Chapter 41

22K 318 14
                                    

“C’mon Genil. Stop sulking. Aly’s been playing that game ever since she was in her mother’s womb. Kahit ata pinakamahinang team ang gamitin nya at Cleveland ang gamit mo, matatalo ka pa rin. You’re still lucky, naka-game 7 ka sa kanya.”

Hindi nya maintindihan kung pinapalubag ba ni Andie ang loob ni Genil o ano.

Gusto nya tuloy matawa sa hitsura ni Genil. Lalong sumimangot ito. “I did my best but I guess my best wasn’t good enough.”, sabi pa ni nito.

“Wait. Did you just quoted a song?”, natatawa nyang tanong dito.

Nagtawanan naman ang mga kasama nila.

“I don’t know what you’re talking about.”

“Gen. We’re suppose to be having a great time. Andie’s leaving on Saturday. Wag mo sabihing magmumukmok ka hanggang sa makaalis sya?”

“I just wanted those books so bad.”

“Diba meron ka na namang copy nung mga yon?”

“Yeah. Pero paperback lang sila e. And luma na. I want those hardbounds. Kahit wala nang bonus na autograph ni Rick Riordan, okay na.”, nakalabi pa nitong sabi.

Napailing na lang sya. “Wait.”

Tumayo sya at mabilis na pumunta ng kwarto nya. Kinuha nya ang Percy Jackson series na matagal na dapat nyang naibigay kay Genil.

Nang makita sya nito ay halos lumuwa ang mata nito dahil sa dala nya.

“Here.” Inabot nya dito ang mga libro. “Matagal ko na dapat ibibigay sa’yo yan kaso nalilimutan ko e. Yung first series lang yan kasi nga kari-release pa lang naman nung last book ng Heroes of Olympus.”

Para itong batang nabigyan ng trip na lollipop dahil sa saya.

“So okay ka na, bata?”, tanong pa nya dito.

Inirapan sya nito pero mayamaya ay ngumiti na rin. “Ako nang bahala sa tickets mo, Aly. Bibigyan pa kita ng bonus na backstage pass.”, sabi nito.

Nakipag-high five sya dito.

“Ayos.”

Tatawa-tawa lang ang mga kasama nila sa kanilang dalawa ni Genil.

- - - - - - - -

“Den, okay ka pa? Tell me para maitakas na kita sa mga yan. Parang lasing ka na e.”, naulinigan nyang tanong ni Alyssa sa kanya.

Nagyaya si Andie na mag-inuman sila pagkatapos nilang kumain. Nahihiya naman syang tumanggi kaya napainom na din sya. Walang nagawa si Alyssa sa pinagsamang pwersa ni Andie at Jia nang tumutol itong painumin sya ng alak. Dumagdag pa ang pang-aasar ni Genil kaya wala na itong nagawa.

Lumingon sya kay Alyssa. “I’m okay, Ly. Nahihilo lang ako ng very very light but ishtill okay. Okay?”

Napasimangot ito. “Not okay. You’re drunk. Namumungay na yang mga mata mo o.”

“I’m not.”, tanggi nya.

Napabuntong-hininga na lang ito at lalong humigpit ang pagkakayakap sa bewang nya. Kanina pa sya nito kinukulit na umalis na sila para hindi na sya mapainom pero panay ang tanggi nya. Nakakahiya naman kasi sa mga kasama nila kung iiwan nila ito.

“Bakit ikaw parang hindi ka naman nalalashing? Madami ka na rin nainom a?”, takang bulong nya dito.

Itinuro lang nito ang halaman sa tabi nya.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now