Chapter 35

34.7K 395 29
                                    

Nagtaka si Dennise nang hindi nya makita ang secretary nyang si Trina nang papalapit sya sa opisina nya. Lagi itong nauuna sa kanya sa pagpasok.

 “Ren, dumating na ba si Trina?”, tanong nya sa kaopisinang malapit sa sekretarya nya.

Nako, ma'am Dennise, maaga po akong pumasok pero hindi ko pa po sya nakitang dumating.”

Ano kayang nangyari dun? Pumasok naman sya kahapon. Tumatawag naman sya kapag hindi sya makakapasok.

Nag-alala sya. Baka nagkasakit ito. Napalapit na rin sa kanya si Trina dahil apat na taon na rin nya itong sekretarya.

Sinulyapan nya ang desk nito. Wala pa ang mga gamit nito. Hindi pa nga ito pumapasok.

Dumiretso sa kanya sa kanyang opisina. Balak nyang tawagan si Trina para kumustahin ito.

Kaunti pa lang ang naiaawang nya sa pinto nang may maulinigan syang nag-uusap at nagtatawanan sa loob ng opisina nya. Napakunot sya ng noo.

Sinong nasa loob ng opisina ko?

Dahan-dahan syang pumasok sa loob.

Papa?! Ly?!

Engrossed na engrossed ang dalawa nyang 'bisita' sa pagkekwentuhan dahil hindi sya napapansin ng mga ito.

Basta, Alyssa, galingan mo. Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako papayag sa hinihiling mo pero mapilit ka.”, sabi ng papa nya kay Alyssa.

“Don't worry, Tito. Makakaasa kayo sa akin.”

Lalong lumalim ang gatla noo nya.

Anong pinag-uusapan nila? Kailan pa sila naging close?

Napaisip sya. Kung ganito siguro sila noon, kami pa rin ni Ly ngayon.

Mayamaya ay napalingon sa kanya si Alyssa.

“Den!”, tawag nito sa kanya. Agad na napatayo ito sa kinauupuan nito.

Anak.”, nakangiting sabi naman ng papa nya.

Lumapit sya sa mga ito at humalik sya sa pisngi ng ama. Nginitian nya naman si Alyssa.

“Bakit wala akong kiss?”, tanong ni Alyssa sa kanya.

Nagulat sya sa tanong nito. Agad na nalipat ang tingin nya sa papa nya na parang hindi narinig ang sinabi ni Alyssa. Nakangiti lang ito.

Ibinalik nya ang tingin nya kay Alyssa at pinanlakihan ito ng mata. Napatawa naman ito sa ginawa nya.

“What are you two doing in my office? Paano kayo nakapasok dito? Ako lang ang may susi dito.”

Tumawa ang papa nya. “Easy, iha. Wala akong kinalaman dito. Si Alyssa ang may kasalanan. Pwede pala syang magnanakaw. She knows how to pick locks. Haha.”

Naalala nya ang napag-usapan nila ni Alyssa kahapon.

Nanakawan ko ang papa mo ng anak.

That Kiss (feat. AlyDen)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin