Chapter 19

27.3K 351 20
                                    

This chapter contains themes and scenes not suitable for very young audiences. Parental guidance is advised.

--------------------

“Inabot kayo ng ulan?”, tanong ni Jia sa kanya.

 “Ahuh. Hindi kami makakauwi ngayong gabi dahil may baha dito at hindi kami makadaan.”, sabi nya. Sya na ang kumausap kay Jia dahil abala si Alyssa sa paghahanap sa kubong tinutukoy nito. Titingnan nila kung pwede pa iyong gamitin kahit ngayong gabi lang.

“You,two, are so lame.”

“What? Hindi naman kami ang may kasalanan kung bakit umulan at bumaha.”

“Whatever. Nga pala, your Rayne was here. He was looking  for you.”

“He’s not my Rayne, ate Ji!”, naisigaw nya. Napatingin sya kay Alyssa. Nakita nyang natigilan ito. Shit! Hinawakan nya ang kamay nito at pinisil.

Huminga muna sya nang malalim bago uli kinausap si Jia. “Ano daw kailangan nya?”, mahinahon nyang tanong.

“He wants to ask you out on a date."

“Makapagdemand sya, feeling nya close kami. Buti pala wala kami dyan. Hindi na lang kami uuwi, magpapakalayo-layo na lang kami ni Ly.” Tumingin sya kay Alyssa. Nakitang nyang bahagyang napangiti ito.

“Sure. Para mabawasan ang magugulo dito.”

“Okay. Sige na ate Ji, sasabihin na lang namin sayo kung saan kami nagtanan. Haha.”

“Kahit wag na. Bye.”

“Bye.”

Napabuntong-hininga sya nang ibaba nya ang cellphone. “Hindi mo pa rin ba makita yung kubo, Ly?”, tanong nya kay Alyssa.

“Nah. Hindi ko na kasi masyadong matandaan yung exact na location pero I’m sure it’s around here.”

“Kanina ka pa yang around here mo ha.”

“You know I’m  bad with directions. Ilabas mo nga lang ako ng bahay, sigurado akong maliligaw na ako.” Hinalikan nito ang kamay nyang nakakapit sa kamay nito. “Sandali na lang, babe.”

Ang sandali nito ay umabot ng 30 minutes. Napapagod na sya.

“There it is!”, sabi nito sabay turo sa isang madilim na bahagi ng lupain. Wala syang makita bukod sa mga patak ng ulan dahil sa headlights. Maya-maya ay naaaninag na nya ang isang maliit na kubo nang makalapit sila. Nang makita nya ito ay parang gusto na nyang matulog na lang sa sasakyan. Ang creepy.

Bumaba si Alyssa ng sasakyan ng makalapit na sila nang tuluyan sa kubo. Inalalayan sya nito pababa at hinila para makasilong sa kubong lalo yatang mas naging nakakatakot sa paningin nya.

“Let’s go inside.”, yaya nito sa kanya.

“O-okay.”

Nagpatiuna na si Alyssa sa pagpasok habang sya naman ay nakakapit nang mahigpit sa kamay nito.

“L-ly. Wala bang ilaw dito.”, tanong nya.

“Hmmm? Wala. Bakit natatakot ka ba?”

“O-oo.”

“Don’t wor—”

Nagpanic sya nang maramdamang bumitaw sa pagkakakapit si Alyssa sa kanya. Bigla na lamang nawala ito. Pati ang ilaw ng cellphone nito ay nawala. Kinuha nya ang cellphone nya para magkaroon ng liwanag pero mukhang low-batt na sya. Shit! Bakit ngayon pa?!

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now