Chapter 40

21.9K 337 27
                                    

“Hi miss, can I get your number?”

Napakunot ang noo ni Alyssa nang marinig ang isang boses ng babae na kinakausap sya.

“Sorry. I’m already taken.”, sagot nya dito nang hindi ito tinitingnan. Masyado syang abala sa pagtetext ng sweet nothings kay Dennise para pagkaabalahan ang may topak na babaeng kumakausap sa kanya.

“Sayang naman. Bibilhin ko pa naman sana ang lahat ng libro dito sa bookstore mo kapag pumayag kang mag-date tayo.”

“Oh. Sorry pero mayaman na ako e kaya okay lang.”

Hindi pa rin nya tinitingnan ang kumakausap sa kanya.

Narinig nyang bahagyang napatawa ang babae.

“Miss, kung hindi ka bibili ng aklat umalis ka na lang dahil baka marami nang nakapila sa likod mo.”, sabi nya dito bago ibulsa ang cellphone nya. Tinext kasi sya ni Dennise na may pupuntahan itong meeting sa isang kliyente.

Sa wakas ay tiningnan nya ang babaeng kumakausap sa kanya. Lalo syang napasimangot nang makita ito.

Bakit ba hindi ko nakilala ang boses ng kurimaw na ‘to?

“Genil, pwede ba umalis ka dyan. May nakapila sa likod mo o. Masisira ang negosyo ko sa’yo.”

Ngising-ngisi naman si Genil na tumabi. Inasikaso nya ang mga bumibili ng libro.

“Ito na pala ang trabaho mo ngayon. Sabi ni Jia, nagmamanage ka daw. Parang hindi naman.”

Inirapan nya ito.

“Wala kasi akong magawa. Kaya pinagpahinga ko yung cashier namin.”

“Sus. Ang sabihin mo gusto mo lang makakilala ng magandang chicks na maliligaw dito sa bookshop mo.”

“Tigilan mo nga ako Henya. Ano bang ginagawa mo dito? Himala humiwalay ka kay Rozen.”

Sumimangot naman ito.

“May shoot ang honey ko. Ayaw nya akong isama.”

Napatawa sya. “Paano naman kasi, inuupakan mo yung photographer nila.”

“E pinagtu-two piece nya si Rozen ko e. Gusto nyang manyakin.”, halos pasigaw na sagot nito. Nagtinginan tuloy dito ang tatlong customer nya na nakapila. Hindi naman nito iyon pinansin.

“Genil, alangan namang magpantalon at jacket sya kung ang theme ng shoot nila e summer.”, sabi nya dito.

“Summer e November pa lang.”, pabulong namang sabi nito.

Napailing na lang sya. Malakas din ang topak ni Genil kung minsan.

“Bakit ka ba talaga nandito? Akala ko nasa coffee shop ka?”, tanong nya dito nang maubos ang mga customer na nagbabayad.

“Andun si utol kaya naisip kong guluhin ka dito. Kumusta si girlfriend? Pupunta ba sya bukas?”

“Okay naman. Kakakita lang namin kanina. Sabay kaming nag-lunch. And yes, pupunta sya bukas. Na-claim na sya ni Andie bilang bestfriend e.”

“Hanep naman talaga ang pagmamahal mo, talagang pinupuntahan mo pa sya sa opisina nya para lang makasabay syang mag-lunch. Hanep ka. Idol!”

Nag-apir sila ni Genil.

“E kumusta naman yung karibal mo na nagtatrabaho dun kina girlfriend? Naku, mamaya nyan naagaw na sa’yo si girlfriend non. Ano bang pangalan non? Mickey? Mickey Mouse?”

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon