoo nga. Kaya pala mega-reach si Lazaro sa kamay mo sa ilalim ng  table kanina.” Sauce. Hinuhuli lang pala sya nito. “Anong nangyari?”

Bumuntong-hininga sya. “Tinanong nya ako kung bakit ko daw sya iniiwasan. Syempre itinanggi kong iniiwasan ko sya. Kaso kinulit ako nang kinulit kaya napaamin ako kung bakit. Naging pasigaw tuloy yung confession ko na dapat sana e romantic.” Tiningnan nya si Jia nang masama. “Bakit mo kasi sya hinayaang sumunod.”

“Nag-alala kasi ako baka magwala ka sa kotse ko. Alam mo namang mahal na mahal ko yon.”

“Napakabait mong kaibigan, ate Ji. Hashtag ‘sarcastic’.”

“Hahaha. Sige na. Aakyat na ako. Bukas mo na lang ikwento kung pano nya sinabi  sayong mahal ka rin nya.” Tumayo ito at umakyat na. Napanganga naman sya sa sinabi nito. Mukhang may psychic powers si Jia. Paano nalaman nito na sinabi rin ni Denden na mahal din sya nito.

“How’d you know that ate Ji?!”, pahabol nyang sigaw dito.

“Stop shouting Valdez! I’m going to sleep!”, at narinig nya ang pagsara ng pinto nito.

Napailing sya. Ano pa kayang powers ang tinataglay ni Jia na hindi pa nito ipinapakita sa kanila.

-------------------------------

Nagising si Alyssa dahil sa isang ingay. Nakita nya si Denden na yumuko at kinuha ang aklat nitong nalaglag.

Ang ganda ng view.

Nakita sya nito. “Sorry, nagising ata kita.”

Umupo siya habang kinukusot-kusot ang mata. “Okay lang. Buti nga nagising ako e. Kailangan ko pa kasi ayusin yung laptop ko bago ako pumasok.”

Tumingin sya sa relo nya. 8:30 na pala. 10 ang klase nya. Pumunta sya sa loob cr para maghilamos at mag-toothbrush.

“Diba may klase ka ng 8? Bakit andito ka pa?”, tanong nya kay Denden.

“Nagtext si Kat e, wala daw si engr.” Kaklase nito si Kat.

“Oh, okay.”

Dumaan ang mahabang sandali. Wala silang imik pareho. Para silang nagpapakiramdaman lang. Hindi na sya nakatiis. Lumapit sya dito. Nakaupo ito sa kama nya habang nakayuko.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now