Chapter 44

25K 360 18
                                    

“I chartered a plane for all of you para hindi na hassle, diba sinabi ko na sa’yo yun last week pa para nga hindi na kayo magpa-book ng ticket. Sabay-sabay na kayong lahat. It’s already been taken cared of.  Kami na lang ni Dennise ang magko-commercial flight.”, mahinahong sabi ni Alyssa kay Ella.

“Sigurado ka ba dyan, Alyssa Valdez? Nasabi mo na ba sa iba?”, tanong na naman nito sa kanya.

“Yeah, Ella. Naitanong mo na yan kanina. Actually last week pa nga.”, she tried not to roll her eyes. Alam naman nyang pinagti-tripan lang sya ni Ella. Ilang araw na itong paulit-ulit ng tawag sa kanya at iisa rin lang ang mga tanong at sinasabi. Ito at sina Marge at Bea na syang mga original na bullies nila ni Dennise noong college sila.

“Sigurado ka talaga, Alyssa ha.”, hindi man nya ito nakikita ay alam nyang nakangisi ito sa kanya.

“Yes. Gusto mo bang si Dave pa ang paliwanagin ko sa’yo. He kinda told me something.”

Napangiti naman sya nang sandaling natahimik ang kaibigan nya.

“I told that smurf not tell anyone about that. Baliw talaga ang lalaking iyon. Bwisit!”, she heard Ella murmur.

“Ells, I heard that.”, natatawa nyang sabi dito.

“That bastard! What did he tell you? Did he tell you I kissed him?! I didn’t! Siguruhin mong kumuha na ng bodyguards yang magaling mong pinsan dahil kapag nakita ko sya sa eroplano, talagang itutulak ko sya para mabawasan ng isang siraulo ang sandaigdigan.”

Tuluyan na syang natawa.

“Relax, Ells. Don’t worry, I’m giving you my blessing.”

“Ugh! I can’t believe ikakasal na talaga kayo ni Dennise.”

Napailing na lang sya sa bilis ng transition ng emosyon ng kaibigan nya. Rinig nya ang paghikbi nito sa kabilang linya.

“Hahahaha. Ells, alam kong kunwari lang yang hikbi mo. At correction, magpopropose pa lang ako bukas. I’m not even sure if she’ll say yes. Imagine, kasal na agad ang aalukin ko e hindi pa nga kami official na nagkakabalikan.”

“Oh come on. Dennise won’t even let you finish the question kapag nagka-hint sya. She’ll immediately grab you and kiss you ‘til you’re both out of breath and then say ‘yes’. Just like in the movies.”

She can see Ella rolling her eyes.

“But we’re not in the movies. There are no cameras rolling. I don’t know if she’s ready to get married at 26. And now that I think about it, mas lalo akong kinakabahan.”

“Shut up. Hindi kinakabahan ang isang Alyssa Valdez.”

“Yeah. Pero pagdating sa isang Dennise Michelle Lazaro, ibang usapan na.”

Bumuntong-hininga na lang sya.

“You really fell for her that hard. Hahaha. Oh how I missed bullying the both of you. Namimiss ko na yung naiinis na mukha ni Den at yung poker face mo.”

She chuckled. Weird, pero namimiss nya din yon. Hindi na din kasi sila masydong nagkikitang magkakaibigan dahil may kanya-kanya na silang trabaho.

“I’m really happy for the both of you, Aly. The whole gang are.”

“Thanks, Ells.”

“Yeah. So, I assume marami ka pang aasikasuhin. I’ll hang up na.”

That Kiss (feat. AlyDen)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang