Chapter 11

30.3K 360 5
                                    

Lumabas si Alyssa mag-isa para bumili ng makakain. Nagugutom na sya. Maghapon syang hindi lumabas ng room nila dahil tinopak sya ng obssession nya sa pagdissect ng kung ano-anong gadget na dala nya. (Weird talaga sya, wag kayong magtaka.) Si Denden naman ay natutulog dahil pagod na pagod sa maghapong paggala kasama ang mga magugulo. Pang-apat na araw na nila ngayon sa Puerto Galera.

Abala sya sa pagtingin-tingin at pag-iisip kung anong ngutngutin ang bibilhin nya nang may kumalabit sa kanya. Nakakunot ang noong tumingin sya sa likuran nya.

Nakangiting mukha ni Luke ang sumalubong sa kanya paglingon nya.

Ngumiti din sya.  “Akala ko kung sino. Ikaw lang pala. ” Ibinalik nya ang tingin sa mga chichiryang nasa estante.

“Anong ginagawa mo?”, narinig nyang tanong nito.

“Ah, tinititigan ko yung mga chichirya, hinihintay ko kung magwi-wink sila sa akin.”

“Ha-ha-ha. Funny, Isang.” Napalingon uli sya dito. Wala nang tumatawag sa kanya ng ‘Isang’ sa mga panahon ngayon. Luminga-linga sya sa paligid, baka may nakarinig sa sinabi ni Luke. Nakahinga sya nang maluwag nang makitang sila lang ang tao sa bahaging iyon ng grocery.

“Ano ka ba, Luke. Wag mo na nga akong tawagin nyan. Eew na e. Ganda kong to, ‘Isang’ ang itatawag mo sa akin? Jeskelerd!”

Natawa si Luke sa sinabi nya. “E ano naman kung ‘Isang’ ang itawag ko sayo, gusto ko yun. Unique. Ako lang ang tatawag non sayo dahil ikaw lang ang nagi-‘Isang’ babae sa puso ko.” Nagpogi pose pa ito. “Bukod syempre sa nanay ko.”, pahabol pa nito.

“Nako, Luke, tigil-tigilan mo ako ng mga ganyang kalokohan mo ha.”

“Ito naman, hindi mabiro. Hanggang kailan mo balak hintaying kindatan ka nyang mga chichiryang tinititigan mo? Kain tayo. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa ako kumakain. Sandali lang at nagko-concentrate ako sa pagpili kung anong bibilhin, mamaya hindi nya magustuhan ang bibilhin ko, mag-iingay na naman sya.”, sabi nya dito habang nakatingin pa rin sa mga pagkain.

“Sinong ‘sya’?”

Nagulat sya sa tanong nito. Buti na lang hindi pangalan ni Den ang nabanggit nya.

“Anong ‘sinong sya’?”, sabi na lang nya.

“Yung hindi magugustuhan ang bibilhin mo. Boyfriend mo?”

“Ha? Wala nga akong boyfriend diba. Tsaka ang sabi ko ‘nila’. Yung mga teammates ko. Baka hindi nila magustuhan ang mabibili ko. Magkakagulo na naman ang mga yon.”

“Ah. Okay.”, sabi nito. Parang hindi naniwala sa palusot ko ah. Wai akong cares.

“Tara na. Ito na lang ang bibilhin ko. Libre mo ako ng pagkain.”, yaya nya dito para matapos na ang tanungan portion nila.

“Gimme that. Ako na lang ang babayad.”, inaabot nito ang mga pagkaing kinuha nya habang papunta sila sa counter.

Inilayo naman nya dito ang mga iyon. “Ako na lang. Ilibre mo na lang ako.”, tanggi nya. Pero dahil mas mahaba ang kamay nito ay naabot nito ang mga bibilhin nya. “Ako na nga kasi.” At nauna na ito sa counter para magbayad.

- - - - - - - - - -

Sa isang floating restaurant sya nito dinala para kumain. Yayayain nya sana ito sa iba na lang kumain pero nagbago ang isip nya nang mapansing maganda ang ambiance ng restaurant.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now