Chapter 28

24.7K 295 14
                                    

Nagising si Alyssa na nakayakap at nakadantay sa kanya si Den. Namiss nya ito.

Namiss nya ang gumising na halos nakapulupot na sa katawan nya si Denden. Simula kasi nang magtampo sya dito ay madalas na bumababa sya sa sala para doon matulog kapag naramdaman nyang malalim na ang tulog nito.

Maingat nyang inalis ang binti ni Denden na nakapatong sa hita nya bago nya itaas ang kamay nitong nakayakap sa bewang nya. Pumihit sya ng pagkakahiga para mapagmasdan ito. Ibinalik nya ang kamay nito sa bewang nya.

Hinawi nya ang buhok na tumatabing sa mukha nito. Nagulat sya ng makitang may luha si Denden sa mata. Umiiyak sya habang natutulog?

Masuyo nyang pinunasan ang luha nito at hinalikan ito sa noo.

Mahal mo ba talaga ako, Den? May hindi ka ba sinasabi sa akin?

Gumalaw si Den. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Nakapikit pa rin ito pero ngumiti ito.

“Ipagpe-prepare kita ng breakfast.”, sabi nya kay Den.

“Wag na. Dito ka na lang.”, sabi nito habang nakapikit. Sumiksik pa ito sa kanya. “Ganito muna tayo.”

“May training tayo ng 6am. 5 na.”

Umungot ito.

“Den, baka magsuper saiyan si ate Jia kapag nalate tayo.”           

Kumawala sya sa pagkakayakap ni Den at tumayo.

“Dadalhin ko na lang ang breakfast mo dito. Wag ka nang bumaba ha. Tumayo ka na dyan at mag-shower ka na.”, sabi nya dito.

Ngumiti at itinaas ang dalawang kamay. “Wala ba akong morning kiss and hug?”, tanong nito.

Lumapit sya dito. Yumuko sya para halikan ito at yakapin.

“There’s your kiss and hug, baby. Now, get up. Kahit idol ako ni ate Ji, hindi nya palalampasin kapag na-late tayo.”

Nagmulat ito ng mata at sumaludo sa kanya. “Aye aye, captain.”

Nginitian nya ito bago tinungo ang pinto. Nang makalabas sya ng kwarto ay dahan-dahang  napalis ang ngiti nya. Ang galing ko talagang magpanggap. I’m so proud of myself.

She’s trying to act like nothing happened pero sa totoo lang nagdadalawang-isip na sya sa relasyon nila ni Den. Mahal na mahal nya si Den, sigurado sya sa nararamdaman nya pero si Den, hindi handa sa relasyon nila.  Hindi ito handa sa uri ng relasyon nila.

“You still haven’t talked to her?”, tanong sa kanya ni Jia nang madatnan nya ito sa kusina.

“We already talked.”, sagot nya dito.

Kumunot ang noo nito. “E bakit ganyan pa rin ang hitsura mo?”

“I don’t know. Didn’t go well, I think?”

“What? Bakit?”

“I think she’s hiding something from me.”

“Why don’t you ask her?”

“I already did. Ayaw nyang sabihin.”

Hindi na ito nagsalita.

Ipinagpatuloy naman nya ang pagpe-prepara ng almusal ni Denden. Napansin siguro ni Jia ang inihahanda nya kaya tinanong sya nito.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon